Chapter 9

63 3 0
                                    

Lucinda

Habang naglalakad ako papasok ng mall ay hindi masupil ang ngiti sa aking mga labi dahil sa aking ginawa kanina. Hindi ko naman talaga balak na halikan siya sa pisngi pero tuwing magkasama kasi kami ay wala na siyang ginawa kung hindi ang halikan ako. Natuwa lang ako sa reaksyon niya kanina dahil kapansin-pansin nga naman talaga ang pagkagulat niya at natutuwa ako.

Pagpasok ko sa nasabing mall ay pumunta ako sa sinabi ni Paris na pagkikitaan namin. Kaya naman agad na akong sumakay ng escalator habang palinga-linga ako sa aking paligid upang tignan kung nasaan na siya. Sakto ay nakita ko siyang nakatayo habang hawak ang kanyang cellphone. Napangiti ako at tinakbo ko ang distansya namin bago ko siya sinunggaban ng yakap na nagpagulat sa kanya.

"Aray! Grabe ka makayakap ha? Muntik ko pang mabitawan iyong cellphone ko." Sumimangot siya na akin ding ginaya.

"Ikaw naman. E sa na-miss nga kita kasi ilang araw na rin tayong hindi nagb-bonding noh. Ano tara na ba?" yaya ko pero napangiti lang siya ng makahulugan sa akin.

"Alam mo napapansin ko lang na ang blooming mo ngayon. Nadiligan ka na bata ulit kaya ang ganda ng kutis mo?" Pinalo ko naman siya sa kanyang braso na kanyang ikinatawa.

"Hindi ah! E ano naman kung blooming ako ngayon? Bawal na bang maging maganda?" tanong habang naglalakad na kami sa kung saan.

"Hmmm. Ang totoo niyan ay nakabili na ako ng regalo para kay Blade." Napakunot noo naman akong napatingin sa kanya.

"Ha? E bakit tayo nandito kung gano'n?" Ngumiti siya ng makahulugan muli bago isinukbit ang kanyang isang braso sa aking kamay.

"Ang totoo niyan ay gusto kitang ipakilala sa isang kaibigan ko at sigurado ako na magugustuhan mo siya. Naisip ko naman kasi na total ay wala ka rin lang namang boyfriend ay bakit hindi kita i-set up sa isang blind date." Halos lumaki ang aking mga mata at hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"What? P-Pero—"

"Speaking of, he's here."

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil nakita kong may kinakawayan na si Paris at nakita ko ang isang matangkad at gwapong lalaki na papalapit sa amin. May kasama ito pero kapansin-pansin na iyong matangkad ang balak i-blind date sa akin ni Paris. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ipinangako ko kay Clark na hindi ako makikipag-usap sa ibang lalaki.

Nang tuluyan na silang lumapit sa amin ay nakipagbeso-beso si Paris sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay napatingin sa akin ang matangkad na lalaki at agad akong nginitian na akin ding sinagot ng tipid na ngiti. Kung sakaling walang Clark sana ay baka sakaling pumayag ako sa blind date na ito lalo na at gwapo rin talaga itong matangkad na lalaki.

"Buti naman at nakapunta kayo. Akala ko kasi ay hindi mo na kami sisiputin. Big turn off pa man din iyon dito sa kaibigan ko," sabi ni Paris.

"Tss. Nonsense. Kailan ba ako umurong sa kahit ano'ng blind date na sinet up mo sa akin. Hindi naman ako tumatanggi sa grasya," sabi ng matangkad na lalaki sabay napatingin sa akin pero agad akong umiwas.

"Siya nga pala. Gusto kong ipakilala sa inyo iyong best friend ko. Lucinda si Kenneth at Jerome, Jerome at Kenneth si Lucinda," pakilala sa amin ni Paris sa isa't isa.

"Hi. Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Lucinda." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at nagulat pa ako na hinalikan niya ang aking kamay.

Kinilig si Paris pero naalibadbaran ako kaya agad kong binawi ang aking kamay sa kanyang hawak. Hindi ko alam kung napansin ito ni Kenneth para napansin ko ang pagtataka sa mga mata ni Paris.

"H-Hi," mailkling sabi ko sa kanila.

"Mukhang mahiyain pala iyong kaibigan mo Paris. Don't worry. I'm harmless." Gusto kong iikot ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon