Chapter 27

37 0 0
                                    

Lucinda

Pagmulat ko ng aking mga mata kinabukasan ay ang agad na bumungad sa akin ang mahimbing na mukha ni Clark habang natutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya sa aking tabi na para bang bumalik ang lahat sa normal. Hindi ko alam pero nagmukha siyang mature para sa akin o talagang hindi ko lang siya nakita ng matagal kaya gano'n.

Pinadaan ko ang aking mga daliri sa kanyang noo pababa sa kanyang pisngi at bibig at halos tabigin niya ang aking kamay dahil siguro sa nakikiliti siya. Natawa ako ng mahina sabay muli siyang tinitigan hanggang sa magsimula siyang gumalaw at unti-unting bumukas ang kanyang mga mata. Napalunok ako nang makitang titig na titig siya sa aking mga mata na para bang ako lang ang nakikita niya.

"You look so beautiful, chérie. I wouldn't mind waking up in the morning if the first thing I see in the morning is you." Napangiti ako dahil sa pagiging bolero niya.

Bumangon na ako at agad na ipinulupot ko ang kumot sa aking kahubaran nang maalala ko kung paano kami magtalik kagabi. Punong-puno ng pagmamahal at sabik ang bawat halik namin na para bang wala nang umaga pang darating. Pinulot ko ang aking mga damit sa sahig at namula pa ako nang makita kong nakasabit ang aking panty sa may lampshade tanda na hindi na mukhang hindi na kami makapaghintay na angkinin ang isa't isa. Narinig ko siyang natawa ng mahina at nakasimangot akong lumingon sa kanya sabay inirapan siya dahil mukhang nabasa niya ang aking nasa utak.

"What are you laughing at?" tanong ko.

"You look cute, chérie. Now, it makes me want to own you again." Napaiwas ako dahil sa pamumula ng aking pisngi.

Nagsimula na akong magpalit sabay lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa kusina upang magluto ng aming brunch. Paano kasi ay hindi ko na alam kung ano'ng oras kami natulog dahil makailang beses niya akong inangkin kagabi. Ininit ko na ang palayok kasabay naglabas na rin ako ng dalawang itlog, bacon, at ham.

Habang abala ako sa kusina ay naramdaman ko ang pagyapos ni Clark mula sa aking likuran at ngayon ko lang napansin na para bang nagw-work out siya. Matigas kasi ang kanyang dibdib at may mga muscles na siya sa kanyang mga braso at binti. Parang kasing katawan na tuloy niya si Chris Evans sabay mas gwapo pa siya.

Hinalikan niya ang aking leeg habang nakayakap sa akin na nagluluto at hinayaan ko lang siya. Wala naman siyang ginawa at ang tanging ginawa niya lang ay yumakap sa akin na parang koala na para bang isa akong sanga ng puno na ayaw niyang bitawan. Nang matapos akong magluto ay doon lang niya ako binitawan dahil inutusan ko siyang ayusin na ang hapag kainan upang makakain na kami.

Pagkatapos kong ilatag lahat ng aking mga linuto ay tahimik kaming kumain pero nagtitinginan kami at ngumingiti sa bawat isa na para kaming mga baliw. Hanggang sa matapaos kaming kumain ay gano'n lang kami katahimik pero pansin naman na patay kami sa isa't isa. Siya na ang nag-alok na maghugas ng pinggan kaya hinayaan ko na lang siya.

Bumalik ako sa aking kwarto upang ayusin ang aking kama at nang makaligo na rin dahil nanglalagkit na ako lalo na sa gitna ng aking mga hita. Pero habang nag-aayos ako ay nakita kong nakakalat ang kanyang wallet sa aking kama at nang kunin ko ito ay nakita kong may sumisilip ditong litrato. Nang kunin ko ito ay nawala ang aking ngiti at para bang bumalik ako sa katotohanan na hindi nga pala siya sa akin dahil may litrato siya ng kanyang pamilya rito.

Ayaw kong masaktan lalo at ayaw kong maipaalala sa akin na hindi pala siya sa akin ng buo kaya naman binalik ko ito sa loob ng kanyang wallet. Linagay ko ito sa ibabaw ng study table ko kasabay ng pagtuloy kong ayusin ang aking kama. Nang matapos ay kumuha ako ng aking mga damit at tuwalya para maligo nang marinig kong pumasok siya sa kwarto.

Hindi ko siya liningon dahil hindi mawala sa utak ko iyong litratong nakita ko kanina. Walang sabi-sabi na dumiretso ako sa loob ng banyo at nagsimulang umilalim sa shower para maligo. Habang umaagos ang tubig sa aking mukha at katawan ay napapikit ako upang iwasan ang hindi maluha sa aking nakita kanina.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon