Chapter 33

38 2 0
                                    

Lucinda

Habang kumakain kami ng almusal ay tanging ang mga kalansing lamang ng mga kubyertos at mga pinggan ang tanging naririnig namin. Walang nagsasalita sa amin maliban na lamang sa kambal na sinusubuan ng pagkain ni Angel ang maingay. Nang hindi ako makapagtimpi sa sobrang katahimikan ay ako na ang unang nagsalita.

"K-Kuya kailan kayo dumating?" tanong ko kay Kuya Earl na kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik.

Kadalasan kasi ay siya ang maingay at ang joker namin dahil sa palagi niyang pangungulit kay Kuya Lucifer.

"This morning," maikling sagot niya kaya naman napasimangot na lamang ako.

"Nasaan si Abby, kuya? Hindi ko yata siya nakitang nandito na kasama mo?" tanong ko.

"Work. Medyo abala siya ngayon kaya hindi siya nakasama at ayaw namang ipasama ni Papa Alessandro ang mga bata kaya naiwan din sila." Napatango naman ako.

Napatingin naman ako kay Angel at napangiti siya sa akin dahil naaala ko bigla iyong binulong niya sa akin kanina lang.

"Your brothers are so angry, so ask them to calm down, okay?"

Napatingin naman ako kay Papa at tumango na lang siya na parang sinasabi niya na hayaan ko na lang daw muna ang aking mga kuya. Hays. Ayaw kong humantong sa ganito dahil higit sa lahat ay gusto kong pamilya ko ang unang tumanggap sa lalaking mamahalin ko. At hindi ako natutuwa sa pinapakita nilang katahimikan ngayon sa akin.

"Kuya, g-galit ho ba kayo at hindi kayo nagsasalita ngayon?" direktang tanong ko sa kanila na siyang nagpatingin sa kanilang lahat sa akin.

"Hmm. Angry is not the right term for what we are feeling right now, Lucinda. I'm actually livid that I want to strangle someone's neck." Napalunok naman ako.

"Earl," sita naman ni kuya Lucifer sa kanya. "We've talked about this."

"But Lucy—"

"Shut up or I will call Abby this instant." Napabuga ng hangin si Kuya Earl at nanahimik na lang.

Napatingin naman ako kay Clark at ayaw ko na pinagkakaisahan nila siyang lahat lalo na at hindi naman niya ginusto ang nangyari. It's not his fault because I also have something to do for what happened to me.

"Kuya Earl, Kuya Lucifer, please don't be angry with Clark. Pumunta lang ho ba kayo rito para sumbatan si Clark sa nangyari sa akin? Dahil kung iyon lang ang gagawin niyo ay pwede na kayong umalis," inis kong sabi.

"Seriously?" tanong ni Kuya Earl. "You are protecting him? Kung hindi mo naaaalala ay siya lang naman ang muntik nang magpahamak sa iyo. Don't try to deny it because Tito told me everything already. And when I say everything, he told me your love story."

"Kung gano'n ay dapat maintindihan ninyo na hindi naman niya ginusto ang nangyari sa akin dahil kung tutuusin ay may kasalanan din naman ako roon. I immediately jumped into conclusion that's the reason why I'm here sitting on this wheelchair," paliwanag ko sa kanya.

"You jumped into conclusion because he never told you everything!" sigaw niya sa akin.

"Bakit? Gano'n ka rin naman noon kay Ate Abby 'di ba? Muntik mo nang hindi sabihin sa kanya na ikakasal ka na pala sa iba? Napatay rin naman ni Angel noon si mama pero napatawad din naman siya ni Kuya. Mas malala pa nga ang mga napagdaanan ninyo pero bakit wala akong karapatan na umibig?" Umiyak na ako.

"Lucinda. May mga bata," sita naman sa akin ni Kuya Lucifer.

Nagulat na lang kaming lahat nang paluin ni Papa ang lamesa kaya natahimik kaming lahat.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon