"Oh Ema? Overtime ka ata ngayon?" Tanong sakin ni Angela.
"Absent kasi si Stephanie tapos nakiusap siya sakin na ako muna ang papalit sa kanya ngayon." Sagot ko naman.
Nag huhugas ako ng mga tasa sa kabilang bahagi ng counter. Si Angela naman ay nagpapatuyo sa mga nahugasan ko na.
"Emergency ba? Ok lang kaya siya?" Nag aalalang tanong sakin
Natahimik ako. Tumawag kasi sakin kanina si Stephanie at umiiyak siya.
Inatake kasi ng ghoul ang mama niya habang papauwi ito kaninang alas sais ng hapon. Buti may nakakita kaya nakatawag agad ng tulong at naisugod agad ito sa hospital.
"Ang mama niya kasi isinugod sa ospital."
Nang marinig ko ang nangyare ay may mga munting boses na ang nagsasabi sakin na dapat na akong matakot sa mga halimaw na iyon.
"Huh? Anong nangyare? Naaksidente ba?" Huminto ito sa ginagawa niya.
Huminto rin ako at tinukod ang dalawang kamay sa gilid ng lababo.
"Inatake kasi ang mama niya ng ghoul kanina." Mahina kong sabi.
"Ano?! Kumosta na ang mama niya ngayon? Ok lang ba?" Lalo kong nahimigan ang alala at takot sa boses ni Angela.
"Hindi ko pa alam. Naghihintay pa rin kasi ako sa text niya." Nagpatuloy ulit ako.
Di ko na alam kung ano ang iisipin sa mga oras na ito. Lalo tuloy aking nag aalala. Kanina pa dapat tumawag sakin si Stephanie eh pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
"Tatawagan ko muna si Steph, Ema. Paki bantay lang muna, babalik rin ako agad."
"S-sige. Ako na muna ang bahala dito."
Ang matapos na ako sa paghuhugas ay may pumasok na dalawang lalake.
"Two coffee please." Sabi ng lalakeng nakatali ang buhok. Di naman masyadong mahaba ang buhok niya, may mga ipit pa nga ito. Ang cool niyang tingan. Yung aura niya parang kay Edward sa Twilight. His skin is so pale, so light--matangkad rin siya, well silang dalawa ay matangkad. Ito lang ay masyadong dark, yun bang nakakatakot lapitan.
"And no sugar." Sabi naman ng kasama niyang naka roundcap na binaliktad. May mga hibla pa na nakalabas sa butas sa harap ng sombrero. Isang itim na earings sa kaliwang tenga niya. Maputla rin ang balat niya katulad ng lalaking kasama niya. Mas gusto ko pang makipag usap sa lalaking to kesa sa yung sa isa.
'Feeling mo naman kakausapin ka nila'
Na serve ko na ang coffee na inorder nila at lumabas ng counter para linisan ang dalawang wala nang laman na table at naiwan ang wala na ring lamang tasa ng kape.
Napatingin ako sa labas ng bumuhos bigla ang malakas na ulan.
'Pag minamalas ka nga naman.'
"Ema.." may tumawag sakin.
"Angela, ok ka lang?"
Lumapit ito sakin at niyakap ako.
"Wala na ang mama ni Steph." Bulong nito sakin.
Alam kong nagpipigil lang si Angela, ako rin naman. Nakakabigla masyado ang balita yung lalong lalo na't kanina pa yun nangyare.
"Maaga daw tayo magsasara sabi ni sir para mabisita natin si Steph. She need us Ema." At kumalas ito.
"Sana mamatay na lahat ng halimaw sa mundong ito." Narinig ko ang bahid ng galit sa tono ng pagkakasabi nun ni Angela.
Tiningnan ko siya habang pabalik sa loob ng counter. Tahimik itong naglilinis at masyadong malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasiNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...