Mahigit kumulang tatlong oras kong tinutukan ang art piece na ginagawa ko. Sa wakas ay natapos ko na rin.*bzz*
"Dia?" Bulong ko.
Lumapit ako sa pinto at sumilip sa may peephole at isang buhok na kulay puti at itim at isa namang kulay brown.
Stellar! Ang symposium!!
Dali dali kong pinagbuksan sila ng pinto.
"Stellar, Kia pasok kayo." Pinapasok ko sila. "Maupo muna kayo. Anong gusto niyo? Juice? May pagkain ako--"
"Huwag ka nang mag-abala pa Ema. Busog pa naman kami ni Kia."
"Ah sige, magbibihis lang ako--"
"Nagpipinta ka pala Ema? Wow! These are beautiful." I turned to look at Kia who fondly stared at my paintings that were hanged on the ceiling.
"Yeah, Fine Arts kasi kinuha ko. And that one, katatapos ko lang." I pointed at the painting na malapit sa bintana. Yung painting ni Nonoy.
"Let me see." Stellar rushed to see my 'obra'
It's really nice knowing na may mga taong na-aapreciate ang mga gawa ko.
"Woah, this kid... he's happy yet he's sad? This is so-so beautiful. You were able to show the emotion behind this little kid's smile." she stared at it with admiration.
"Binibenta mo ang mga 'to Ema?" Kia asked.
"That one--Nonoy, para sa art exhibit namin next week. And I hope you two could come."
I was waiting for their response nang patalon-talon na tumili si Stellar at niyakap ako.
"I'm so happy you invited us. We're definitely coming!"
Nabigla ako kaya di agad ako nakapag-react.
"Stellar, kailangan nang magbihis ni Ema or else malalate tayo sa symposium." paalala ni Kia.
Kaya ayun, pinagtutulak na nila ako sa CR para makapagbihis na.
Nakakapanibago kasi may ibang tao na ang nakapasok sa apartment ko maliban kay Dia at sa magulang ko. Bigla bigla lang silang pumasok sa buhay ko. Kani-kanina ko pa lang sila nakilala pero ngayon ay 'magkaibigan' na kami.
Marami nang pwedeng mangyari dahil dito, that's a fact I think?
Simula nang bata pa ako ay mabibilang lang sa mga daliri ko ang mga naging kaibigan ko. Ang mga tumatagal lang sakin noon ay yung kilalang-kilala ako, 'yung mga taong nakakaintindi lang sakin. Malungkot ako dahil sa katotohanang iyon, kaya lang mas nakakalungkot nung magsialisan sila. Nangibang-bansa at doon nagpatuloy sa pag-aaral.
I stared at my face at the mirror above the lavatory.
'Walang masama sa pakikipagkaibigan Ema. It's time to grow up.' I said to myself.
Lumabas ako sa bathroom at naabutan ko si Stellar na nag se-selfie sa mga paintings na naka sabit sa dingding.
"Ema, I sent you a friend request sa Facebook. Please accept mo 'ko."
"Oh, ok."
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at pumunta sa facebook app. Pag log in ko ay may two friend request ako. Nagtaka ako kung sino yung isa kasi si Stellar lang ang inaasahan kong mag-aadd sakin. 'Pag tingin ko ay si Zekeah Grey Deneris pala yung isa. I pressed accept at pinatay na ang phone ko.
Niligpit ko ang painting ni Nonoy para maipasa ko na ito ngayon.
†††
"Ba't di mo sinabi na kilala mo ang mga Deneris!" Kinurot ni Dia ang tagiliran ko nang matapos ang symposium at nakalabas na kami sa coliseum."Aray naman Dia!--kanina ko pa lang sila nakilala 'no! Magkapitbahay lang kami dun sa bagong apartment ko. 'Ba, malay ko ba kung sino sila!" Inirapan ko si Dia.
"My goodness! Elie Marie Austin! 'Di mo ba sila kilala? Di mo ba napansin ang mga tingin ng mga estudyante sa'tin kanina nang pumasok tayo sa Coliseum kasama sila? Ilang taon ka na dito sa Yamamoto at hanggang ngayon ay 'di mo pa sila kilala?" Humarang siya sa daraanan ko.
Napabuntong hininga ako at binigyan ng nakakamatay na tingin.
"Alam mo Dia, sumasakit ang ulo ko sayo eh. Ano naman kung hindi ko sila kilala? Required ba talaga na kilalanin lahat ng Deneris sa Yamamoto? Big deal? Well, kilala ko na sila ngayon period." Pinaalis ko siya sa daraanan ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Yun na nga Ema, kilala mo sila at maraming nakakita. Dahil dun walang 'period' ang mangyayari. Alam ko kasing ayaw mo sa mga atensyon binibigay sayo pero dahil dito privacy no more na--"
That made me stopped.
'Privacy no more'
"Privacy? No more?" Ulit ko sa huling binigkas ni Dia.
"Oh yes, dear Ema. Ang 'pagkakaibigan mo with the Deneris' is your ticket to popularity, the lime lights or spotlight." Niliagpasan lang niya ako.
"No." Bulong ko sa sarili ko.
'Privacy no more'
Sino ba yang mga Deneris na yan?!
Wala naman talagang masama na makipagkaibigan, pero ang makipagkaibigan sakanila ay maling mali!
'Privacy no more'
"Hoy Ema! Tatayo ka nalang ba dyan habang buhay?!" Sumigaw si Dia na nasa di kalayuan at nakapameywang.
Mabigat ang mga paa kong naglakad.
I don't like this feeling.
Ngayon napapansin ko na ang mga tingin ng mga tao sa paligid ko, sa mga taong nakakasalubong ko, sa mga taong nadadaanan ko. Ang ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay yung tiningnan ako.
'Staring is rude people! I hope you know that!' Nais ko sanang isigaw.
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasyNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...