20†Who's the monster?

115 4 2
                                    





6:35 PM




Tinanggihan ko si Nero dahil dadalaw pa ako kina Dia. Saka nahihiya rin ako dahil sino ba naman ako para sumama diba? They're relative and I'm nobody.



Nakauwi na ako sa apartment ko. Dumiretso sa kwarto at nagbihis.



Suot ko ang itim na jeans, pulang jacket na may hood at sneakers na puti. Wala akong pakealam sa kung ano ang uso ngayon. Kung ano lang naman ang makita ko sa cabinet ko ang sinusuot ko. Kontento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Yung pangarap ko na magpatuloy sa pag aaral sa labas ng bansa? Ayoko na. Wala na akong dahilan para ipag patuloy pa iyon. Ang sa ngayon ay ginagawa ko ito para kina dad at mom, sa mga sakripisyo nila para sakin. At hanggang dun nalang iyon.



Umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang messege ni Dia.



Hinahanap na nila ako.



Pinindot ko ang call button at sinagot naman agad ito ni Dia.



"Hey, I could fetch you there if you want."



"No thanks Dia. I'm on my way na rin naman. May dadaaanan lang ako sandali."



"Ok, mag iingat ka."



"Sige, bye."



And I ended the call.



Nagmamadaling bumaba ako ng building. Baka ma late pa ako ng dating pag nagtagal ako.



Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Malamig na rin ang simoy ng hangin.



Naglalakad na ako ng may isang punit na bahagi ng dyaryo ang lumipad at napunta sa may dibdib ko. Kinuha ko ito at tiningnan.



A GHOUL ATTACKED AGAIN



Nabitawan ko ito. Parang huminto ang pintig ng puso ko ng maalala ulit ang nangyare nung naaksidente ako.



Yun ang unang pagkakataon ko na makakita ng isang aktual na halimaw.



Its eyes were burning red. Its skin were pale dead and I could see its veins. I've never seen anything like it.



It scares the hell out of me. Sa mga oras na iyon ay bumalik sakin lahat ng mga nakakatakot na balita tungkol sa kanila.



They kill humans and eat them. They drain human blood to satisfy their needs. They attack whenver they want. Whenever they're hungry.



Natkakita na ako ng mga bangkay na iniiwan ng mga halimaw na iyon pagkatapos nilang kainin ang mga laman loob nito. Sobrang nakakadiri ang itsura nito na parang nanonood ka ng Wrong Turn at napapanood ko iyon sa mga balita araw araw.



Pumasok ako sa isang convenience store. Bumili ako ng gatorade. Lagi nalang kasi akong nauuhaw. Paglabas ko ay napansin kong madilim na ang kalangitan. Nakasindi na ang mga streetlamp sa gilid ng kalsada.



Huminto ako sa paglalakad nang may narinig akong ingay sa gilid ng convenience store na binilhan ko ng gatorade. Medyo madilim dun dahil di abot ang ilaw ng streetlamp sa banda roon.



Walang ingay na pumasok ako roon. May malaking trashcan ang nasa gilid na punong puno ng basura. May mga trashbag ring nagkalat sa gilid nun



Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang mahulog ang takip ng trashcan at lumikha ng ingay. Tumalikod ako para tingnan ito at napabuga ako ng hangin nang makitang isang pusa lang pala ang may kagagawan nun. Iiwan ko na sana ang lugar na iyon nang may marinig akong humihingi ng tulong.

The Dark Shade of the Night [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon