24†Special Chapter

101 7 1
                                    

Chapter 24 (Special Chapter)

Reo Oli Lannister's POV

"Why are we here again Reo?" Narinig ko na namang tanong ni Nia sa likod ko.

Nasa loob kami ng van na papuntang Yamamoto University. Nasa kabilang bahagi naman si Leo na naglalaro ng COC at nasa likod nito ang kambal na si Gio na ganun rin ang ginagawa at si Nia ang nasa likod ko.

"Alam mo na ang sagot diyan Nia." sagot ko nalang habang abala ako sa pagbabasa ng News sa ipad ko.

"Reo naman kasi eh!! may mga taohan naman tayong naghahanap na sa Pietrong yan eh!" parang batang reklamo nito.

"dalawang dekada na nating pinapahanap ang batang yun pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Ni hindi natin alam kung anong kasarian niya."

"Yun na nga eh. San tayo magsisimula maghanap kung wala tayong matinong impormasyon na nakalap? And why here anyway? teritorio ito ng mga Deneris diba?"

"I know. Kaya nga dito tayo magsisimula sa paghahanap. Saka matagal tagal na ring hindi ko nakikita si Nero--"

"Oh my gosh Reo?! hanggang ngayon ba naman ay di ka pa rin nakakamove on? Akala ko ba matagal mo na siyang pinatawad?"

"Pinatawad ko na siya, matagal na. Para naman kaming walang pinagsamahan kung hindi ko siya papatawarin diba?."

"Humans here are boring. I hope you know that." I heard her sigh.

Hindi na ako sumagot. Nag iisa lang naman ang rason ko kung bakit ako narito sa teritorio ng mga Deneris at yun ay hanapin ang nag iisang Pietro. Kailangan mapabilang siya sa pamilya namin.

"Andito na pala tayo." narinig kong sabi ni Leo.

Tumingin ako sa labas ng bintana at totoo nga, andito na kami.

"Kailangan pa nating puntahan ang Dean." sabi ni Gio

"Hay, ba't pa tayo ang pupunta? di ba niya tayo kilala?" naiiritang reklamo ni Nia

"Nia, the attitude please." saway ni Gio.

"Magtanong nalang tayo. Umalis na tayo dito." Nia

Tumango lang ako. Mas malaki ng kunti ang Yamamoto University kesa sa White University.

Nagsimula na kaming maglakad. Hindi pa kami pamilyar sa lugar, malalaki rin ang mga gusali sa loob at maraming tao.

"Anong oras na Leo?" tanong ko.

"Nine-thirty-six" sagot naman nito.

"Hi Miss! magtatanong lang sana kami kung san ba ang building ng Dean?"

Napalingon kami kay Nia na may kausap na babae. Kanina ay nakabusangot ang mukha nito pero ngayon ay nakangiti na.

May tinuro ang babae na building. Ito ang nasa pinka dulo at pinakamalaking gusali sa lahat. Parang white house lang ng America. Ibang klase rin ang nakapag isip nito.

"Ang layo pa ng lalakarin natin. Pero sabi nung babae ay may motorized cart namang pwedeng gamitin good for five." sabi nito nang makaalis na ang babaeng kausap nito kanina.

"Great, now let's go."

Ako na ang nagrepresentang mag drive. At si Nia ay kanina pa reklamo ng reklamo habang ang kambal naman ay parang wala lang.

Nang nasa labas na kami ng gusali ay di ko mapigilang mamangha. I'm starting to like this place. Kaya pala ayaw umalis ng mga Deneris sa lugar na ito.

----

"We are greatful to have you here, tell me kung may kailangan pa kayo. Kung gusto niyo sa monday nalang kayo pumasok at etotour kayo dito sa araw na ito." sabi ni Dean Kazumi Yamamoto.

Naglalakad na kami palabas ng building. May mga bagay na kaming pinag usapan sa loob-- mga bagay na kami lang ang dapat makaalam.

"Sa monday nalang po siguro kami papasok. Gusto pa naming maglibot dito sa Yamamoto University."

"Ok!" she clap her hands. "Teka lang may nakalimutan akong ibigay sa inyo. Kukunin ko muna sa loob. Ok lang ba?"

"Take your time Dean Kazumi." I respond

Nagmamadali itong umalis. Naiwan kaming nasa labas ng gusali.

Napayuko ako nang may isang paintbrush ang pagulong gulong papunta sa direksyon ko. Dinampot ko iyon at tiningnan.

"Elie Marie Austin." basa ko sa nakaukit na pangalan dun sa paintbrush.

Umangat ang ulo ko't hinanap ang may ari nito. May babaeng nasa di kalayuan naka jeans na itim at plain na white t-shirt. Nagbibilang ito ng paintbrush na hawak niya. Dahil sa naka side view ito ay di ko makita ang itsura nito. Pinagmasdan ko lang ito habang pinaglalaruan ng mga kamay ko ang paintbrush na sa tingin ko ay pagmamay-ari nito. Naisuklay nito ang mga daliri sa platinum white na buhok niya at nagsimulang maghanap.

Nang humarap ito sa banda namin ay huminto nalang sa pagtibok ang puso ko.

"Marie? is that you?" tanong ko sa sarili ko.

Imposible, matagal nang wala si Marie. Marie has black, short hair--

"Pasensya na at natagalan ako. Suotin niyo itong pin na ito. Parang I.D niyo na rin ito." inabot ni Dean ang limang pin na kulay ginto at may pakpak, sa gitna naman ay may bilog at sa loob ng bilog ay may nakaukit na Y.

"Thank you Dean." Pasulyap sulyap pa rin ako sa babae na naghahanap sa paintbrush na hawak ko.

"So, susunod na dito ang mag to-tour sa inyo sa loob ng University ko." saad nito

"Dean, who is that girl over there?" tanong ko sa Dean.

"Oh! that's Elie Marie Austin. A very talented young lady."

Tiningnan ko ulit ang nakaukit na pangalan sa paintbrush.

'Elie Marie Austin'

"Pwedeng siya nalang?" ako

"I'll try hijo. Pero pag tumanggi ay di nalang natin pipilitin. Kakamatay lang kasi ng mga magulang niya at ilang linggo lang ay nabangga yung minamaneho niyang kotse kaya nag aadjust pa ito."

Tumango ako. Lumapit si Dean sa babae at nag usap ang dalawa.

"Namikmata lang ba ako o si Marie yan na nagpakulay lang ng buhok?" narinig kong nagsalita si Nia likoran ko.

"Kung babangon ang patay, posibleng siya si Marie. Pero dahil imposible ay hindi siya si Marie." Gio

"Something's different about her." Leo

"Na miss ko tuloy si Marie.--aray! ano ba Gio?! masakit yun ah!" Nia

"Huwag kang taklesa Nia." saway ni Leo

"Sorry." Nia

Bumalik si Dean at umiling iling. Napabuntong hininga nalang ako. Tiningna ko ulit ang babae na naglalakad paalis. Lumingon ito sa direksyon namin at nagtagpo ang mga paningin namin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nag iwas naman ito ng tingin at tuloyan nang umalis.

The Dark Shade of the Night [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon