"Hey, Jack? May class ka rito?" Tanong ko nang makalapit na ito samin.
"A-ah, wala. Actually I brought you something. Niluto namin iyan kanina, sana magustuhan mo." inabot niya ang isang plastic Tupperware na may lamang di ko malaman kung ano.
Umubo ng peke si Dia sa tabi ko kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.
"Oh, okay. I'm no longer needed here so I'll see ya later. And you--" tinuro nito si Jack. "--you take her home. Mamayang hapon pa ang next class niyan. BYE!" and she left us.
Nakatingin lang kami pareho ni Jack kay Dia na papalayo.
"Ah pasensya ka na kay Dia, hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip niya minsan eh pero salamat pala dito." inangat ko bahagya ang bigay niya sakin.
"Hatid na kita" mabilis nitong sabi.
"Nako, ok lang ako. Huwag mong pansinin yung sinabi ni Dia." Pag-angal ko.
"I've known her-I mean Dia--for so long, I mean classmates kami nung high school. Gusto ko lang maging kaibigan lahat ng kaibigan niya."
"She never mention about it. Pero we're friends already naman na diba?"
"Yeah, I mean gusto lang kitang ihatid. Swear, nahatid ko na lahat ng mga kaibigan ko. Saka alam mo namang delikado ang umuwing mag-isa."
"S-sige." Mas makulit pa yata ito kay Dia eh.
Ayun, hinatid nga ako ni Jack. Naglakad lang kami since 'medyo' malapit lang naman ang apartment ko sa school. Gaya ng inaasahan ko ay napatawa nanaman ulit ako ni Jack. Well, ngayon medyo havey na yung mga jokes niya.
Nasa tapat na kami ng building. Nagpaalam na ako saka nagpasalamat sa kanya. Nang papasok na ako ay may pahabol pa siyang paalala.
"Elie, yung symposium mamayang hapon, baka makalimutan mo."
"Oo, required ang attendance kaya di pwedeng um-absent."sagot ko naman.
Ngumiti lang ito at tuluyan ng nagpaalam.
Pumasok na ako at dumiretso sa may elevator. Pinindot ko ang G button at naghintay ng ilang segundo. Palingon-lingon ako sa paligid.
Wala atang tao.
Nang bumukas ang pinto ay may tao pala sa loob. Tumagilid ako para makaraan siya. Nakatingin ito sakin nang palabas siya. Pumasok naman ako agad at dali-daling pinindot ang 4th floor. Nagtaka ako dahil nang malapit nang magclose ang elevator ay lumingon ito at gumalaw ang bibig na parang may sinasabi habang nakatitig sakin.
Isang marahas na pagbuga ng hangin ang pinakawalan ko nang sumara na ang elevator. Nasapo ko ang ulo ko at nag-iisip kung anong nangyare.
Sino yun?
Matangkad siya at medyo pale ang kulay ng balat niya. Medyo maputla rin ang labi niya pero bagay naman sa kanya. Saka sobrang itim ng mga mata niya...
Teka! Ba't ko ba napansin lahat ng iyon? Sino ba kasi yun? Ano ba yung sinabi niya?
*ting*
Pagkabukas ng elevator ay isang babae ang naghihintay sa labas. Puti at itim ang buhok niya. Pwede ba yun? Sabagay, bagay naman sa kanya ang itim sa kanan at puti naman sa kaliwa. Maputla rin ang balat niya at pulang pula naman ang labi niya. Nanlaki ang dalawang mata niya nang makita ako at ngumiti.
Lumabas ako at ngingiti-ngiti sa kanya.
"Hi! You must be Elie Marie Austin from room 407 right?" Magiliw na tanong nito sakin. Itim na itim ang iris ng mata nito na para bang inaakit ka.
"Y-yeah." I smiled back.
"I'm Stellar Grey Deneris. I'm from room 403. I live with my cousins here. Welcome pala Elie--Marie?"
Natawa ako sa kanya. Hindi niya siguro alam kung ano ang itatawag niya sakin.
"EMA, Ema's fine. EMA stand for my name Elie Marie Austin."
"Great! Naging busy kasi kami last week kaya 'di ka namin na welcome rito. How's your first week here? Ok lang ba? Wala bang nanggugulo?"
"Ok lang ang first week ko rito. At sa totoo lang ay ikaw at yung may ari ng building pa lang ang nag-welcome sakin."
"Hay nako, mga tao talaga rito hindi friendly. Nung bagong lipat kami dito si Ma'am Judy lang yung nag-welcome samin dito. Anyways! Sa Y.U ka rin ba nag-aaral?"
"Ahh, oo dun rin ako nag-aaral--"
"Awesome! Sa Y.U rin kami ng aaral ni Zekeah at tatlo ko pang pinsan. By the way Zekeah is my sister, sa katunayan nga siya yung hinihintay ko ngayon. Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin nakakalabas eh." Nilingon nito ang room 403 na parang naiinip na at saktong bumukas naman at lumabas ang isang babaeng may kulay brown na buhok.
"Finally! What took you so long Kia?"
"Sorry." Maikling sagot naman ni Kia.
"Kia, meet our new neighbor, Elie. Elie, this is my sister Kia, Zekeah Grey Deneris."
"Kia na lang." Nilahad nito ang kamay niya.
"Ema." tinanggap ko ito at ngumiti.
"Di na kami magtatagal Ema. May class pa kasi kami. We'll be back here after class tapos sabay nalang tayo para sa symposium. Ok lang ba?"
I was about to say no nang iba ang lumabas sa bibig ko.
"Sure why not." Mahigpit na napahawak ako sa sling ng bag ko.
"Great! You'll get to know my cousins later! Bye Ems!" Stellar giggles.
Pinindot nito ang G button.
"Bye Stellar, bye Kia." Inangat ko lang ang kamay ko.
"Bye Ema." ngumiti lang si Kia at pumasok na sila sa elevator.
Naiwan akong nakatulala at marahas na pinikit ang mga mata ko.
"Me and my stupid mouth!" I uttered to myself and headed to my room.
Pagkapasok ko ay inihagis ko sa sofa ang bag ko. Itinali ang buhok ko pataas at nagtsinelas ako.
Binuksan ko ang stereo.
Napakasarap talaga sa pandinig ang mga Jazz na tugtugin.
Pumwesto ako sa may bintana at hinarap ang canvas ko. Nakatitig lang ako dun. Hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos ito. I was trying to paint Nonoy, the little kid I met last month sa isang orphanage. He's happy yet he's sad. I want to express my feelings sa painting na ito dahil naantig ako sa storya niya.
Nonoy was 5 years old nang mamatay ang parents niya sa sunog. He was not able to savd his parents but his younger sibling. It was hard for a little kid to handle that kind of trauma. Nasunugan na nga sila, nawalan pa siya ng magulang. Hindi ko alam kung pa'no pa nakakangiti si Nonoy sa kabila ng lahat.
I was touched nang sa mismong bibig niya lumabas ang mga salitang 'Para sa kapatid ko. Mahal ko kasi siya.' tinanong ko kasi kung ano ang nagpapasaya sa kanya.
Pinikit ko ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at ang tugtog ng stereo.
Ang ganda ng maiitim niyang mata. Nakakaakit, para akong inaakit ng mga mata ng lalaking iyon. Ang mga titig niya parang... parang--
Napakurap ako.
This is stupid. Ikiniling ko ang ulo ko at bumuntong hininga.
Kailangan kong matapos ito ngayon. Delayed na ako sa deadline namin.
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasíaNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...