35

92 2 0
                                    

Chapter 35


Patay lahat ang nasaloob ng building ng district 1. Bago namin nilisan ang lugar ay sinigurado muna naming wala ni isa ang naiwang buhay.

"Hija, antahimik mo. Kailangan mo ba ng kausap?" Gabriela tap my shoulder.

"No. Kailangan ko lang mag pahinga." Sagot ko

"Sige hija.. kailangan niyo na ngang magpahinga. Babalik ka na bukas sa Y.U."

Oo nga pala. Babalik na ako sa Y.U hindi bilang Elie Marie Austin kundi bilang Amanda Pietro.

Tumango ako.

"Sasamahan ka ni Reo at ng mga pinsan niya. Magkasama kayong papasok bukas. OK?"

Isang tango lang rin ang sagot ko. Ngumiti sakin si Gabriela at marahang hinagkan ang noo ko.

"Sige hija." At umalis na siya kasama ang lima pang mga Shaitan.

Bumukas ang malaking pinto at sinalubong kami ni Charlie, ang matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga Pietro.

"Welcome back My Lady Amanda."

"Good evening Charlie." At pumasok na ako sa loob.

Ibinaba ko ang hood at tinanggal ang maskara.

Naninibago pa ako sa mga nakikita ko sa paligid ko, sa mga taong kasama ko pati na sa sarili kong repleksyon.

Huminto ako sa gilid ng hagdan nang makita ko ang sarili sa salamin.

Huminto ako para tinitigan ang sarili. Hindi ko nakilala ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko lahat ng iyon.

Hinawakan ko ang puting buhok ko na may mantsang dugo. Pinahiran ko rin ang pisnge ko na may bahid ring dugo. Tinanggal ko ang itim na gwantes at hinubad ang kulay dugong cloak at naiwan nalang ang puting sleeveless at itim na pantalon.

'Amanda Pietro ang pangalan mo'

Niyakap ko ang sarili. Nanginginig ang katawam ko habang tumulo ang luha ko.

'Ito ang buhay para sa iyo'

"Amanda.." niyakap ako ni Reo.

"Maligo ka muna para matanggal ang dugo sa katawan mo." bulong nito.

"Do I have to live like this? Reo?" Tanong ko. Pinatong ko ang ulo sa balikat niya habang nakatingin pa rin sa salamin.

"Ikaw na ang makakasagot niyan. Gusto mo bang mamuhay ng ganito? Pero bago mo yan sagutin ay maligo ka na muna. Kailangan mo nang magpahinga Amanda." sabi nito. Nakita ko kung gaano ka sincere si Reo.

"I miss Grey. I miss him so much.. I miss Dia too.." ipinikit ko ang mga mata ko.

Inilayo bahagya ni Reo ang mukha ko sa balikat niya. Ang dalawang palad ay nasa magkabilang pisnge ko. Seryosong seryoso talaga siyang nakatingin sakin.

"Amanda.. have you forgotten what Miss Gabriella said? what your grandmother said? Hindi lang ito laban mo kundi laban ito ng lahi natin.. those G.I's killed Millions of Shaitan for years. Remember.. matagal tumanda ang mga Shaitan kaya nauubos na ang lahi natin Amanda. May 40% lang sa mga sanggol na Shaitan ang nakakasurvive dahil sa dugo natin-- di nila nakakaya kaya kunting persyento lang ang nabubuhay sa mga newborn. Over the years.. Pietro--ang pamilya mo ang tinitingala--namumuno at ang pag asa ng lahat dahil sa tapang nila. Pero napatay sila ng G.I. at ngayon ay nagtatago na ang lahat sa dilim dahil sa takot na baka matulad sila sa mga Pietro."

I was speechless for a moment. Sina Gabriela at Carlos ay ang naiwang relative niya-- isang distant relatives ng mga Pietro.

"A-anong gagawin ko? Hindi sapat ang kaalaman ko para ipagpatuloy ang mga naiwang tungkolin ng mga totoong magulang ko--"

"Ano ba ang gusto mo Amanda? Hahayaan mo bang maubos ang lahi natin? Gusto mo bang magtago nalang tayo habang buhay?"

Isang mahinang iling ang isinagot ko. Ayokong mangayre iyon. Mamuhay sa takot habang buhay? Hinding hindi pupwede iyon.

"Good. Now before I forget, Kazumi Yamamoto wants to meet you tomorrow. Isa rin siyang shaitan katulad natin. Kaya marami sa kalahi natin ay nag aaral sa Y.U. dahil sa kanya. May sasabihin lang daw siyang importante sayo."

Ngayon ko lang nalaman na isang shaitan rin pala ang dean ng Y.U. Ano kaya ang nararamdaman niya pagkatapos dun sa bombing na nangyare sa coliseum ng Y.U?

"Ok." mahinang sagot ko.

Pinunasan nito ang luha kong ayaw paawat sa pagbuhos.

"I will always be with you Amanda."

††††

Bumangon ako saka napalingon sa side table kung saan naka patong ang orasan.

Alas dose y kinse na pala ng madaling umaga.

Tumayo ako at binuksan lumabas ng kwarto. Nakapatay lahat ng ilaw sa loob. Bumaba ako ng hagdan at una kong nakita ang malaking painting ni Diego at ng asawa nitong si Isabella Pietro sa may living area. May dalawang ilaw ang nasa gilid nun.

Lumapat ang dalawang paa ko sa malamig na sahig na naka tiles. tiningnan ko ng malapitan ang painting nang may tumabi sakin.

"You should be sleeping right now in your room." nakatingin rin si Reo sa painting.

"I can't sleep." Maikli kong sagot.

Then silence came next. I was so satisfied by just staring at the painting.

"What happened? bakit ka humihinto sa pag pipinta?" Binasag ni Reo ang katahimikan.

Hindi agad ako nakasagot. Binaba ko ang paningin ko at sa sahig huminto.

"Ok lang--"

"My parents died." Putol ko. "My human parents--ninakawan sila saka pinatay pagkatapos. After what happened namatay na rin ang pangarap ko-- pag pipinta. And I dont see any other reason para magpinta  ulit ako.. sa tuwing haharap ako sa isang canvas o hahawak ako ng paint brush ay naaalala ko noon-- theyre the reason why I paint. Sila ang nagturo sakin para mag pinta. So now that theyre gone I lost interest in painting again." Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Do you?" Biglang tanong nito sakin.

"Do what?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Lost interest in painting again?"

"Y-yes. Of course--"

"Come with me." And he grabs me by the arm at hinila.

"Where are we going?"

"Alam mo bang mahilig rin magpinta ang mga Pietro?" Sabi pa nito.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at lumiko pakaliwa at dumaan sa hallway na may mga larawan ng mga Pietro. Lumiko ulit kami pakaliwa at huminto sa isang malaking pinto.

Binitawan ako ni Reo at tinulak ang malaking pinto. Bumungad sakin ang isang malaking silid na puno ng mga painting na tinakpan ng puting tela. Ang iba ay nakasabit na sa dingding.

Inilibot ko ang paningin sa loob. Malinis naman ito, halatang nililinis araw araw ang silid na ito.

Na curious ako sa isang painting na nasa likod ng pinto. May kalakihan rin ito kaya nakakatemp na tanggalin ang puting tela.

Parang may sariling pag iisip ang kamay ko at tinanggal ang puting tela sa painting na nasa likod ng pinto.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. my jaw dropped literally sa nakita ko.

"Is this m-me?"

"Its your mom-- Andrea Amanda Pietro." Sabay turo sa pangalan na nakaukit sa ibabang bahagi ng frame.

"No way..!" Namamanghang bigkas ko.

This is my mom? Like my real mom?

"She's pretty.." marahas akong lumingon kay Reo.

"She's dead.."

"Your pretty." At umangat bahagya ang isang isang sulok ng labi nito.

Nag init nalang bigla ang mukha ko. Buti at may pagka dim rin ang ilaw dun kaya di nito siguro napansin.

The Dark Shade of the Night [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon