9†The Untouchables

146 11 2
                                    

10:56 AM Friday

Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko. Pikit matang kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko at sinagot.

"Oh, anong kailangan mo?" Inaantok pa niyang tanong sa tumawag.

"Aba! Tanghali na ah? Ba't wala ka pa dito?"

Kinusot kusot ko ang mata ko at bumangon. I glance at the alarm clock beside my bed.

'Shit! Shit! Shit!!'

Late na ako sa unang class ng fifty-six minutes! Shit! Absent na ako neto!

"Text nalang kita pag nasa school na ako." Pinatay ko ang tawag at nagmamadaling tumayo. Nag tungo ako sa painting area at niligpit ang mga naka rolyo na canvas.

Madali akong natapos maligo, nagbihis at bago ako lumabas I took the rolled canvas on the table kasama ang dalawang slice ng tinapay.

Bakit ba kasi ako late nang nagising?! Ito na ang unang pagkakataong naka absent ako sa isang subject ko ngayong sem. Alam kong di na ako aabot pero may ipapasa pa ako sa College namin. Ngayong lunes na kasi ang exhibit at gusto nilang mag dagdag pa ako ng isa pang gawa ko para sa exhibit.

Mga ilang minuto lang ay nasa loob na ako ng Y. University. Takbo lakad ang ginawa ko dun. Kukunti nalang ang estudyanteng naroon kaya iisa lang ang ibig sabihin nun. Nagsimula na ang next class ko.

Patakbo akong papaliko nang may mabangga ako. Nabitawan ko ang dala ko.

Dinampot ko ang mga ito at humingi ng tawad. Tumakbo ulit ako at iniwan ang nakabangga ko.

'Sorry talaga. Nagmamadali na kasi ako.' Ni hindi na ako nag abala pa para tingnan kung sino man yun. Ang mahalaga lang ay maipasa ko ito at makaabot pa sa susunod kong class.

Walang tao ang Fine Arts' Room kaya iniwan ko ito sa table ng adviser namin at nag iwan ng note at nagtungo na sa klase ko.

Twenty minutes na akong late. Buti nasa likod lang ang upuan ko. Buti rin dahil nag checheck ng attendance ang prof namin ten minutes before dismissal. Maingat akong pumasok sa loob at umupo sa assigned seat ko. Laking pasalamat ko at walang nakapansin, pati na ang prof namin dahil may isinusulat ito sa white board.

Nang matapos ang klase ko ay tinext ko si Dia.

'Hintayin mo ako sa labas ng canteen.'

Eksaktong alas dose na ng makababa ako ng Fine Arts building. Kumakalam na ang tiyan ko. Dalawang slice lang ang nakain ko sa agahan, ni di ko na dala ang tumbler ko.

Nanunuyo na rin ang lalamunan ko sa sobrang uhaw. Idagdag mo pa ang sobrang init dahil sa tanghaling tapat na.

Malayo layo rin ang canteen sa building namin. Sa sobrang laki ng Y. University minsan gusto kong mag suggest ng isang 'rent a cart' sa loob.

Tanaw na tanaw ko na ang canteen nang marinig ko ang pangalan ko.

"Ema!! Ema!!" Pamilyar sakin ang boses na iyon. Nakoooo sana nagkakamali lang ako.

Huminto ako saka bumuntong hininga.

Paglingon ko ay nakita ko si Stellar at Kia na naglalakad papalapit sakin. Nakagat ko nalang ang pang iibang bahagi ng labi ko at nginitian sila.

"Buti nakita ka namin. Magtatanghalian ka ba dun sa canteen?" Sabi ni Stellar sabay turo sa canteen.

"Ahh oo. Kayo?"

"Tapos na kami. Pero sasamahan ka nalang namin." nakangiti ito habang hawak hawak nito ang dalawang sling ng bag niya.

Bigla kong naalala kung sino sila. Sabi sakin ni Dia, kung ang bansang England ay may royal family, hindi naman magpapahuli ang Yamamoto University. Sila ang 'the untouchables'-- iyan ang bansag ng karamihan sa mga Deneris. Marami ang humahanga at tumitingala sa kanila, di lang naman daw ganda/gwapo ang meron sila dahil bukod dun ay matatalino rin sila at talented. Kahit na marami ang humahanga sa kanila ay walang naglakas loob na lumapit sa kanila lalo na't pag magkakasama silang lima. Si Dia Grey Deneris, Zekeah Grey Deneris, Lukas Grey Deneris, Roco Grey Deneris at si Nero Grey Deneris. Kakaibang ganda ang taglay nila-- maputla ang kutis nila na parang naubusan na ng dugo sa sobrang putla. Mga mata nilang kulay itim--itim na itim--hindi pangkaraniwan ang pagkakaitim ng mga mata nila. Maamo ang mga mukha nila at sobrang cold rin nilang tumingin, pagmakakasalubong mo sila ay di ka man lang tatapunan ng tingin kaya walang pag asa lahat ng mga estudyanteng gustong makuha ang attensyon nila at madalang rin silang ngumiti kaya lahat ng nadaraan nila ay napapatingin at napapaatras.

'Privacy no more'

"A-ah.. sige."

'Damn it! Ba't di ako makatanggi?!

"Ok!"


♛♛♛


Nakita ko kung gaano na bigla si Dia nang makitang magkasama kami ni Stellar at Kia.

"Hi Dia! Sorry natagalan kami." Sabi ni Stellar.

"O-okay lang M-miss Stellar." nahiya naman si Dia.

"Sige, pasok na tayo. Baka gutom na kayo saka first time naming pumasok sa Canteen so excited na rin kami."

Nauna nang pumasok ang dalawa at naiwan kami ni Dia.

"Ano bang sinabi ko tungkol sa kanila?" Hinarap agad ako ni Dia at kunot noong nakatingin sakin.

"Huwag mo nga akong sisihin jan. Ginusto ko bang makita sila? Hindi no. Di lang talaga ako makatanggi sa kanila."

"Aba, natural. Sino ba naman ang may tamang pag iisip na tumanggi sa kanila? Pero ito lang ang maipapayo ko sayo. Once na pumasok ka diyan, tuluyan nang magbabago ang buhay mo dito sa Y. University. Ngayon, susunod ka ba sa kanila? O hindi? Nasa sayo lang yan Ema--"

"Ema? Dia? May hinihintay pa ba kayo?" Lumabas si Stellar.

"W-wala. May tinatanong lang ako kay Dia."

"Ahh, halina kayo. Nakahanap na kami ng table natin. Baka gutom na kayo, masama ang magpalipas ng gutom."

"Sige, pasok na tayo!" Ngingiting sabi ni Dia.

Naunang pumasok si Stellar at sumunod si Dia. Naiwan akong nagugulohan.

'Anong problema ni Dia?'

Pagpasok ko ay hinanap ko sila. Ayun nakita ko naman agad sila malapit sa mga Vendo Machines. Nag tatawanan sila na parang kilalang kilala nila ang isat isa. Napatingin saakin si Kia at tinaas ang kamay sabay tawag sakin.

"Ema! Roco! Lucas!"

'Huh?'

At nagulat nalang ako nang may umakbay sakin. Naka rinig rin ako ng singhap at mangilan ngilan rin ang mga matang napapatingin sa direksyon ko.

"Hi Ema. Nice to meet you here."

Napaangat ang tingin ko sa lalaking umakbay sakin na naka ngiting nakatingin naman sakin. Hindi ako naka react nang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko at tunulak papalapit sa table nina Stellar.

Pansin ko ang mga tingin ng lahat ng nadadaanan namin.

'This is not good'

The Dark Shade of the Night [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon