Chapter 31

39 0 0
                                    

Lucinda

Naguguluahn ako sa sinabi ni Clark at hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa kanya na pati ang aking ama ay alam ang tungkol dito.

"T-Teka. Ulitin mo nga iyong sinabi mo," sabi ko.

"I'm not married. Never akong kinasal at hinding-hindi ako ikakasal dahil sa iyo ko lang gagawin ang bagay na iyon." Maang akong napatingin sa kanya.

"I-I can't understand. Ano'ng sinasabi mo na hindi ka kasal? Paano nangyari ang bagay na iyon gayong nitong mga nakaraang mga araw ay umaakto kang parang pamilyado kang tao?" tanong ko sa kanya.

"Because I need to act to make it believable."

"Pero paano iyong litratong nakita ko sa wallet mo o iyong nakalagay sa contacts mo na Honey? Are you telling me that all of those are part of your acting?" Tumango siya at halos masapo ko ang aking noo dahil biglang sumakit ito.

"Chérie? Ayos ka lang ba? Wait. Kukuha ako ng tubig. Ang mabuti pa ay huwag na muna natin itong pag-usapan hanggat hindi ka pa gumagaling." Inabutan niya ako ng baso ng tubig at agad ko naman itong ininom.

Pakiramdam ko ay para akong mahihimatay sa sinabi niya pero habang iniintindi ko ang kanyang sinasabi sa akin ay halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Pero ang unang naramdaman ko lalo na noong sinabi niya ang tungkol dito ay para akong linuko. Napatingin ako sa kanya at gusto kong magalit pero noong malaman ko na hindi siya kasal ay gano'n na lang ang aking galak na malamang akin lang pala siya.

"Ngayon ang pagkakataon na gusto kong magalit sa iyo dahil linuko niyo akong dalawa ni Papa." Napasimangot pa ako.

"Don't include your father because it's my plan. Ayaw ko lang kasi na may mangyari ulit sa iyo kaya natakot ako at ayaw ko nang itago ito sa iyo." Inirapan ko siya pero hinawakan lang niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Masaya akong malaman na hindi ka naman pala kasal at pamilyado pero nakakainis ka dahil pinaiyak mo ako. Nasaktan ako ng ilang buwan pagkatapos ay malalaman ko lang na single ka pa?" Pinalo ko siya pero imbes na magalit siya ay tinawanan lang niya ako.

"I'm sorry. Hindi na mauulit at sa pagkakataong ito talaga ay hindi na ito mauulit pa." Hinalikan niya ang aking mga kamay sabay napangiti sa akin.

Makalipas ang ilang oras ay nagkwentuhan at nagtawanan lang kami habang nakahiga na siya sa aking tabi at linalaro niya ang aking kamay at kung minsan ay nanakawan ako ng halik. Para akong nananaginip at sobrang galak ang aking nararamdaman ngayon dahil naging mas malambing pa siya. May ibubulong siya sa aking tenga sabay hahalikan ang aking pisngi pababa sa aking leeg.

"I miss you, chérie. If you know what I mean." Sinesenyas niya ang kanyang alaga sa pamamagitan ng pasulyap-sulyap niya rito na aking ikinatawa.

"But I'm injured. Gusto mo bang bumuka ulit ang mga tahi ko?"

"Of course not. We can just do some foreplay if you like." Napailing na lang ako sa kanya at akmang hahalikan niya ako nang makarinig kami ng tikhim.

Halos mapatalon siya sa aking kama nang makita niya ang aking ama na masamang nakatingin sa kanya. Pinipigilan ko naman ang matawa dahil para siyang bata na nahuli na may ginagawang masama dahil nakatungo siya.

"Ehem." Lumapit sa akin ang aking ama sabay may inabot sa akin na pagkain na galing sa fast food. "How are you feeling?" tanong niya.

"Fine. Hindi pa magaling ang sugat ko pero at least kahit papaano ay ayos na ito."

"I see. Well, the doctor said to have a lot of rest." May pagdidiin siya sa salitang rest sabay napatingin kay Clark na nakaupo na ngayon sa sofa at iwas ang tingin kay Papa.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon