Chapter 34

34 0 0
                                    

Clark

Makalipas ang ilang linggo ay gumaling na ang mga sugat ni Lucinda kaya naman balik na rin sa dati ang sigla niya. Nami-miss ko kahit papaano ang pag-aalaga ko sa kanya pero alam ko naman na ayaw na niya masyado ang napa-pamper. Kaya naman kahit gusto ko pa siyang alagaan ay hinayaan ko na lang siya.

Simula nang alukan ko siya ng kasal ay naging mas malapit pa kami sa isa't isa lalo na at tanggap na tanggap na ako ng kanyang pamilya. Sa totoo lang ay noong nakita ko ang mga kuya niya ay para akong nasa impyerno dahil sa init ng pagtitig nila sa akin. Madali pa man din akong kabahan lalo na kapag pamilya ni Lucinda ang pinag-uusapan.

Alam ko kasi na galing siya sa mayaman na pamilya at may paniniwala ako minsan na gusto ko lang i-impress ang pamilya niya. Pero dahil sa mga kagaguhan ko ay doon na ako kinakabahan na para bang alam kong sisentensyahan na ako anumang oras. Buti na lang at napatawad na nila ako at wala na akong problema sa pag-i-impress.

Bumalik na silang lahat noong nakaraang tatlong linggo na ang nakalilipas sa kani-kanilang bahay dahil pumunta lang sila para bisitahin is Lucinda. Ako naman ay bumalik sa apartment ni Luke kung saan ay hanggang ngayon wala pa kaming balita sa naghahanap sa akin. Abala akong nanunuod ngayon sa sofa nang dumating si Luke sa kanyang apartment.

"Himala yata na nandito ka ngayon at wala ka sa condo ni Lucinda? Huwag mong sabihin na nag-away nanaman kayong dalawa?" tanong niya.

"Nope. Ang totoo niyan ay wala siya ngayon sa condo niya dahil nag-out of the country silang dalawa ng kaibigan niyang si Paris. Gusto ko sanang sumama pero sinabi niya kasi na only girls lang daw lalo na at may atraso pa raw siya sa kaibigan kaya hinayaan ko na." Napailing naman siya.

"Iyon iyong sumampal sa akin noong na-hospital si Lucinda. Tsk! Dapat para sa iyo ang sampal na iyon pero itong gwapo kong mukha ang napagdiskitahan." Natawa naman ako.

"Gwapo? Kung gwapo ka ay bakit nasaan ngayon ang ex mo at hindi ka binalikan? Ang sabihin mo ay ga*o ka lang talaga at hindi ka gwapo." Binato naman niya ako ng unan na agad ko namang nailagan.

"Damn you, bro!" Naglakad na siya paakyat sa kanyang kwarto habang tumatawa pa rin ako.

Simula kasi nang magkabalikan na kami ni Lucinda ay medyo nagtampo raw ang kaibigan sa kanya kaya naman pinaliwanag niya ang nangyari. Naintindihan naman ito ni Paris pero pakiramdam daw kasi ni Lucinda na parang may kasalanan pa siya sa kaibigan. Kaya naman para makabawi ay linibre niya ito sa isang outing sa Australia.

Tatlong araw sila roon kaya naman tatlong araw din akong magtitiis dito hanggang sa bumalik sila. Nang magsawa akong manuod ay sinabi ko kay Luke na lalabas na muna ako pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya naman isinawalang bahala ko na lamang ito at lumabas na lang sa condo niya.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay bigla na lang may nakabunggo sa akin at agad naman siyang humingi ng tawad. Lumapit na ako sa aking sasakyan at iniisip ko kung saan ako pupunta gayong wala si Lucinda na pinupuntahan ko palagi. Kaya naman naisipan ko na lang na pumunta sa tree house namin at doon na lang muna ako tatambay.

Habang nagmamaneho ako habang may musika na tumutunog sa aking radyo ay napatingin ako sa aking rear view mirror ng hindi inaasahan. Noong una ay hindi ko lang ito pinansin pero hindi ko alam kung bakit napapapatingin na lamang ako sa salamin hanggang sa may napansin ako. Kanina noong nasa daan ako ay nakita ko na ang itim na sasakyan na may parehas na plate number na sumusunod sa akin.

Ang kaso ay makalipas ang ilang minuto ay nanatili pa rin siyang nakasunod sa akin. Ayaw kong maging paranoid at marahil ay pareho naman kami ng pupuntahan kaya isinawalang bahala ko na lamang ito. Pero habang tumatagal ay napapansin ko na hindi na ako linulubayan ng kotseng iyon kaya mabilis kong dinial ang phone number ni Luke.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon