Chapter 45

44 0 0
                                    

Clark

Nang makaalis sa aking harapan si Lucinda ay naikuyom ko ang aking kamay at naiinis ako sa aking sarili. Hanggang ngayon ay ayaw ko pa rin siyang idamay sa gulo ng aking pamilya at kung kinakailangan na itago ko ito sa kanya hanggang sa mamatay ako ay gagawin ko. Pero kung hindi ko naman ito sasabihin ay siya naman ang nagbabadyang mawala sa akin at hindi ko kakayanin iyon. Noong araw na malaman ko na kinidnap siya ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan.

FLASHBACK

Abala akong gumagawa ng paraan para lang mapaghiwalay silang dalawa ng Ian na iyon. Nang makita ko siyang pumasok sa condo ni Ian ay halos tawagin ko lahat ng santo at santa para lang pigilan ang aking sarili na huwag sumugod. Naiinis ako na bakit ang bilis lamang makalimot ni Lucinda habang ako ay palaging nakasunod lamang sa kanya saan man siya magpunta.

Sa inis ko ay umalis ako sa condo na iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Agad akong nagtawag ng taxi at sinabi ang address ng bahay ni Luke kung saan ako nakatira. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina ni Luke at agad na lumagok ng alak mula sa bote.

"Whoah! Sabihin mo lang kung ayaw mo nang pahalagahan ang atay mo dahil bibili ako ng maraming alak para sa iyo," rinig kong sabi ni Luke.

"Tsk! Bwisit! How can I make that Ian disappear?"

"Ian, who? Wait. Did you follow Lucinda again? Akala ko ba ay hiwalay na kayo? Bakit sinusundan mo ulit siya? Alam mo ba na mamaya sa ginagawa mo ay bigla siyang mapahamak?" tanong ni Luke at nagulo ko ang aking buhok.

"F*ck, f*ck, f*ck!" Binato ko ang hawak kong bote at gumawa ito ng ingay. "How can I leave her, assh*le? Nakita ko lang siyang pumasok sa loob ng condo ng Ian na iyon at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila roon sa loob. Tang*na! Ini-imagine ko pa lang ay para na akong mababaliw."

"Hays. Mas sinasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo, Clark," sabi niya na nagpailing sa akin.

"It's not that easy, bro. Kung ikaw ang nasa lugar ko ay baka sinugod mo na ang lalaking iyon." Napakamot siya sa kanyang ulo sabay lumapit sa akin.

"Saka mo na bawiin si Lucinda kapag ayos na ang problema mo. Huwag kang gumawa ng isang hakbang na maglalagay sa kanya sa bingit ng kapahamakan. Hayaan mo siyang lumapit sa iba sa ngayon pero kapag natapos naman ito ay pwede mo naman siyang bawiin anumang oras." Umiling ako.

"Hindi ko alam. Paano kung mahuli ako at malaman ko na lang na ikakasal na siya. Sh*t. Just thinking about it makes me so crazy. Mababaliw ako kapag napunta siya sa iba, Luke. I can't." Napahilamos ako sa aking mukha.

"Kaya nga mas maganda na bigyang pansin mo muna ang problema mo nang matapos na ito para makabalik ka na sa chérie mo." Napangisi ako sabay tinapik niya ang aking balikat.

Kinabukasan ay gano'n nga ang aking ginawa at gumawa ako ng plano na siguradong maghuhulog kay Enrique sa bitag. Kailangan kong tapusin ang bwisit na away na ito kung hindi ay mawawala sa akin si Lucinda. Nang hapon na iyon ay ayos na ang aking plano at kailangan ko na lamang tumawag ng back up para maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Papasok na sana ako sa bahay ni Luke nang biglang mag-ring ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Lucinda sa akin. Bigla akong nakaramdam ng excitement nang makita ko ang kanyang pangalan at umaasa ako na hindi rin siya nakatiis at babalikan niya ako. Agad ko itong sinagot pero nawala ang aking ngiti nang lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello?" sabi ng lalaki.

"Who the hell is this, and why are you holding Lucinda's phone?" galit kong tanong sa lalaking ito.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon