Chapter 46

46 0 0
                                    

Lucinda

Naiinis ako kay Clark dahil ayaw niya pa rin akong pagkatiwalaan at ayaw niya pa ring sabihin sa akin hanggang ngayon ang nangyayari sa kanya. Pwes kung ayaw niyang sabihin sa akin ay ako mismo ang maghahanap ng kasagutan sa lahat ng aking tanong at kung kinakailangan na bumalik ako kay Enrique ay gagawin ko. Kaya naman sa inis ko ay sinuot ko ang kanyang jacket at dahil bagong laba lang naman ang aking damit na aking ginamit noong dumating ako rito ay iyon ang sinuot ko.

Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at agad kong nakita si Tita Agatha na nagtatakang napatingin sa akin. Linapitan niya ako at tinanong niya kung saan daw ako pupunta. Sinabi ko naman na gusto ko lang magpahangin saglit at noong una ay alanganin pa siya pero sinabi ko na saglit lang ako. Tumango naman siya at mabilis niyang binuksan ang pinto kaya mabilis akong lumabas.

"Babalik ho ako, Tita." Tumango naman siya.

"Mag-iingat ka iha, ha? Huwag kang masyadong lalayo at hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito." Tumango ako.

Nang mawala na siya sa aking paningin ay kumaripas ako ng takbo at agad kong tinungo ang kakahuyan dahil naririnig ko ang mga sasakyan hindi malayo roon. Kailangan kong makalayo rito dahil ayaw naman akong sabihan ni Clark. Pero hindi pa lang ako masyadong nakalalayo ay narinig ko na ang sigaw ni Clark sa di kalayuan.

"Lucinda, come back here," sigaw niya.

Tumakbo ako palayo sa kanya at binilisan ko para hindi niya ako mahuli pero paglingon ko ay medyo malapit na siya sa akin. What? May lahi bang track and field ang lalaking ito at ang bilis niyang tumakbo lalo na at ang tirik pa man din ng daan dito.

"Chérie, please," sigaw niya.

"No! Ayoko sa iyo! Ayaw mong sabihin sa akin ang lahat pwes lalayas na lang ako at ako mismo ang maghahanap ng sagot sa mga katanungan ko!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Binilisan ko ang aking takbo at hindi ako lumingon para hindi ako bumagal pero paglingon ko ay nakita kong wala na siya sa aking likuran at marahil ay naiwala ko na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag habang habol ko ang aking hininga dahil sa bilis ng aking pagtakbo. Nang makabawi ako ng lakas ko ay tatakbo na sana ako pero nagulat na lang ako nang makita kong nasa harapan ko na siya.

Halos magulat ako at agad ko siyang nasipa sa kanyang paa kaya napaaray siya at tumakbo ako palayo pero nahuli niya agad ang aking kamay. Sinubukan kong makawala pero ang higpit ng pagkaka-hawak niya sa aking kamay kahit na namimilipit siya sa sakit sa aking sipa.

"Let go of me! Ano ba?" sigaw ko sa kanya.

Pero napasinghap ako nang bigla na lang niya akong hilain sabay binuhat na parang bigas at nagsimula na siyang maglakad. Pinagpapalo ko siya sa kanyang likod pero wala itong effect dahil mas malakas siya kaysa sa akin.

"Ibaba mo nga ako! Bwisit ka! Ayaw ko sa iyo!" Nagsimula na akong umiyak at naramdaman kong binaba niya sabay nag-aalalang tumingin sa akin.

"Chérie, please. Tahan na. May masakit ba sa iyo?" tanong niya pero umiling ako.

"Galit ako sa iyo!" Pinagpapalo ko siya sa kanyang dibdib pero hinayaan lang niya ako.

Nang mapagod ako ay tuluyan na akong umiyak sa kanyang dibdib sabay naramdaman ko na ang kanyang mahigpit na yakap sa akin. Nang tumigil ako kaiiyak ay pinahid niya ang aking luha sabay hinalikan ako sa aking noo.

"I'm sorry for everything, Lucinda. I'm just scared that once you know everything about me, you would leave me. I'm so sorry." Pinahid niyang muli ang aking mga luha habang nakatitig lang ako sa kanya.

"But it means that you don't trust me. Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin na hindi naman kita iiwan?" Malungkot siyang napangiti sa akin.

"But you already did, chérie. You broke up with me, remember? It pains me that you chose to go with Ian than wait for me." Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon