Chapter 6

79 3 0
                                    

Lucinda

Abala ako ngayon na nag-iisip ng bago kong vlog dahil paubos na ang mga naiisip kong ideas sabay tapos ko na ring na-edit ang lahat ng mga pending na videos ko. Nakatutuwa lang dahil dumadami na ang aking followers at kahit sabihin mong nasa one hundred pa lang sila ay super thankful na ako. Hindi pa naman kasi gano'n kasikat at kaganda ang mga videos ko pero nagpapasalamat ako sa mga followers ko.

Habang nagmumuni-muni ako ay muntik pa akong matumba sa aking kinauupuan nang bigla na lang may kumatok sa aking bintana. Napatingin ako at halos gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong kumakaway doon si Clark. Maang akong napatingin sa kanya habang may hawak siyang mga bulaklak at chocolates.

Magugustuhan ko na sana ang kaso ay bigla akong natakot para sa kaligtasan niya dahil hindi biro ang taas ng gusali ng aking tinitirhang condo. Agad akong napatayo at dali-dali kong binuksan ang aking bintana at pinapasok siya na kinakabahan. Nang mapapasok ko siya ay agad akong humarap sa kanya.

"What the hell are you thinking? Hindi mo ba alam kung gaano kataas iyong inakyat mo? Paano kung wala ako rito sa loob ng kwarto ko at hindi kita napagbuksan? Paano kung nahulog ka at hindi ka agad nakakapit? At saka paano ka nakaakyat ng gano'ng kataas ha? Ano'ng akala mo ikaw si Spiderman?" sunod-sunod na tanong ko na halos nakalimutan ko na yatang huminga.

"Relax," sabi niya pero pinagpapalo ko siya.

"Ano'ng relax ha? Papatayin mo ako sa sobrang kaba. Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya at agad na lumabas ng aking kwarto habang nakasunod siya.

"Chérie, sorry na please? Hindi na iyon mauulit promise. Isu-surprise sana kita pero hindi ko naman alam na magugulat kita. Sorry na, please. Ito o nagdala pa man din ako ng mga bulaklak para sa iyo." Bigay niya sa akin at sa pagkakataong ito ay hindi ito bouquet kung hindi parang pinitas lang niya ito kung saan.

"Tse! At saka saan mo nanaman ninakaw itong bulaklak ha?" tanong ko sa kanya na nagpangisi sa kanya.

Napaikot na lang ang aking mga mata dahil paano na lang kung nahuli siya sa pagnanakaw niya ng mga bulaklak.

"Hindi ako tumatanggap ng nakaw," sabi ko sabay linagpasan siya.

"Nakaw? Chérie, hindi ko ito ninakaw dahil kung tutuusin ay papalitan ko naman iyon. Matagal nga lang tumubo." Napailing na lang ako sa kanya.

"Baliw ka na."

"Oo. Baliw na baliw na talaga ako para sa iyo na nagagawa kong magnakaw. Kaya tanggapin mo na please bago pa ako mapunta sa mental. Sige ka. Hindi mo na ako makikita kapag naikulong ako roon." Inikotan ko siya ng aking mga mata.

"E di mabuti." Sumimangot ako sabay pasok muli sa aking kwarto. "At sino'ng nagsabi sa iyo na papasok ka rin? Diyan ka lang sa salas at hintayin mo ako kung gusto mong tanggapin ko iyang mga bulaklak mo."

Para siyang maamong tupa na sumunod sa akin at agad ko naman sinara ang aking kwarto ng pabagsak. Linock ko na rin ito dahil mahirap na at baka bigla niya akong pasukin. Kinuha ko ang aking tuwalya at mabilis na pumasok sa aking banyo kung saan ay nagsimula na akong maligo.

Sinadya kong tagalan dahil gusto ko siyang mainip kahihintay sa akin at para na rin makita ko kung gaano kahab ang pasensya niya. Siguro ay halos isang oras ang tinagal ko sa loob ng banyo bago ako lumabas ng banyo at nagpalit ng damit. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya naisipan kong magluto ng almusal.

Pero paglabas ko ng aking kwarto ay napatigil ako nang makita ko siyang nakapikit nang nakaupo habang hawak-hawak pa rin niya iyong mga bulaklak at chocolate. Nagdahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at saka tinitigan ko ng matagal ang kanyang mukha at napangiti ako dahil ang tahimik niyang natutulog. He looks so tired, but he looks handsome at the same time.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon