Chapter 8

61 3 0
                                    

Clark

Nang matapos ang date namin ni Lucinda ay hinatid ko na siya sa kanyang condo at bago pa man din siya makalabas ng kotse ko ay muli ko siyang hinila. Nagtataka naman siya pero agad akong dumukwang upang halikan siya sa kanyang mga labi. Saglit lang dahil ayokong tumagal ito at baka maangkin ko siya ng wala sa oras.

Napangiti ako nang makita kong halos namumula nanaman ang kanyang mga pisngi tuwing hahalikan ko siya. Gustong-gusto ko tuwing nagbabago ang ekspresyon niya lalo na kapag namumula siya dahil alam kong ako ang dahilan ng pamumula niya. Hinayaan ko na siyang makalabas ng kotse ko dahil oras na nagtagal pa siya rito ay baka hindi na ako makapagpigil pa.

Nang mawala na siya sa aking paningin ay mabilis akong nagmaneho pauwi sa condo ng kaibigan ko. Hindi na ako kumuha ng sarili kong condo dahil masyado itong hassle lalo na at alam kung hindi naman ako magtatagal dito sa Paris. Pumunta lang ako rito para makapag-isip-isip dahil may pinagtataguan akong tao at ayaw kong makita niya ako.

Ilang taon ko na siyang pinagtataguan at nagpapasalamat naman ako na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako nakikita. Wala sana sa aking plano na manligaw ng kahit sino simula nang tumuntong ako rito dahil ayaw kong malaman nila kung nasaan ako. Pero noong gabing nakilala ko si Lucinda ay nagbago lahat ang aking pananaw at may kung ano'ng nagtutulak sa akin na ligawan siya.

Napapangiti na lang ako lalo na noong unang beses ko siyang makita at nang mahawakan ko ang katawan niya. Nang may mangyari sa amin ay hindi niya alam na ginalaw ko siyang muli kahit tulog pa siya dahil init na init noon ang aking katawan. Nang makapasok ako sa condo ng aking kaibigan ay naabutan ko siyang tumatawa sa pinanunuod niyang comedy.

"Oh dude. Napapansin ko na palagi kang lumalabas nitong mga nakaraang araw ah?" tanong niya pero dumiretso lang ako sa aking kwarto.

Habang nagpapalit ay hindi ko kasi ugali ang magsara ng pinto kaya naman narinig kong muli ang boses ni Luke habang nakahilig siya sa hamba ng aking pintuan.

"Hmm. Tell me. Are you seeing someone?" tanong niya.

"Something like that," sagot ko sabay suot ng aking damit pambahay sabay linagay sa basket ang aking damit.

Lumabas akong muli sa aking kwarto upang dumiretso sa kusina dahil gusto kong maglasing ngayon. Maglasing hindi dahil sa nasasaktan ako pero gusto kong maglasing para makapag-celebrate ako. Habang naglalagay ako ng alak sa aking baso ay humarap ako kay Luke na mukahng hinihintay ang aking paliwanag.

"I swear I will be discreet this time." Tinaasan niya ako ng kanyang kilay.

"Sigurado ka? Paano kung bigla ka nilang mahanap dito? Alalahanin mo na kaya kita pinayagan na tumira rito ay para magtago ka. Hindi iyong palagi kang naglalakwatsa. Isa pa paano kung bigla na lang may nakakita sa iyo e di pati iyong liniligawan mo napahamak." Bigla akong napatingin sa kanya ng masama.

"I won't let that happen. Dadaan muna sila sa akin bago nila masaktan si Lucinda."

"Wow!" sigaw niya. "Lucinda? Really? So? Are you serious with this woman?" Tumango ako at napailing naman siya sa akin. "Geez. Alam ko naman na kahit ano'ng sabi ko sa iyo ay hindi ka rin naman makikinig sa akin. Basta ingatan mo na lang ang sarili mo dahil ayaw ko rin na pati ako ay mapahamak."

Umalis na siya at iniwan naman niya akong umiinom pa rin ng alak dito. Napapangiti na lamang ako tuwing naaalala ko siya palagi lalo na kapag naiinis o namumula siya. Bigla akong natawa ng mahina nang maalala ko iyong ginawa niya na halos titigan na niya ako at nagkunwari akong natutulog kahit alam kong nakatitig lang siya sa akin. Nang sumapit ang gabi ay nagpahinga na ako dahil kailangan ko siya ulit bisitahin lalo na at nalaman kong may gusto na rin siya sa akin.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon