Chapter 35

32 0 0
                                    

Lucinda

Nang matapos ang tatlong araw naming pamamasyal sa Australia ni Paris ay nakabalik na nga kami kahapon dito sa Paris. Paglapag pa lang ng sinasakyan naming eroplano ay agad ko nang tinext si Clark na nakarating na kami. Nakuha na namin ang aming mga gamit at nakauwi na rin ako sa aking condo pero wala akong natanggap na kahit ni anong text o tawag mula sa kanya.

Noong una ay hindi ko na lamang ito pinansin dahil naisip ko na marahil ay abala siya o kaya ay may ginagawa siya. Pero lumipas ang isang araw ay hindi siya nagparamdam sa akin kaya noong una ay isinawalang bahala ko ito. Pero sa sumunod na araw ay wala pa rin hanggang sa umabot na ito ng isang linggo na aking ipinagtaka at halos maaligaga na ako.

Napa-paranoid na rin ako katitingin sa aking cellphone pero wala pa ring siyang text o tawag sa akin. Ayokong maging clingy pero may karapatan naman akong kulitin siya lalo na at magkasintahan naman na kami. Alam ko rin naman na wala siyang iba dahil sa lumipas na ilang buwan na naging kami ay ilang beses ko nang napatunayan na ako lang talaga ang babae sa buhay niya.

Pero nakapagtataka naman na kung kailan inaya na niya akong ikasal sa kanya ay saka siya parang kabute nanaman na bigla na lang mawawala. Sinubukan kong maging optimistiko pero hindi ko rin maiwasang mag-isip na baka may kinahaharap nanaman siyang problema. Kaya naman hinayaan ko na lamang at hihintayin ko na lamang siyang sumulpot nanaman na parang kabute sa harapan ko.

Abala ako ngayon na nag-e-edit ng aking mga vinideo noong nandoon kami sa Australia at sobra akong tutok sa aking ginagawa na hindi ko na napansin na may nakapasok na pala sa aking kwarto. Noong una ay nakaramdam lamang ako ng lamig kaya pagtingin ko sa aking bintana ay nagtaka ako kung bakit ito nakabukas gayong alam ko naman na isinara ko ito kanina. Marahil ay nakalimutan ko lang na nakabukas ito kaya naman tumayo ako upang isara ito.

Pagkasara ko nito ay gano'n na lamang ang gulat ko nang makita kong nakaupo sa aking kama si Clark at abalang kumakain ng ice cream. Napasigaw ako at halos alisin ko iyong isang tsinelas ko at ibinato ito sa kanya na agad namang tumama sa kanya.

"Aray! What the hell, chérie? Are you trying to make me as a beat-up husband?" Tumayo na siya at napabuga ako ng hangin dahil totoo ngang nandito siya.

"Pwede ba Clark sa susunod ay magsabi ka naman na pupunta ka rito para hindi ako kinakabahan at natatakot? Akala ko kung sino na iyong nakapasok sa kwarto ko." Yinakap niya ako ng sobrang higpit at na-miss ko siya kaya bumawi na rin ako ng yakap.

"I'm so sorry chérie for not contacting and showing up to you these past few days. Marami kasi akong inaasikaso ngayon kaya halos hindi ko na mahawakan ang aking cellphone. Are you angry?" tanong niya at napailing naman ako.

"Alam mo Clark sa lumipas na buwan at sa pang-iindyan mo sa akin ng ilang beses ay nasasanay na ako. Pero sana ay huwag mo ring dalasin dahil nag-aalala rin ako at hindi maganda na pinag-iisip mo na lang ako palagi." Sumimangot ako at napangiti naman siya sa akin sabay hinalikan ako sa aking noo.

"This is the reason why I love you so much because you are so understandable. Huwag kang mag-alala dahil oras na matapos ang inaasikaso ko ay hindi na ako mawawala sa paningin mo. Pangako." Linagpasan ko naman siya at bumalik na lamang ako sa aking ginagawa.

"Sasabihin mo ba sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko at pagtingin ko sa kanya ay bigla siyang natahimik. "I guess not," dismayadong sabi ko habang may ine-edit na sa aking mga video.

"Chérie..." Umupo siya sa gilid ng aking kama. "I know I've been keeping a lot of secrets to you, and I know you feel bad about me not telling it to you. But trust me when I say that this is for your own good, and I don't want to include you in my problems."

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon