Chapter 7

72 3 0
                                    

Lucinda

Pagdating ng hapon ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil naramdaman ko na lang na nasisikipan ako sa aking higaan. Sinubukan kong gumalaw pero agad kong naramdaman ang isang braso na nakapulupot sa aking baywang. Nang imulat ko ang aking mga mata ay halos lumaki ito nang makita kong nakahiga kami ng magkatabi ni Clark dito sa aking sofa.

Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa at kunting galaw pa ay baka mahalikan ko na siya. Sa laki niya ay buti at nagkasya kaming dalawa rito sa sofa. Naramdaman kong gumalaw pababa ang kanyang braso na nakayakap sa akin at bigla naman akong mapasinghap nang malapit na ito sa aking pagkababae.

Napalunok ako ng paulit-ulit dahil mukhang hindi niya alam kung saang parte ng aking katawan ang kanyang kinakapa. Maya-maya ay halos tumigil ang aking paghinga nang maramdaman na nasa ibabaw na ng aking pagkababae ang kanyang kamay na ang tanging pagitan lang ay ang aking suot na shorts. Aalisin ko na sana ito nang bigla akong mapaupo dahil sa tunog ng aking cellphone kaya naitulak ko tuloy siya at nahulog siya sa sofa.

"What the—" sabi niya habang sapo ang kanyang likuran na mukhang mali ang bagsak sa pagkakahulog niya sa sofa.

Hindi ako agad nakahingi ng tawad dahil patuloy lang sa pag-ring ang aking cellphone kaya mabilis akong tumayo at agad itong sinagot. Nakita kong tumatawag si Paris sa akin kaya naman agad ko na lang itong sinagot at nagkulong sa aking kwarto. Ang bilis kasi sobra ng tibok ng aking puso na para bang lalabas na ito anumang oras sa aking dibdib.

"H-Hello?" garalgal kong sagot.

"Hello? Lucinda? Ayos ka lang ba? Bakit para kang kinakabahan?" tanong niya.

"H-Ha? W-Wala ito. Kagigising ko lang kasi kaya gano'n." Magsinungaling ka pa. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Magpapasama sana sa iyo ako bukas na mamili ng regalo para kay Blade. Kaarawan niya bukas at gusto ko sana siyang surpresahin. At dahil kababata mo kasi siya ay gusto kong magpatulong kung ano ang gusto niya. Please?"

Oo nga pala at kaarawan na bukas ni Blade at muntik ko nang makalimutan ito. Simula kasi ng malaman namin na linuluko lang ni Tristan si Paris para lang sa pera ay si Blade ang siyang sumalo kay Paris. Sakto naman ang dating niya dahil mukhang nahulog agad ang loob ni Paris sa kanya.

"O sige. Tawagan mo na lang ako kung saan tayo magkikita bukas." Nagpaalam na siya at napapikit ako ng mariin.

Naalala ko na nasa labas pa pala si Clark at hindi ko man lang siya kinumusta kung ayos lang ba ang lagay niya. Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko na masama ang timpla ng kanyang mukha kaya agad akong napangiwi. Lumapit ako sa kanya para sana humingi ng tawad nang bigla siyang mapatayo at seryosong napatingin sa akin.

"A-Ayos ka lang ba? Kumusta ang likod mo?" tanong ko.

"Sino'ng kikitain mo bukas?" tanong niya na nagpakurap sa akin.

"Ha? Ah iyon ba? Si Paris iyon at nagpapasama lang siya na bumili ng regalo para sa nobyo niya." Natahimik siya at nakita ko na lumambot ang kanyang ekspresyon kaya naman nagtaka ako sa kinikilos niya.

'Ano'ng problema ng taong ito?' tanong ko sa aking sarili nang makita kong hindi na siya nakatingin ng seryoso sa akin. Pagkatapos ay tinanong ko siya kung tuloy pa ba kami sa date namin na ikinatango niya kaya naman naghanda na ako. Sinabi niya na uuwi lang daw siya saglit para magpalit ng damit at sinabing hintayin ako.

Tumango ako at halos makahinga pa ako ng maluwag nang mawala na siya sa aking condo. Nang makapagpalit na ako ay naisipan kong pumanhik na lang sa baba para roon na lang ako maghihintay sa kanya. Sa pagkakataong ito ay simpleng pants at blouse lang ang sinuot ko dahil sigurado ako na hindi rin lang pormal ang isusuot niya.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon