Chapter 26

35 0 0
                                    

Lucinda

Pagsapit ng hapon ay nakapag-isip-isip ako na sasama ako kay Paris tutal ay halos wala naman akong pupuntahan at dito lang ako sa bahay ng buong gabi kung sakali. Mabilis kong inilabas ang aking cellphone at dinial ang numero ni Paris upang sabihin sa kanya na sasama ako sa kanya. Makailang ring lamang ay sinagot niya ito at sinabi ko sa kanya ang aking pakay. Naging masaya siya sa naging desisyon ko kaya naman pagbaba ko ng aking cellphone ay agad na lamang akong naghanda para sa paglabas ko mamaya.

Pagdating ng gabi ay lumabas na ako ng aking condo upang pumunta sa baba at sakto namang nakita ko mula sa malayo ang kotse ni Paris. Pagtigil niya sa aking harapan ay napansin ko na hindi lang siya mag-isa sa loob ng kanyang kotse at nang tignan ko kung sino ang nasa back seat ay napangiti ako na makita si Kenneth. Kumaway siya sa akin sabay sumakay na ako sa loob ng kotse ni Paris at kinamusta si Kenneth.

Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami sa nasabing Elite bar at agad na pumasok dito. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawan dahil na-miss ko ang lumalabas sa gabi. Simula kasi noong naging kami ni Clark noon ay palagi lang akong nasa bahay dahil palagi lang nakatambay si Clark sa aking condo. Pagdating namin sa bar counter ay agad kaming umorder ng aming inumin habang nagpaalam si Paris na pupunta siya ng banyo.

"So? How are you? It's been months since I saw you," sabi ni Kenneth sabay inom ng alak.

"Grabe ka naman sa months. Siguro may isang buwan o dalawa lang naman pero para sagutin ko ang tanong mo ay ayos lang naman ako. Ikaw?" tanong ko sabay abot ng binibigay ng waiter sa akin.

Pinakita niya sa akin ang kanyang daliri at noong una ay hindi ko pa ito napansin pero napamaang ako nang makita ko ang wedding ring sa kanyang daliri. Napatalon ako sa tuwa at agad na yinakap siya sabay binati siya.

"Are you engaged? With whom?" masayang tanong ko sa kanya.

"Well, since I am bisexual like I told you before, I met this guy in a bar. Alam mo ba na magkaaway pa kami noong una kaming nagkita pero noong tumagal ay nagustuhan ko siya." Masaya akong tumango sa kanya.

"I'm happy for you, really. May I ask a question?"

"Sure."

"How do you do it?" Medyo naguluhan pa siya sa sinabi ko pero nang tumagal ay mukhang nakuha niya at magtawanan pa kaming dalawa.

"Oh...we're versatile, so it means it's either me or him on the top." Muli kaming nagtawanan.

"Okay, what did I miss?" Napatingin kaming dalawa kay Paris na galing sa banyo.

Nagtinginan lang kaming dalawa ni Kenneth at nagtawanan na lang habang pinipilit kami ni Paris na sabihin sa kanya kung ano ang na-miss niya. Umiling na lang kami at nagsimula na kaming uminom at mag-enjoy. Makalipas lamang ang isang oras ay lahat kami ay medyo tamado na at si Paris ay lasing na habang kami ni Kenneth ay medyo nasa tamang huwisyo pa.

"Let's dance!" sigaw ni Paris at nagsimula na siyang sumayaw sa gitnan habang pinapanuod at full support pa kami ni Kenneth sa kanya.

Maya-maya ay biglang nagpaalam si Kenneth sa akin na pupunta lamang siya sa banyo kaya naiwan tuloy akong mag-isa sa bar counter habang pinapanuod si Paris na sumayaw. Naiiling at natatawa na lang ako sa kabaliwan niya. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng buong bar at sa hindi malamang dahilan ay dumako ang aking mga mata sa second-floor ng bar.

Kung hindi ako nagkakamali ay dito ang mga VIP lalo na kung gusto mo lang uminom pero kung gusto mong sumayaw ay dito ka sa baba. Natulala ako nang parang may nakita akong pamilyar na mukha sa ikalawang palapag na nakatingin sa akin. Pero dahil sa may tama na ako ay hindi ko alam kung nananaginip lamang ako pero parang nakita ko roon si Clark.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon