Special Chapter 1

71 0 0
                                    

Lucinda

Napuno ang tawanan ng aming bahay dahil sa paghahabulan ng aking ama at anak sa salas ng mansyon namin dito sa London. Ako naman ay abalang nagb-bake ng brownies dahil request ito ng aking anak. Katulad ko kasi ay namana niya sa akin ang pagkakaroon ng sweet tooth kaya naman nahihilig din siya sa matatamis. Binabantayan ko nga lang at baka bigla rin siyang magkaroon ng diabetes.

"Catch me, grandpa," rinig kong sabi ng aking anak habang hinahabol naman siya ng aking ama.

Maya-maya pa ay lumapit na si Papa sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig sabay linagok ito ng minsanan. Napailing na lang ako sabay natawa sa ginawa niya.

"Ano? Kaya pa ba, Dad?" tanong ko at napailing siya.

"Tumatanda na talaga ako at hindi na ako kasingbilis at kasinglakas noong kabataan ko iha. Hays. Masyadong makulit ang anak mo kaya nagtataka ako kung minsan kung kanino siya nagmana?" Natawa naman ako sa kanyang sinabi.

"Grandpa!" Napalingon kaming dalawa sa aking anak na babae na may hawak na bulate kaya naman agad akong naalarma.

"What the— Nessie. Where did you get that?" tanong ko sa kanya sabay kinuha sa kanya ang gumagalaw pang earthworm.

"I saw it from our backyard mommy. It's moving that's why I picked it up." Binuhat ko naman siya at agad na tinapat ang kanyang kamay sa ilalim ng gripo para makapaghugas siya.

"Anak, you shouldn't be touching anything that moves. Paano na lang kung ahas pala o kaya kahit na anong poisonous ang nakuha mo?" Nakita ko naman siyang napasimangot na parang sa ama niya.

Ang daming nagsasabi na kamukha ko ang batang ito pero halos lahat ng ugali ng ama niya ay nakuha niya. Hindi ito takot sa kahit na ano kaya hindi ko tuloy alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi. Sa lahat ng bata na nakilala ko ay si Nessie lang ang hindi takot na matulog mag-isa sa kanyang kwarto na nakapatay ang ilaw.

Samantalang ako noong bata ako ay halos katabi ko sila Mama at nakabukas pa ang ilaw dahil parang may nakatingin sa akin kapag nakapatay iyong ilaw. Hindi rin siya takot sa heights at kaya niyang pumatay ng ipis na hindi man lang ito tinatakbuhan. Hays. Minsan naiisip ko tuloy dapat pala hindi ko na lang pinaglihian ang asawa ko. Buong akala ko kasi ay magiging kamukha niya si Clark pero nagkamali ako dahil ugali ang nakuha niya.

Nang matapos na siyang maghugas ng kamay ay mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay nang marinig na niya ang sasakyan ng kanyang ama. Simula nang maikasal kami ay imbes na bumili kami ng sarili naming bahay ay iyong mansyon na lang namin sa London ang tinirhan namin. Binigay ito ni Papa sa amin dahil ngayon na may pamilya na raw kami ay gusto naman daw niya ang magretiro at mamasyal sa iba't ibang bansa.

Wala naman na daw kasi siya madalas dito sa bahay kaya naman imbes na mabakante ay sa amin na lang niya binigay. Nagustuhan ko rin naman dahil marami rin akong alaala rito na gusto kong ipamana sa aking anak oras na lumaki na siya. Pagtingin ko sa pinto ay agad na linuwa nito si Clark na gwapong-gwapo sa uniporme niya na parang sa Men in Black.

Sa tatlong taon naming kasal ay naninibago pa rin ako sa itsura niyang presentable at professional. Tuwing nakikita ko siyang nakasuot ng americana ay pakiramdam ko parang ang pangit ko kapag tumabi ako sa kanya. Nakita ko ring sumunod na pumasok sina Mama Agatha at Mama Honey pati ang mga kapatid ni Clark.

Sinundo niya kasi sila sa airport dahil gusto nilang mamasyal dito. Gusto rin nilang makita ang kanilang apo at pamangkin at para na rin sa nalalapit na birthday nitong anak namin. Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ni Papa pero agad kong napansin ang kakaibang ngiti niya kay Mama Honey. Oh well, wala na akong pakialam total ay matatanda naman na sila.

"Daddy!" sigaw ni Nessie habang tinataas niya ang kanyang dalawang kamay para magpabuhat kay Clark.

"Hello, my beautiful princess. Kumusta ang maganda kong anak?" sabi nito sabay hinalik-halikan ang kanyang matabang pisngi.

Lumapit naman siya sa akin sabay binigyan ako ng halik sa aking pisngi. Gano'n din ang ginawa sa akin nila Mama at mga kapatid niya at sabay-sabay na silang pumasok sa salas upang makipagkwentuhan kay Papa.

"Iyang anak mo Clark namulot nanaman ng earthworm sa bakuran. Kung anu-ano ang napupulot niya mamaya ahas na ang makuha niya." Natawa naman ng mahina si Clark sa aking sinabi.

"Is that true, baby?" baling niya kay Nessie at masayang tumango ito. "Very good."

"Clark!" sita ko sa kanya na ikinatawa nilang mag-ama.

Nakasimangot akong nagb-bake nang ibaba ni Clark si Nessie at sinabihang makipaglaro na muna sa kanyang mga tito at tita. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang pagyapos ni Clark sa akin mula s aking likuran sabay binigyan ako ng halik sa aking leeg.

"Hey, sorry na wifey."

"Hmp."

"Wifey, natutuwa lang kasi ako sa anak natin dahil ganyan na ganyan ako noong bata ako." O 'di ba? Sabi ko na nga nagmana sa ama e. "Naaalala ko lang kasi ang childhood ko sa anak natin dahil katulad niya noon ay mahilig din akong pumulot ng kung anu-ano. At totoo na may ahas nga rin akong pinulot noon at inalagaan ko pa. Ang kaso noong nakita ni mama ay agad niyang pinatay ito dahil poisonous daw ito."

"Hindi na ako magtataka kung bakit niya gagawin iyon," sagot ko naman.

"Hays. Tuturuan ko na lang siya kung ano iyong mga insekto na hindi niya pwedeng pulutin. Okay ba?" Napalingon naman ako sa kanya sabay tumango. "Now, where's my kiss, wifey? Na-miss kita lalo na hindi tayo nakapag-solo kagabi." Sinipsip niya ang balat sa aking balikat na nagbigay ng kiliti sa akin.

"Clark, stop it. Nandyan sila Mama at Papa at baka mamaya marinig nila tayo," sita ko sa kanya.

"Fine. Tonight? Isa pa sa tingin ko ay maganda yata na sundan na natin si Nessie total ay tatlong taon naman na siya bukas." Napailing na lang ako sa kanya habang napapangiti sa kakulitan niya.

"Oo na. Pumunta ka na roon at baka mamaya magtaka pa sila Mama kung ano ang ginagawa natin dito." Pagtataboy ko sa kanya.

"Sure. I love you, wifey." Paalam niya pero agad niyang pinisil ang aking pang-upo bago siya naglakad paalis.

Naiiling na lang akong napatingin sa kanya habang kagat niya pa ang ibabang labi niya paalis. Geez. Sa tingin ko ay kailangan ko ngang maghanda mamaya dahil mukhang mapapasabak ako.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon