Chapter 23

40 0 0
                                    

Lucinda

Nang magising ako ay ang una kong nakita ay ang mga ilaw sa kisame na siyang bumubulag sa aking mga mata. Napakurap-kurap ako ng dahan-dahan habang nakatingin sa kisame kung saan ay unti-unting nag-adjust ang aking mga mata sa mga ilaw. Pagkatapos ay napatingin ako sa aking kamay dahil may kung anong nakakabit dito.

Nakita ko na may dextrose na nakakabit sa aking mga kamay at nang inilibot ko ang aking paningin ay doon ko lang napagtanto na nasa hospital na pala ako. Nang magbukas ang pinto ay nakita ko ang isang babae na nakasuot ng doctor's gown at may kasama siyang nurse. May chineck sa akin ang doctor habang kinakausap naman niya ako. Maya-maya ay narinig kong nagbukas muli ang pinto at nakita kong lumapit ang aking ama sa akin sabay hinawakan ang aking kamay.

"How's my daughter?" tanong ng aking ama sa doctor.

"She's still dizzied from all the medicine we gave her, but she's fine. Oras na magkaroon siya ng lakas ay pwede niyo na siyang pakainin. We will come back later for another check-up." Tumango naman ang aking ama.

Thank you, doc." Umalis na sila at kaming dalawa na lang ni Papa ang naiwan sa kwarto. "Buti naman at gising ka na anak."

"What happened?" tanong ko.

"Hays. Simula nang araw na nalaman mo ang tungkol kay Clark ay natulog ka. You slept for two days straight without eating and drinking. We tried to wake you up, but your body just shuts down from all the stress and anxiety. Kaya naman paggising mo ay sobra kang nanghina at nahimatay ka na lang bigla," paliwanag ng aking ama.

"I see. Uhm, medyo nagugutom na ho ako."

"Of course. Nagpabili na ako sa kanila Edman ng pagkain kaya pwede ka nang makakain maya-maya lang." Tumango naman ako.

Pinilit kong bumangon at tinulungan naman ako ng aking ama. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga si Edman na may dalang pagkain at gad na binigay nila ito sa akin para makakain na raw ako. Sinimulan kong lantakan ang aking pagkain pero tuwing susubo ako ay unti-unti nanamang bumabalik sa aking balintataw ang dahilan kung bakit ako nandito sa hospital ngayon.

Habang sumusubo ako ay tumutulo ang aking luha at mukhang napansin ito agad ng aking ama kaya naman umupo siya sa gilid ng aking kama. Tumigil ako sa pagsubo at napatingin ako sa aking ama na nag-aalalang napatingin sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at nakita kong napalunok siya bago siya nagsalita.

"Pasenya ka na kung hindi ko muna ito sinabi sa iyo at agad akong nagdesisyon sa aking gagawin kay Clark. Believe me, iha, I really wanted that guy for you. Wala naman akong pinipili para sa magiging katuwang niyo habang buhay pero ayoko lang iyong nasasaktan at niluluko kayo." Napatungo ako." Pero noong marinig ko siya noong araw na iyon ay nanilim ang aking paningin na halos gusto ko siyang patayin o kahit na ano.

"Alam kong mas masasaktan ka kung ikaw mismo ang makakita o makalaman ng kalokohang ginagawa niya. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangang iyong taong nagkasala sa iyo ang magsabi ng kanyang kasalanan. May mga bagay kasi na mas magandang hindi mo na lang marinig na galing sa boses o bunganga nila para maiwasan kang masaktan. That's why I needed to do what I have to do."

"Linayo ko siya sa iyo ng hindi mo nalalaman para sa oras na wala na siya ay hindi mo na gugustuhing sundan siya. Hindi ka muling magpapaluko o magpapalinlang sa kanya at ayaw kong mangyari iyon sa iyo dahil anak kita." Tipid akong napangiti.

"Thanks, Dad. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay dahil halos lahat binigay ko kay Clark." Napakunot naman ang aking ama sa aking sinabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin iha?" Napalunok muna ako bago ako nagsalita.

"May kailangan ho akong ipagtapat sa inyo Dad. I'm a playgirl, dad. I-I've had a lot of one-night stands before I met Clark." Napansin ko ang gulat sa mga mata ng aking ama. "I'm so sorry, Dad. Alam ko na dapat ay ibigay ko lang ang pagkababae ko sa lalaking pakakasalan ko pero natukso ako. I was curious. At sabi nga ng kasabihan na nasa huli ang pagsisisi dahil noong mapagtanto ko ito ay huli na ang lahat."

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon