Chapter 27
Sa loob ng apat na taon ko dito sa Y.U ay ngayon ko lang nalaman na malinis pala ang rooftop nila. Well, alam naman ng lahat kung gaano ka clean-freak si Dean Kazumi pero di ko naman aakalaing pati dito di niya pinalampas.
Biglang lumakas ang hangin at tinangay nito ang ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Hinawi ko ang nakatabon na ilang hibla ng buhok ko at inipit sa pagitan ng tenga ko.
Pinagmasdan ko ang kanang kamay ko. Sobrang putla na nang kamay ko. Inangat ko ito at itinapat sa haring araw.
'Mainit'
Ibinaba ko ang kamay ko at bumuntong hininga. Inaantok na ako. Bumibigat ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko kahit tanghaling tapat na. Pumwesto ako sa likod ng maliit na parang silid doon. I rested my head on the wall and closed my eyes.
"Can I sit here?"
Automatic na bumukas ang dalawang mata ko.
"What are you doing here?" I raised a brow
"Hindi ko alam na bawal na pala akong pumunta rito." tumabi ito sakin.
"And who told you, you can sit there?"
He shrug as his response.
"I was here first, go find your own place." sita ko sa kanya.
"Eh, dito lang hindi mainit. Saka malamig ang hangin sa banda dito."
"Fine, just don't talk to me." at pinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Bakit ba ayaw mong makipag usap sakin? dahil ba sinabi ni Nero na huwag akong kausapin?"
Hindi ko iyon pinansin. I will not speak to anyone of them specially him.
"Hindi mo talaga ako kakausapin?"
Marahas kong binuksan ang mga mata ko and tumingin sa kanya. May naisip lang naman ako. Hindi naman ito malalaman ni Grey eh, saka may class siya ngayon.
"I'm Elie Marie Austin, nice to meet you. May gusto lang akong malaman about Grey and.. and you."
Then a slight smile was formed on his face.
"Meron rin akong gustong malaman. I'm going to answer all your questions and you'll do the same after. Is it a deal?"
I tilted my head. Ano naman kaya ang itatanong nito?
"Deal."
"Deal yan ah?"
"May isang salita ako."
"Ok, shoot. Ano ang gusto mong malaman tungkol samin. Gusto mo bang malaman kung may relasyon kaming dalawa? sorry to tell you pero babae ang gusto ko--"
"That's not it." I waved my hand in front of him.
"Kidding." he laughed
"Bakit galit siya sayo?"
Bahagya siyang natawa. Parang alam na nito ang gusto kong itanong sa kanya. Tumingin siya sa malawak na kalangitan. Parang may inaalala.
"Nero and I used to be friends-- well bestfirends. Para na nga kaming magkapatid dahil sa turingan namin sa isa't isa. Magkasundo kami sa maraming bagay, mahilig kaming maglaro ng soccer, baseball kahit taste ng kanta ay pareho kami--" he paused. His smile faded at nakikita ko ang sakit sa mga mata nito. "-- we even liked the same woman. But she chose him over me." tumingin ulit ito sakin, nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang emosyon niya. "Did I ever mentioned to you that you looked exactly like her?" he then asked me
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasíaNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...