♚A/N: Part Two na po ito. Sa chapter One til Fifteen ay ang part kung saan tao pa ang bida natin. So sa mga susunod na chapter ay dun na magsisimula ang pagbabago ng buhay ni Ema.
Sana magustuhan niyo! Enjoy reading!
"Mag iingat ka anak. Tatandaan mo kahit malayo kami ng Daddy mo, hindi ka mawawala sa isip at puso namin."
'Teka mommy! daddy! Hintay!!'
Hinahabol ko sila kaya lang bigla nalang silang nawala.
'Mommy!! Daddy!! Hintay!!' Sigaw ko.
Hanggang sa tuloyan ng nag dilim ang kapaligiran ko.
Nagmulat ako ng mga mata ko. Pinahiran ko ang pisnge ko at bumalokot ulit.
Mag tatatlong linggo na simula nang mamatay sila. Gabi gabi ko silang napapaginipan, gabi gabi rin akong umiiyak.
Hinagpis, galit at poot ang nararamdaman ko.
Galit ako sa mga taong naging dahilan ng kanilang pagkamatay. Galit na galit ako na gusto ko silang patayin lahat! Gusto ko maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon at magmakaawa sakin.
Hindi ko lubos maisip na nang dahil lang sa pera ay papatay na sila ng tao. Anong klase silang nilalang? Mas masahol pa sila sa mga halimaw na gumagala sa mundong ito.
Sana man lang pinakawalan nalang nila sina mommy at daddy. Bakit kailangan pa nilang patayin?! Nakuha naman nila ang gusto nila ah?!
Bumangon ako at nagbihis. Alas dose pa ng hatinggabi. Inilabas ko ang maleta ko at ilang damit.
Gusto ko munang mapag isa. Gusto ko munang umalis kung saan walang makakahanap sakin. Kung pwede lang sana di na ako bumalik. Ayoko na, araw araw akong gumigising at naiisip sina mommy at daddy--na wala na sila, na habang buhay ko nang di sila masisilayan--di ko na sila makakasama sa pasko, bagong taon--sa kaarawan ko.
Nag iwan ako ng sulat sa mesa. Bago ko pinatay ang ilaw ay tiningnan ko muli ang painting area ko.
Wala na ang pangarap ko. Simula nung araw na ibinalita ni Dia sakin ang nangyare ay nawalan na ako ng gana para mag pinta. kasabay nag pagpanaw nina mommy at daddy ay kasabay naman ng pagkawala ng pangarap ko.
Pinatay ko na ang ilaw at lumabas. Inilock ko ang pinto at iniwan ang susi sa ilalim ng doormat.
Pagkababa ko ay inilagay ko sa trunk ang maleta ko. Ngayon pa lang nagamit itong sasakyan na bigay sakin nina mommy at daddy. Isang ford Mustang gaya ng pangako nila sakin nung unang araw ko sa college. Matagal na rin akong may lisensya--student's license.
Pumasok na ako, pinaandar ang makina ng sasakyan at pumaharorot paalis.
Naalala ko ang araw na tumawag sakin si Dia.
*FLASHBACK*
Nasa bahay lang ako't naghahanda na para sa shift ko sa The Corners' Coffee Shop nang tumunog ang cellphone ko.
*Incoming call
Di.A...
"Oh? Magpapaalala lang ulit ako Dia ah, wala na akong budget kaya di mo ko mapipilit sa outing na yan." Inunahan ko na siya.
Tatlong araw na kasi akong kinukulit nitong si Dia na sumama sa outing kasama ang High School classmates namin.
"Ema, pumunta ka ng ospital ngayon din! May nangyare sa mommy at daddy mo."
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasyNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...