Chapter 29

36 0 0
                                    

Clark

Pagdating ko sa New York noong araw na iyon ay sobra-sobra ang aking pag-aalala sa kanila dahil alam kong nanganganib ang kanilang mga buhay. Isa sila Tita Honey sa mga matalik na kaibigan ni Papa at sabihin na natin na nagkaroon ng pagkakamali noon ang aking ama. Isang pagkakamali na nagkaroon ng bunga pero ipinangako ko sa kanya na babantayan ko sila.

Nagkaroon ng dalawang anak si Papa kay Tita Honey at dahil sa gulo na iniwan ni Papa ay hindi nila alam na nagkaroon pa ito ng pangalawang pamilya. Pero dahil sa akin ay maaaring malagay sa bingit ang kanilang kamatayan kaya naman hanggat maaari ay gusto kong alagaan at bantayan sila. Kaya nang malaman ko ang ginawa ni Lucinda ay halos halo-halong kaba ang naramdaman ko at nagalit ako sa kanya.

Alam kong mali ang aking ginawa pero hindi na ako nakapag-isip ng tama lalo na at mga kapatid ko ang nasa bingit ng kamatayan ngayon. Noong araw na nag-date kami ni Lucinda ay iyon sana ang balik ko sa New York upang ipunta rin sila sa underground house kung saan naroon sila mama ngayon para maging ligtas din sila. Sinabi ko sa kanya na kitain nila ako sa dating tagpuan nila ni Papa at hinihintay ko ang tawag niya noong araw na iyon para makaalis ako agad.

Pero gano'n na lamang ang naramdaman kong kaba nang malaman ko na blinock ni Lucinda ang number ni Tita Honey. Hindi sila makakatawag sa akin kaya naman hindi na ako nakapag-isip ng tama at alam kong nataasan ko ng boses si Lucinda. Mali ang aking ginawa kaya oras na maayos ko ang gusto rito ay babalikan ko siya upang humingi ng tawad at suyuin siyang muli.

Pagdating ko sa airport ay mabilis akong pumunta sa bahay kung nasaan dapat kami magkikita nila Tita Honey. Nang nasa tapat na ako ng bahay ay kumatok ako at medyo kinabahan ako na walang sumasagot pero ipinakilala ko ang aking sarili. Nagbukas ang pinto at gano'n na lang ang naramdaman kong ginahawa nang malaman kong ayos lamang sila.

"Clark, salamat naman sa Diyos at dumating ka. Akala ko ay kung napaano ka na, iho. Pasok ka." Pumasok ako at agad na sumalubong as akin ang dalawa kong kapatid.

"Kuya!" Tumalon ang bunso at agad ko naman siyang binuhat sabay hinalikan sa kanyang noo na siyang ikinatawa niya.

"Pasensya na ho kung natagalan ako. May nangyari lang kaya hindi ako dumating sa oras na pinag-usapan natin." Baling ko kay Tita.

"Wala iyon. Nagpapasalamat nga kami sa iyo dahil kung tutuusin ay dapat hindi mo kami obligasyon dahil hindi mo naman kami kadugo. Pero nandito ka at tinutulungan kami kaya tatanawin ko itong utang na loob sa iyo, iho." Ngumiti ako.

"Wala ho iyon, Tita. Isa pa nangako ako noon sa aking ama at isa pa ay kapatid ko sila kaya hindi ko na lang pwedeng isawalang bahala iyon." Ngumiti siya at napatango.

"Handa na ho ba kayo nang maipunta ko na kayo sa safe house?" Tumango naman siya at binaba ko na ang bunso kong kapatid.

Tinulungan ko na silang ilabas ang kanilang mga gamit at nagpapasalamat ako na nakarating pa ako sa oras bago may mangyari sa kanila. Ayon kay Luke ay alam na nila na patay na ang aking ama at sinimulan nila akong hanapin. Simula ng araw na iyon ay nagtago ako at kung saan-saan ako nanirahan para lang hindi nila ako mahanap.

Pero magaling sila at malapit na nilang matunton kung nasaan ako at ang aking pamilya. Kaya naman habang hindi pa huli ang lahat ay uunahan ko na sila bago pa manganib ang kanilang mga buhay. Mas madali ko silang makahaharap oras na malaman ko na ligtas sila bago ako magpakita sa kanila.

Mga ilang oras din ang byahe namin at sinigurado ko na walang nakasunod sa amin o walang nakakabit na kahit na anong bug sa kotse ko o kahit na anong gamit namin. Pagdating namin sa safe house ay agad kong tinulungan sila Tita na ibaba ang kanilang mga gamit at sinabing mauna na sila sa loob. Kumatok ako ng tatlong beses at agad akong pinagbuksan ni Tito sabay pinapasok kami kung saan ay naabutan kong nanunuod ng sine ang aking ina at kapatid.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon