Chapter 12

54 3 0
                                    

Lucinda

Pagkarating namin ni Ian sa parking lot ng gusali ay bumaba na ako at tumulong na rin akong magbuhat ng mga gamit niya. Pinigilan niya ako pero pinilit ko dahil sinabi ko sa kanya na kahit ito man lang ang maitulong ko sa kanya pagkatapos niya akong ilibre at ihatid pauwi.

"Thank you," sabi niya.

"Wala iyon. Salamat din sa libre at sa paghatid sa akin."

"Nah. Wala rin iyon." Nanatili kaming tahimik at medyo nagiging awkward na kaya magpapaalam na sana ako. "Uhm, Lucinda? Pwede bang yayain kita ulit sa isang date? Alam ko may nobyo ka na pero kahit friendly date lang ay okay na sa akin. Gusto ko lang kasi na makilala ka pa at gusto kong mapalapit sa iyo."

Kung sakaling wala akong Clark ay marahil tinanggap ko na ang alok niya sa akin dahil hindi rin naman ako manhid para hindi malaman na may gusto si Ian sa akin. Pero minsan ko nang sinuway si Clark at alam ko naman na kahit may mali kaming dalawa ay tignan mo kung ano ang nangyari sa amin.

"Pasensya ka na, Ian. Mabait ka, gwapo, at saka may sense of humor ka naman at kung sakaling wala akong boyfriend ay tatanggapin ko sana ang alok mo. Pero may ipinangako kasi ako sa kanya at ayaw ko na sanang mag-away kami. Sorry." Napatungo siya.

"It's okay. Wala iyon." Natawa siya ng mahina. "Ang swerte rin ng boyfriend mo dahil hindi mo siya kayang ipagpalit. Hindi mo siya kayang suwayin kahit hindi siya nakatingin at iilan na lang ang mga taong hindi nangangaliwa. Naiintindihan ko ang desisyon mo pero sana ay maging magkaibigan pa rin tayo?"

Lahat niya ng kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at pumasok na rin siya sa kanyang kwarto. Naiwan akong mag-isa rito sa labas at aaminin ko na nami-miss ko na si Clark. Oo. Gustong-gusto ko ang atensyon na binibigay niya sa akin kasi kung tutuusin ay hindi ko ito naranasan noon.

May mag naging fling ako pero hindi sila iyong klase na pagbabawalan ako na makipag-usap sa kahit sinong lalaki. Walang magagalit sa akin kahit na makipag-date pa ako noon sa iba dahil hindi naman sila seryoso sa akin. Pero ang turing sa akin ni Clark ay para akong babasaging bagay na kailangang alagaan at protektahan.

Iilan na lang ang mga lalaking tinuturing ang mga babaeng gano'n kaya siguro iyon din ang dahilan kung bakit ko nagustuhan si Clark. Kung bakit nahulog na ng tuluyan ang aking puso sa kanya dahil siya lang ang nagbibigay ng halaga sa akin. Akala ko ay nakuha na niya ang kailangan niya sa akin pero mas lalo niya pa akong ginusto dahil binigay ko ito sa kanya.

Hindi siya lumayo nang malaman niyang mayaman ako pero nang dahil lang sa hindi ko pagsunod ay nag-away kami. Nagkatampuhan. At ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon dahil ni anino niya ay hindi ko na makita. Huminga ako ng malalim at pagpasok ko ay inaasahan ko na nandito siya naghihintay sa akin.

Inaasahan ko na gigising ako ay makikita ko siya na inaakyat ang aking bintana pero pagpasok ko ay wala akong nakitang Clark. Tumulo na lamang ang aking luha dahil hindi na siya muling nagpakita sa akin.

Mabilis na lumipas ang isang linggo at ni minsan ay hindi na talaga nagpakita sa akin si Clark. May mga pagkakataon pa na napapanaginipan ko siya at gusto ko na lang matulog dahil kahit papaano ay nakikita ko siya. Pero tuwing gigising ako ay babalik ako sa katotohanan na wala siya sa tabi ko.

At dahil sa paghihintay ko sa kanya ay naisipan kong gumawa ng vlog tungkol sa kanya. Hindi ko na siya pinangalanan dahil ayaw ko namang maisiwalat ang kanyang pagkatao at magkaroon pa ako ng kaagaw. Naiintindihan ko na ang pagseselos niya dahil ako rin tuwing maiisip ko na may kahalikan, kayakap, o kaniig siyang iba ay kumukulo ang aking dugo. Gumising ako at bumangon sabay inon ko ang aking cellphone at nagsimulang mag-vlog.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon