"Why are you doing this to me?" I helplessly stared at myself in the mirror."You look great Em! He'll absolutely be head over heels at you." And saw my friend pop up beside me. She was staring at me happily, but also creepily.
"Ano ba kasi ang pumasok dyan sa kokote mo at sinet-up mo ko sa isang blind date?" I looked away, lumapit sa kama ko at umupo.
"Em, look at yourself right now. You look more like a human being and nothing like a canvas painted with white and gray alone." umupo ito sa carpeted na sahig ng kwarto ko.
"Nakaka-offend ka na minsan Dia ha. 'Di na nakakatawa." I glared at her.
"Truth hurts Em. Kaya nandito ako para gabayan ka sa matuwid na daan."
"You're joking right?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Nope." Pailing-iling na sagot nito.
"Well, tell you what. I don't need your guidance sa matuwid na daan na yan dahil nasa matuwid na daan na ako. I'm not boring, nor not white and gray ANYMORE." Tumayo ako at bumalik sa harap ng salamin.
"That's the spirit!" tumayo ito at dinampot ang sapatos ko at inabot sakin.
"Sa'n mo naman nadampot yang ka-date ko?" Tanong ko habang isinusuot ang sapatos ko.
"Oh, you'll know later. And para sa'n pa yung blind date kung makikilala mo ang ka-date mo?" Dia murmured.
"What do you think?" I gaze at myself in the mirror.
"Isa ka na ngayong obra ni Dia! Maglalaway sayo ang ka-date mo ngayon!" Na e-excite na pumalakpak at patalon-talon si Dia sa likod ko.
And I doubt that. Minsan lang akong magsuot ng mga ganitong klaseng damit. Ni ayaw kong mag suot ng heels for crying out loud! Pakiramdam ko matatapilok ako nito!
I'm wearing a long pastel turtle-lace-neck with sleeves that crawl up to my wrist and a brown high-waist skirt that falls up to the middle of my thighs. I've matched it with three-inched beige heels. My hair was fixed in a messy bun and I only applied a little amount of foundation on my face and some lipbalm.
Hinatid ako ni Dia sa isang restaurant na hindi kalayuan sa apartment ko. Ngayon ko lang ito napansin na may ganito pala na malapit lang.
"May mga ganito pala dito?" tanong ko.
"See?! 'Di mo nga alam na may resto pala malapit sa inyo! 'Yan na nga ba sinasabi ko sayo Ema! Masyado kang lublob sa pangarap mo at nakakalimutan mo kung ga'no kaganda ang kapaligiran mo." palatak nito
Hindi na ako sumagot. Nininyerbyos na ako at di ko na kayang makipagtalo pa sa kaibigan ko.
"May reservation na ako 'ron, di pa naman siguro darating ang ka=date mo dahil nauna ka nang anim na minuto sa napagusapang oras." She whispered
"Nagmumukhang excited ako nito. Tsk. Saka ano ba ang suot niya? 'Di mo pa nasasabi sakin. And damn! I'm starting to freak out here!" Kinikiskis ko ang mga palad ko. Habbit ko na yun pag ninenerbyos ako. Pinagpapawisan na rin ako at bumibilis ang pintig ng puso ko. Nanlalamig na ang kamay ko.
Matagal ko na rin nung huli akong magkaganito. The last time I felt like this ay nung first year/freshmen pa ako sa Y.U. at wala pa akong kakilala.
"Ah basta! Pumasok ka nalang kasi!" At pinagtutulak niya akong pumasok sa loob. Di naman ako makapalag dahil nahihirapan akong gumalaw sa suot kong heels.
Nang makapasok na ako ay sinalubong ako ng isang babaeng naka-uniporme.
"Are you Miss Elie Marie Austine?" Magalang na tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasyNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...