Chapter 42

40 1 0
                                    

Lucinda

Isang nakabibinging katahimikan ang aking narinig nang magising ang aking diwa. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at nakakita ako ng puting kisame at isang nakasisilaw na ilaw. Pero nahilo ako at muling bumalik sa pagkakatulog hanggang sa hilain ako ng antok at nawalan muli ng malay.

Hindi ko na alam kung ano'ng oras na pero bigla na lang akong nagising at pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita kong nasa isang puti akong kwarto. Walang bintana o kahit na ano'ng ventilation at napansin ko nakaposas ang aking isang kamay sa kama. Bigla akong kinabahan at pinilit kong hinila ang posas habang inaalis ang aking kamay.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at pilit kong inaalala kung ano ba ang nangyari kanina. Pero bago ko pa maalala ang mga nangyari ay napatingin ako sa nag-iisang pinto sa silid nang marinig ko na may nagbubukas dito. Bumukas ito at linuwa nito ang apat na lalaki na halos lahat ay nakasuot ng itim. Lumapit sila sa akin at agad na kinalas nila ang posas sa aking kamay sabay pinilit akong tumayo at linabas sa silid na iyon.

"T-Teka, saan niyo ako dadalhin? Nasaan ako? Pakawalan niyo ako. Wala naman akong kasalanan sa inyo ah," sabi ko sa kanila pero hindi sila nakinig sa akin.

Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilaang braso ko habang naglalakad sa aming harapan ang isa at ang isa ay nasa aming likuran. Tahimik lamang sila at parang wala silang naririnig kahit ano ang aking pagmamakaawa. Maya-maya ay tumigil kami sa isang malaking pinto at may pinindot ang lalaki roon dahilan para magbukas ito.

Dire-diretso kaming pumasok at doon ko lang napansin na nasa isang malaki kaming silid na halos maroon lahat ang kulay ng dingding at sahig. May mga kagamitan din naman dito at may maliit na fire place sa pinaka-gitnan ng silid. Pero ang mas nagpakaba sa akin ay marami ang kalalakihan ang nandito at lahat sila ay parehas ang suot sa mga nagdala sa akin dito.

Pinaupo nila ako sa isang sofa at agad silang tumayo na para bang may hinihintay sila. Napatingin ako sa kabuuan ng paligid at doon ko lang napansin na ang iba ay may hawak na baril habang ang iba naman ay marahil nakatago ang kanilang armas sa kung saan. Maya-maya ay napukaw ang aking atensyon sa isang pinto na nagbukas at niluwa nito ang isang halos ka-edad ni Papa na lalaki at may mga nakasunod sa kanya na mga kalalakihan.

Naglakad siya papunta sa kanyang lamesa na nasa tapat ng sofa na aking kinauupuan sabay nagsindi siya ng tobacco. Pinagmasdan ko siya at pilit kong inaalala kung ano ba ang nangyari sa akin kanina at bakit nandito ako ngayon at kaharap ko ngayon ang isang estranghero. Doon lang bumalik sa aking alaala na kinidnap ako ng mga kalalakihang nakasuot ng itim at pinasok sa isang van.

Muli akong napatingin sa lalaki na nakaupo sa aking harapan at pinagmasdan ko ang kanyang itsura. He has a roman nose, semi bald hair, squinty eyes, and chubby. All in all ay mukha siyang si Majin buu na pinaghalong si Santa Claus dahil sa kanyang itsura.

Nang makabuga siya ng usok na nagmumula sa kanyang tobacco ay doon siya napatingin sa akin ng diretso sabay napangiti. Napalunok naman ako nang magsimula siyang tumayo at maglakad papunta sa harapan ng kanyang lamesa hanggang sa tumigil siya sa aking harapan.

"Glad to finally meet you, Ms. Lucinda Salazar. My name is Enrique De Guzman." Linahad niya sa akin ang kanyang kamay pero nag-aalangan ako na tanggapin ito.

Hanggang sa itaas ng isang lalaki ang aking kamay upang makipagkamay sa kanya kaya naman tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Don't be so harsh with our visitor. Please. I'm sure she's already hungry, so why don't we give her some food." Inutusan niya ang ilang tauhan niya sabay kumuha marahil ng pagkain.

Napatingin akong muli sa kanya at napangiti naman siya sa akin na parang magkakilala na kami ng sobrang tagal.

"W-Why am I here?" Nagawa kong tanungin sa kanya sa wakas kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako. "A-Are you sure that I am the person that you need?"

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon