Chapter 4

103 3 0
                                    

Lucinda

Nang gabi rin lang na iyon ay tulad nga ng sabi niya ay magd-dinner kaming dalawa kaya naman nakapagpalit na ako ng aking damit. Pilit kong inaayos ang aking buhok dahil hindi ko alam kung ipupusod ko ito o ilulugay na lang. Nang hindi ako makapag-decide ay pinony tail ko na lang ito at saka kinuha ang aking purse nang makarinig ako ng doorbell sa aking pinto.

Nagsusuot pa lang ako ng aking earring at sapatos nang buksan ko ang pinto at gano'n na lang ang gulat ko na makita siya sa harapan ng aking pinto. Maang akong napatingin sa kanya dahil unang-una ay hindi ko naman sinabi sa kanya kung saan ang kwarto ko kaya paano niya iyon malalaman. Pangalawa, napakunot na lang ang aking noo nang makita ang kanyang suot.

"Ready?" tanong niya.

"Ano iyang suot mo?" tanong ko sa kanya habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What's wrong with what I'm wearing?" tanong niyang muli na nagpailing sa akin.

Paano ba naman kasi nakasuot ako ng dress na halos hapit sa aking katawan pagkatapos ay may dala pa akong mamahaling purse. Tapos ang makikita ko lang na suot niya ay simpleng maong pants na may butas sa tuhod sabay white shirt na naka-fold ang mangas niya. Hindi naman ako judgemental sa mga damit dahil nga may freedom nga naman silang suotin ang gusto nila.

"What the hell are you wearing?" tanong kong muli. "Uhm, please tell me na sa carinderia mo lang ako dadalhin dahil para kang nagmukhang driver ko sa suot mo."

Napatingin naman siya sa kanyang suot sabay sa akin. "Ano namang mali? E ang importante naman ay hindi ako nakahubad sa harapan mo. Isa pa hindi carinderia ang pupuntahan natin dahil sa restaurant ng kaibigan ko ang punta natin. Let's go. I already made a reservation, and we might be late."

Magsasalita pa sana ako pero nauna na siya at hindi man lang ako hinintay at hindi man lang kinuha ang dala kong purse. Ni magbigay man lang sana ng isang bulaklak o tsokolate ay wala. Tapos kung umasta siya parang hindi niya ako yinayang mag-date.

Huminga na lamang ako ng malalim habang nakasunod sa kanya at makailang beses na rin akong napairap sa hangin. Talagang nakasuot pa talaga siya ng tsinelas at hindi man lang nag-rubber shoes sana. Napapailing na lang ako sa kanya at mas lalo kong ikinaiiling ay ang ganda ng kotse niya dahil iyong pinaka-latest pa ito na Royce Rolls car.

Iniisip ko tuloy kung sasama talaga ako sa kanya lalo na at hindi ko pa naman siya kilala at wala akong mahihingan ng tulong oras na kinidnap niya ako. Nakatayo ako sa gilid ng kotse niya at ang bwisit na lalaking ito ay hindi man lang ako pinagbuksan. Nauna na siyang sumakay at nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit hindi pa ako sumasakay.

'Very gentleman.' Sigaw ko na lang sa aking utak.

Naiinis akong sumakay sa kanyang sasakyan at kahit na mahal pa ito ay nabwibwisit ako sa kanya. Pagsakay ko ay agad siyang nag-drive papunta sa resto na sinasabi niya na pagmamay-ari raw ng kaibigan niya. Pagdating namin ay pinark niya ang kanyang sasakyan at hindi man lang ako tinulungang bumaba ng kotse at nauna na siyang pumasok sa loob.

Nag-breathe in, breathe out na lang ako dahil ayoko ang ma-stress lalo na at pumayag na ako sa date na ito. Pagpasok ko ay nakita ko na ang hinayupak na nakaupo sa rineserve niyang table niya at binabasa na ang menu. Muli nanaman akong napairap sa hangin bago ako naglakad papunta sa kanya.

Padabog kong linapag ang purse ko sa mesa namin at hinila ko na lang basta ang aking upuan sabay umupo rito na naiinis. Masama akong nakatingin sa kanya habang siya ay abalang nakatingin sa menu. Kinuha ko na rin ang menu at nagsimulang umorder ng aking pagkain at para makaganti ako sa hinayupak na ito ay iyong pinakamahal talaga ang kinuha ko.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon