18†Jack Jackson

110 6 0
                                    

Nakakapagod ngumiti sa mga taong ngayon ko lang nakilala. Daming lumalapit at nangongomusta sakin. Kung pwede nga lang ay tumakbo ako palayo sa lahat.



"Miss Elie!"



Eto nanaman, pang ilan na ba sila? Di ko na mabilang sa mga daliri ko. Wala naman akong magawa kundi ang harapin sila.



"Miss Elie, nabalitaan kasi namin ang nangyare. Ok ka na po ba? Di ka nalang sana pumasok para makapagpahinga ka." Sincere ng babaeng ngayon ko lang nakilala kasama ang tatlo pang babae.



"Ok na ako. Salamat sa concern."



May sasabihin pa sana ang babae ng may tumawag sa pangalan ko.



"Ema!"



Laking pasalamat ko at may tumawag sakin ng Ema. Kunti lang kasi ang tumatawag sakin ng Ema.



Lumapit si Jack samin. Tiningnan naman ito ng apat. Nagtataka siguro kung sino.



"Jack!" Hindi ko natago ang saya ng makita ko siya. Alam kong siya lang ang makakapag alis sakin dito ngayon.



"Ahh sino po siya Miss Elie?" Tanong ng babae.



"Kaibigan ko pala si Jack. Ah, aalis muna kami ah? May gagawin pa kasi kami eh." Pagsisinungaling ko.



"Sige po." Naka ngiti lang ang apat.



Amuse na tiningnan ako ni Jack nang makaalis kami.



I rolled my eyes on him.



"Long story." Sabi ko pa.



Natawa lang si Jack. Umakbay ito sakin at ginulo ang buhok ko.



"I'm all ears Ema Stones."



Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at kinurot sa tagiliran.



"Tigil tigilan mo ako sa Ema Stones na yan ah."



"I was just kidding! Pinapatawa lang kita."



"It's not working Jackson."



"Really Austin?" At nag make face siya.



Nag iwas ako ng tingin. Nakakatawa ang mukha niya. Palihim na kinagat ko ang dila ko para di ako matawa.



"Ang pogi ko diba?"



"Gutom na ako Jackson." Pag iiba ko ng usapan.



"Mas pogi pa nga ako dun sa Nero'ng yun eh." pagmamalaki nito.



Huminto ako sa paglalakad at nakataas ang kilay na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pailing iling akong naglakad ulit at iniwan siya.



"Hoy, Austin. Iniinsulto mo ako ah." sumunod ito sakin at humarang sa harap ko. Huminto naman ako sa paglalakad at tinitigan siya.



"May ginawa ba ako sayo?" Pagmamaang maangan ko.



"Kahit di mo sabihin, pinamukha mo naman sakin."



Nakakatuwa minsan itong si Jack. Ang hilig magbiro. Yung mukha niya, nagpapa cute na ewan.



"Alam mo Jackson. Gwapo ka naman eh pero minsan lang di kita ma explain." I folded my arms.



Nagliwanag ang mukha niya at kinindatan pa ako. Umakbay pa ito kaya umangat nanaman ang isang kilay ko.



"Alam mo Austin, nahahalata ko na, na may gusto ka sakin. Ayaw ko lang saktan ang damdamin mo pero di ako available eh. Focus muna ako sa pag aaral ko at saka di pa ako handa sa mga ganyang bagay eh." he glance at me and smile.



"Ngayon ko lang nalaman na mahangin ka rin pala. Tigilan mo ako ahh." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at inirapan siya.



"Eto namang si Austin, di mabiro. Joke lang yun oy!" Hinabol niya ako.



"Joke mo mukha mo." Bulong ko.



Tinulak ko ang pinto ng canteen para makapasok. Marami rami rin ang tao sa loob. Naghanap muna ako ng bakanteng mesa. Napansin kong wala nanamang naka upo sa mesang malapit sa may vendo machines. Dun ko nalang naisipang umupo, ulit. Napansin ko lang na ang table na ito ang laging bakante, kahit sa oras ng tanghalian. Ewan ko ba kung bakit ayaw nilang umupo dito. Mas gusto pa nilang mag siksikan dun sa mesang punong puno na.



"May niluto nanaman kami kanina. Pang welcome back gift ko sa'yo." Kaharap ko nga pala itong si Jack. Nilabas niya ang isang Tupperware na may masarap na pagkain.



"May lason ba yan?" Pagbibiro ko. Hinahanap ko muna ang maliit na wallet ko para makabili agad.



"Tinikman ko yan, sa tingin mo andito pa rin ako sa harap mo kung may lason yan?" he moved it towards me.



"Malay ko ba kung tinikman mo ba talaga yan."



Smugly, tinikman niya ito gamit ang tinidor na kasama na pala sa tupperware.



"See?" Ngumunguya pang sabi niya.



"Bibili muna ako, saka ko na titikman yang dala mo." Nag fake smile ako at tumayo.



"A-ako na!" Nagpresenta ito.



Ako naman, nagsalubong ang kilay na nakatingin sa kanya. Anong nakain ng lalakeng to?



"Ako na, kalalabas mo lang sa ospital kahapon dahil sa aksidente. Baka--"



"Baka ano? kalalabas ko nga sa ospital pero di ako baldado. Wala naman akong natamong sugat o galos eh." putol ko sa kanya



"Kahit na--"



"Alam mo Jackson, kunti nalang ah.. kunting kunti nalang baka di ko mapigilan ang sarili kong dukotin yang mata mo." Annoyed na pananakot sa kanya.



"Fine, sasamahan na lang kita."



I glared at him.



"Ok fine!" Suko na sabi niya at umupo.



"Thanks!" I fake a smile again and left him.



Habang namimili ako ay natakam ako sa mga pagkain. Para akong di nakakain ng isang linggo. Nakakapagtaka lang dahil di ko na malasan ang pagkain. Kaninang umaga, para akong kumain ng kanin na plain na plain, kahit may sawsawan ay parang tubig lang din ang lasa.



"Masarap yan oh."



"Anong ginagawa mo dito?" I snorted at Jack.



"Bibili, bakit ikaw ba may ari nito para pagbawalan akong bumili dito? Bawal na bang bumili pag ginugutom ako? May batas ba na nagsasabing pinagbabawal ang bumili ang pogi?" sunod sunod na sabi nito.



"Manang ito po sakin." Dugtong niya.



Hindi ako nakasagot. Naglaho bigla ang pagka annoy ko sa kanya. Na overwhelm lang ako sa mga nangyayare. Sariwa pa ang sakit na nararamdaman ko sa pagkamatay ng magulang ko. Di ko alam kung pano e handle lahat sabay sabay.



"Oy, Ema? Are you ok?" Nagising ako sa realidad.



"Huh?" Wala sa sariling sambit ko.



"Ok ka lang ba Ema? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong sakin ni Jack.



"W-wala. Oorder na ako ng ganyan--"



"Huwag na, para sa'yo naman talaga ito eh." nakangising sabi nito.



Napabuntong hininga nalang ako.



"Sige na nga. Kainin na natin yan."

The Dark Shade of the Night [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon