Naka upo na kami sa table. Kaharap ko si Roco na katabi nan si Lukas at si Kia. Katabi ko naman si Stellar na katabi naman si Dia.
"Magkakilala na pala kayo Ema?" Tanong ni Stellar sabay turo nito sa dalawang lalakeng hindi ko kilala.
"Ah--"
"Nakilala namin siya kagabi dun sa tinatrabahuan niyang coffee shop."
Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko sila. Kaya pala pamilyar amg mukha ng dalawang ito.
Si Roco yung naka round cap at si Lucas naman ay yung may ipit ang buhok.
"Sorry, di kami nakapagpakilala sayo ng maayos. Di naman kasi namin alamna makikilala ka pala namin dun." Ngumiti sakin si Roco.
Naka round cap pa rin ito na binaliktad at puti naman ang hikaw niya ngayon. Naka jacket na itim at pants na itim.
Si Lukas ay ganun pa rin. Nakatali ang buhok at may mga ipit ang buhok. Tahimik rin itong nakikinig samin.
"Nagtatrabaho ka pala sa isang coffee shop Em?" Baling sakin ni Stellar.
"Ah, oo. Dalawang taon na rin akong nagtatrabaho dun." Sabi ko.
"Alam mo bang mahilig kami sa kape?--" Stellar
"Masarap pala mag timpla itong si Ema ng kape-- gusto pa ngang bumalik ni kuya eh." Siniko ni Roco si Lukas.
Oo nga pala. Magkapatid rin itong sina Roco at Lukas. Kaya pala magkahawig silang dalawa.
"Ikaw rin naman. Kanina ka pa nangungulit na babalik dun." Bored na bored naman na sabi ni Lukas.
Masayang nag uusap sina Kia at Dia. Si Stellar at Roco ay nagkukulitan. Si Lukas naman ay nanatiling tahimik lang at minsan nahuhuli kong nakatingin sakin.
'Huwag kang feeling Ema, naninibago lang siguro yan dahil may bago silang kasama'
"Oo nga pala? Wala ata si Nero? Napapadalas na yang lakad niyang yan ah." Stellar.
"Naninibago lang siguro. Alam mo naman ang issue ng lalaking yun. Masasanay rin yun pag nagtagal." Roco
Di ko pa nakikita yung isang pinsan nilang si Nero.
Ang sabi ni Dia, itong si Nero daw ay ang pinaka gwapo sa magpipinsan. May kakaiba itong charisma na wala ang iba. Mailap rin ito sa mga tao at laging nakadikit sa mga pinsan niya.
"Em, pupunta kami dun sa coffee shop niyo mamaya, ok lang ba?" Baling sakin ni Stellar.
"Oo naman. Pwede naman kayong pumunta dun ano mang oras."
"Asahan mo, magiging regular customer mo na kami." Stellar giggles
Ngumiti ako sa kanya.
Nakatitig lang sakin si Stellar ng ilang segundo. Hindi ko mawari kung bakit.
"No wonder kung bakit wala siya ngayon. You looked exactly like her, well except for your long white hair." Stellar.
'Looked exactly like who?'
Hindi na ako nagtanong pa. Marami rin kaming napag usapan, sina Dia at Kia ay wala pa rin paki. Si Lukas naman ay sumasabay na sa usapan.
♛♛♛
Last subject ko na at nag text sakin si Dia.'Mauna ka nang umuwi Ems, may kikitain pa kasi ako. Ingat!'
Napakagat labi ako nang mabasa ko ang text niya.
Overtime nanaman ako dahil nag leave si Steph ng isang linggo. May plano pa naman akong umuwi sa bahay ngayon. Na mimiss ko na sina mommy at daddy. Mag iisang buwan na kasing hindi ako nakakabisita sa bahay dahil sa busy ako para sa exhibit ngayong monday--ngayong monday na pala iyon. Ang bilis talaga ng panahon, next semester ay ga graduate na ako. Di pa rin ako makapaniwalang magtatapos na ako ng college.
Nang matapos na ang klase ay dumiretso ako sa locker ko. Pagbukas ko ay may nahulog na sobre na kulay itim. Pinulot ko ito at tiningnan sa likod kung kanino galing pero walang nakasulat. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito oh hindi dahil pansin kong mamahalin ang klase ng sobreng iyon. Makapal rin iyon at ang bango, parang binuhusan ng mamahaling pabango.
Bubuksan ko na sana nang may marinig ako.
"That's her. She's with the Deneris a while ago at the canteen."
"Di naman kagandahan. Look at her hair, halata namang nagpakulay lang ng buhok just to impress the Deneris.
"Di nga marunong manamit. Look at what she's wearing. Ghad!"
Napakagat labi ako sa narinig ko. Alam ko namang di ako kagandahan pero huwag naman nilang sanang ipamukha pa sakin. Hindi rin ako nag aaral dito sa Y.University para magpa impress saka ang buhok ko, natural ito. Di ako nagpapakulay ng buhok para mag pa impress ng kahit sino lalo na sa mga Deneris.
Isinilid ko nalang ang sobre sa bag ko at inilock ang locker ko.
"Ano ba kasi ang nakita nila sa kanya?!" Maarteng tanong pa nito.
Hahakbang na sana ako para makaalis na ako sa lugar na iyon nang may nagsalita.
"She's nothing like you. She's Elie Marie Austine and you're just you. Do.not.ever.talk.behind.her.back.again. Do you understand?"
Narinig king may nahulog na mga libro at kasunod ay mga paang nagtatakbohan. Kahit ako ay natakot nang marinig ang boses niya. Pero pamilyar sakin ang boses niya.
"I'll take you home." Then a hand grab my arm and drag me out.
'Lukas?'
"Y-you don't have to do that." sabi ko habang papalabas kami at hawak pa rin ang braso ko.
"Huwag na huwag mong hahayaang apihin ka ng iba lalo na't wala ka namang ginagawang masama." Sabi naman niya.
"O-ok lang naman. Aalis naman talaga ako dun eh."
'Kung di mo lang sila tinakot'
Hindi na siya sumagot pa at pinakawalan na niya ang braso ko.
Napahawak ako sa parte ng braso ko kung san niya hinawakan.
"Salamat." sabi ko.
Nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad at nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami sa Y.U.
"Wala ka na bang klase sa susunod? Baka ma late ka pa, makakauwi naman akong mag isa eh."
Napapabilis ang hakbang ko dahil mabilis maglakad ni Lukas.
"May kukunin lang ako sa amin at babalik lang naman ako agad."
"Ahh, okay."
At dun na naputol ang pag uusap namin hanggang sa nakarating kami sa building na inuupahan naming apartment. Kahit sa elevator ay nakakabingi rin ang katahimikan.
Nakalabas na kami ng elevator. Akala ko susunod pa rin siya hanggang sa labas ng room ko kaya napalingon ako sa room nila.
Nasalabas lang siya at nakatingin sakin.
"Pasok ka na."
Sa sinabi niya ay natataranta akong tumango sa kanya. Nahirapan rin akong ipasok ang susi.
'Ema! dalian mo!'
Nang mabuksan ko na ay diretsong pumasok ako sa loob at sinarhan ang pintoan.
Napasandal ako sa likod ng pinto sa kahihiyan.
Nabitawan ko ang bag ko nang may napansin akong kakaiba.
Nasa may painting area ang single sofa.
'Dun ako nalatulog kagabi diba? Panong nangyare na nagising ako sa kama ko?'
BINABASA MO ANG
The Dark Shade of the Night [EDITING]
FantasíaNo one knows how it feels to be in the dark -Nero Everyone knows how dangerous it is to be in the dark -Ema No one knows how painful it is to be alone in the dark -Dia Everyone knows how scary it is to be alone in the dark -Jack But do you know how...