Chapter 38 part 2
“My lady..”
I turned my head to look who it was.
“Dean Kazumi.. anong ginagawa niyo dito?”
“Gusto ko lang kitang makausap..” lumapit ito sakin at tumabi. Tumingin sa entrance ng Yamamotos Maze garden.
Naalala kong may nasabi sakin si Reo na gustong makipagkita ni Dean sakin.
“Nabanggit nga sakin ni Reo na gusto mo raw ako makausap.” sabi ko.
Tumango lang ito at tumingin sakin sabay ngiti.
Nasa mid twenties na ito, matangkad pero di skinny, maputla ang kulay ng balat at
“Sa loob tayo.”
Nauna siyang pumasok sa Maze garden. Sumunod lang ako sa kanya. Nang tuluyan na kaming makapasok ay bigla nalang naggalawan ang mga halaman at kinakain pasirado ang daluyan palabas.
“Dean--”
“ Its ok My lady.”
Pagtingin ko balik sa harap ay nagbigay daan ang mga halaman. Sa dulo ay nakita ko ang isang lumang fountain. Lumapit si Dean sa fountain kaya sumunod lang ako.
“Matagal na palang alam ni Caleb kung sino ka talaga pero nilihim niya.” natawa ito ng bahagya. “Your twin protected you ever since na nagkaisip siya. He kept your identity and his a secret sa ilang taon. Tatlong shaitan lang ang nakakaalam sa totoo niyong pagkatao sa simula pero nang magtagal at nagkaisip na ang kambal mo ay siya nalang ang nag iisang nakakaalam kung sino ka. At a young age ay binura nito ang memorya ng step parents ni Hermes--your dad-- para ilayo ka sa kapahamakan dahil nalaman nitong marami na ang naghahanap sa naiwang ‘Originals'. Alam mo bang nasulat na sa mga bitwin ang kapalaran niyo? Kayo nalang ang naiwang pag asa ng lahi natin. Kalakip naman nun ang isang banta -- banta ng buong lahi natin at iyon ay nakasalalay sa inyong dalawa.”
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihij ko.
“Sinasabi ko ito para malamam mong kailangan ka namin. Kailangan kayo ng buong lahi natin. Kung susuko ka para mo na ring isinuko ang mga ipinaglalaban ng angkan ng mga pietro over hundreds of years. We deserve a place in this world Amanda. Hindi porket ganito tayo ay wala na tayong karapatang mabuhay.” she stopped as she stared at the old fountain.
“i too was cursed by a witch. Nakapatay ako ng isa-- and after I stopped aging. Hindi na ako makaalis sa lugar na ito. This very place-- is my home. Nakita ko ang pagkawala ng mga magulang ko naiwan akong mag isa-- isa sa mga sumpa sakin ang hindi na kayang umibig kaya napilitan akong magpatayo ng mga gusali-- paaralan para di ako ma bored sa buhay ko. I can never die kaya marami na akong karanasan sa buhay.. habang tumatagal ay ganun pa rin naiiwan pa rin ako. Pero di iyon hadlang para makatulong ako sa kapwa kalahi natin na may mga pangarap, mga nag nanais na mamuhay ng normal kahit yun lang ay masaya na ako. Pero dahil sa batas na ginawa ng mga mortal: ang tanggalan tayo ng karapatan sa mundong ito ay marami ang natakot,umaban pero hindi nagtagumpay. That I cannot accept.” tumingin ito sakin.
“now that the written was made flesh, it gave hope not just for me but for all us-- mga kalahi natin na umaasang balang araw ay hindi na sila makaramdam ng takot at magiging malaya na sila.”
Hindi ko na alam kung sino ang totoong halimaw. Ang mga tao ba o kami? May mga halimaw ba na natatakot? May mga halimaw ba na nasasaktan?
“Labis akong nagluksa nung malaman kong binumba ang coliseum kasama ang mga inosenteng tao at shaitan. And I'm sorry for your lost Amanda-- Dia was a great girl. Everyone inside that coliseum were great, talented and ambitious. Nasayang lang dahil sa mga G.I.”
“You’re risking the safety of everyone dahil sa mga G.I. na yan. Bat hinayaan mo silang makapasok?” sabi ko.
“I have no choice. Lahat ng institution ng buong mundo ay may mga G.I. na nagbabantay. Magdududa sila kung bakit hindi ako papayag kung ang habol lang nila ay mabantayan ang mga estudyanteng nasa loob. Alam nilang nagtatago ang mga Shaitan or Ghoul sa katayuan ng mga tao. Alam kasi nila na ang mga shaitan coupd be anyone; doctor, teacher, businessman, student, baker, chef, employee, employer lahat lahat pwedeng mga shaitan sila which is true. It was a risky decision but naisip ko rin na safe rin ang mga shaitan dito dahil panatag ang loob ng mga G.I. na walang mga Shaitan ang nag aaral dito. But that change nung ibinalita ng isa sa mga G.I. ang plano nila. I was againts their plan kasi may mga inosenteng tao at kalahi natin ang naroon pero disedido talaga sila kaya pagkatapos nun ay binalaan ko lahat but unfortunately hindi umabot sa ilan.”
“We're working on it Dean. Nag iwan ako ng mensahe para sa lahat ng G.I. dun sa destrict 1 bago namin nilisan ang lugar. Alam kong nakuha na nila ang mensahe ko at di ko pa alam ang plano nila but for now dahan dahan ko muna sila tanggalan ng karapatan para takutin tayo. Di dapat tayo ang matakot sa kanila, sila ang dapat matakot satin.”
“its good to hear that coming from you Amanda. All hopes are back.--” umikot ito sa lumang fountain dantay ang kamay dun habang papalapit sakin. “Witness ang fountain na ito sa lahat.. baka masagot nito ang matagal mo ng katanungan.” at tumalikod ito sakin at naglaho sa mga halaman.
“Talking fountain?” tanong ko sa sarili ko.
Malinis ang tubig ng fountain kaya klarong klaro ang mga lumot dun at repleksyon ko na nakadungaw kasama si Dia.
“OH! MY GOD!” napatalikod ako at naka tukod ang dalawang kamay ko sa gilid ng fountain.
Nanlaki ang mga mata ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
“Hi Ema!” kaway sakin ng bestfriend kong si Dia na PATAY NA!
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasyNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...