Chapter 5

75 3 0
                                    

Lucinda

Makalipas ang isang linggo matapos naming magkaroon ng date ni Clark at basta na lang niya akong inangkin sa isang abandonadong gusali ay hindi na muna ako nagparamdam sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay naiinis ako sa ginawa niya na para bang ang turing niya sa akin ay kaladkaring babae. Oo, aaminin ko naman na nakikipag-one night stand ako kung kani-kanino lang at ilang sandata na yata ang dumaan sa aking lagusan.

Pero hindi naman yata tama na pagmukhain niya akong pokpok porke binigay ko na sa kanya ang aking hiyas noh. Isa pa iyong mga naka-one night stand ko naman noon ay binalak ko naman talagang magkaroon ng mas malalim pang pagtitinginan pero iyon lang ay sila ang unang umaatras. Habang nag-e-edit ako ng aking mga videos ay nag-ring na lang ang aking doorbell kaya agad ko namang sinilip muna kung sino ito.

Nakita ko naman agad si Paris na kumakaway sa labas kaya agad ko siyang pinagbuksan. Akmang yayakapin ko na sana siya ay nakita ko na lang sa kanyang tabi si Clark na aking ikinagulat. Napatingin ako kay Paris kung bakit niya kasama ang hinayupak na ito pero agad siyang umiwas ng kanyang tingin. Pumasok na si Paris kasunod naman niya si Clark na hindi ko na sana papapasukin pero mabilis siyang humakbang at hinarang ang kanyang paa.

"Ano'ng ginagawa mo rito at bakit kailangan mo pa talagang idamay ang kaibigan ko sa mga kalukuhan mo?" nakahalukipkip na pagtatanong ko sa kanya.

"Gusto lang naman sana kitang bisitahin at wala nang iba. Masama ba iyon? Isa pa ay baka nakakalimutan mo na umaakyat ako ng ligaw?" Akmang sasagot ako ay napatingin kami kay Paris.

"Friend, dumaan lang ako para ibigay itong brownies na binake ni mama. Uhm, yayayain sana kitang lumabas pero mukhang busy ka." Napatingin pa siya kay Clark. "Anyway, alis na muna ako at babalikan na lang kita. Ba-bye."

Nagmamadali siyang lumabas ng aking condo at nang maiwan kaming dalawa ni Clark ay inirapan ko siya sabay mabilis akong pumasok sa aking kwarto. Nang isasara ko na ito ay napigilan ito ni Clark gamit ang kanyang kamay at pumasok na rin siya sa aking kwarto.

"Trespassing ang ginagawa mo." Ngumisi lang siya at agad ko naman siyang inirapan ulit. "Pwede ba lumayas ka na lang dahil hindi ka welcome dito at mas lalong hindi ka invited."

Linagpasan ko siya sabay nagtungo sa pinto at binuksan ito sabay sinabi na lumabas na siya. Napatingin naman siya sa akin at isinuksok sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. Naglakad siya patungo sa pinto kaya akala ko ay lalabas na siya pero nagulat ako nang itulak niya na lang ito sabay kinulong ako na nakaharang ang kanyang kamay sa aking gilid.

Bigla naman akong mapalunok nang magtama ang aming mga mata at mataman siyang nakatitig sa akin. Pero kahit na medyo kinakabahan ako ay hindi ako nagpatinag at sinubukang maging matatag kahit nangangatog na ang aking tuhod.

"Why are you not returning any of my calls or text?" tanong niya sa mababang boses.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Boyfriend ba kita? Tatay ko nga hindi ko tinatawagan, ikaw pa kaya na ilang araw ko pa lang nakikilala? Isa pa lumayo ka nga sa akin." Tulak ko sa kanya at agad ko namang naramdaman ang matigas niyang dibdib.

Pumunta ako sa kusina kung saan ay ramdam kong nakasunod lang siya sa akin. Kumuha ako ng maiinom na tubig at saka tinungga ito habang ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Nang matapos akong uminom ay nagulat ako pagharap ko dahil nasa harapan ko lang siya.

Matagal niya akong tinitigan at hindi ko alam kung bakit hindi ko mabawi ang tingin ko sa kanya. Akmang hahaplosin niya ang aking pisngi ay napatigil sa ere ang kanyang kamay at napabuntong hininga na lang siya sabay napaupo sa isang upuan na aking ipinagtaka. Napakunot naman ang aking noo sa mga wirdong kinikilos niya.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon