Chapter 38

34 0 0
                                    

Lucinda

Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mukha pati na rin ang lungkot at sakit sa sinabi ko sa kanya. Alam ko na ngayon lang kami nagkita pagkatapos ng isang linggo pero nakapag-isip-isip na ako at ayoko nang maging ganito na lang kami palagi ni Clark. Natahimik siya saglit sa aking sinabi at nakita ko siyang napatungo at tahimik lang na umupo sa aking sofa. Sinundan ko siya at tumabi na rin ako sa kanyang tabi sabay humarap siya sa akin.

"To be honest, I already expected that you are going to do this. It just hurts that what I'm thinking before I came here became real." Napalunok ako. "And I totally understand if you wanted to end things with us."

"That's it?" tanong ko sa kanya. "Tatanggapin mo na lang ng gano'n gano'n lang ang pakikipaghiwalay ko sa iyo?"

Umiling naman siya. "Because I know that it's the best for us now. This is not easy for me, chérie."

"And you think this is easy for me? Sa tingin mo ba hindi ko rin pinag-isipan ito ng ilang araw at gabi bago ko sabihin sa iyo na tapos na tayo? Hindi ka man lang ba mag-e-explain sa akin kung bakit mo ako ikinulong sa sarili kong condo ng isang linggo?" naiinis kong tanong sa kanya.

Hinarap niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking mga kamay. "I did it for a perfect reason."

"Then tell it to me!" Tumayo ako. "Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit kailangan mong gawin ang dapat mong gawin."

"I...I can't, chérie. It's for your own good."

"Bulls*it! Noong hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa ikalawang asawa ng ama mo ay hindi ko tinanong kung bakit nanganganib ang kanilang buhay. Hindi ko tinanong sa iyo ang nangyayari kahit na kating-kati na akong malaman ang lahat. But I waited for you hoping that you would eventually tell everything to me.

"Pagkatapos ay iyong nangyari noong nakaraang linggo na halos wala ka man lang sinabi sa akin? You promised to tell me everything if I just cooperated, but you just kept quiet again. Now that I said that I wanted to break up with you, you just accepted it immediately. Like it's so easy for you to let go of our relationship." Nagsimula na akong maiyak.

"Chérie, look at me." Ikinulong niya ang aking mukha sa kanyang mga palad. "I know I've hurt you a lot, and I've put your life in danger. Pero kung ito ang isa sa paraan para lang malayo ka rin sa kapahamakan ay tatanggapin ko ang pakikipaghiwalay mo kahit masakit. Hindi sa tinatanggap ko ito ng maluwag sa puso ko pero alam kong ito lang ang tanging paraan para lang ma-protektahan kita."

Napaupo akong muli sa sofa at umiyak habang sapo ko ang aking noo nang maramdaman kong lumuhod si Clark sa aking harapan at pilit na inaalis ang aking kamay sa pagkakatakip sa aking mukha.

"Chérie? Do you trust me?" tanong niya at natawa ako ng pagak.

"I trust you, but I don't know if I can continue trusting you. I can't do this any longer. I don't want any secrets between us, and I don't want to live always questioning what's happening," umiiyak kong sabi at nakita ko ang pamamasa ng kanyang mga mata. "Clark, for the last time, and I am giving you another chance. Please tell me what's happening or I will really break up with you."

Natahimik siya at nakita kong napatungo siya na para bang sinasabi niya na hindi na magbabago ang kanyang desisyon. Napatango na lamang ako habang tumutulo ang aking luha sa aking mga mata at napapikit sabay takip ng aking palad sa aking mukha.

"Chérie..."

"Leave," sabi ko.

"But..."

"Please," sabi ko sa nanghihinang boses. "Kahit ito man lang ang pwede mong gawin para sa akin, Clark. Leave me, please. Because the longer you stay, you are inflicting more pain to me. At ayaw ko nang masaktan pa."

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon