Chapter 48

39 0 0
                                    

Lucinda

Nang sumunod na araw ay nagising ako na napansin kong wala si Clark sa aking tabi. Mukhang maaga siyang nagising dahil pagtingin ko sa orasan ay nakita kong alas-sais pa lang ng umaga. Medyo inaantok pa ako at tinatamad pa akong bumangon kaya naman pinikit ko muna ang aking mga mata.

Sakto namang pagpikit ko ay narinig kong pumasok ng kwarto si Clark at imumulat ko na sana ang aking mga mata nang marinig ko na may kausap siya sa telepono. Hindi ko alam kung sino ito pero base sa boses niya ay importante ang kanilang pinag-uusapan. Nagkunwari akong nagtutulug-tulogan para marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kung sinuman sa kabilang linya.

"I know," rinig kong sabi niya. "Find him at all cost. I can't risk him kidnapping my fiancée again."

Gusto kong mapangiti sa sinabi niya dahil kung tutuusin ay hindi pa naman siya nag-aalok sa akin ng kasal. Pero sinasabi na niya sa lahat ng kakilala niya na fiancée niya ako kahit wala pa namang engagement ring sa daliri ko.

"Call me once you found him. Okay, good day." Pagkatapos ay tinapos na niya ang tawag.

Maya-maya ay narinig kong umalog ang kama at naamoy ko agad ang pine tree na amoy niya.

"I know you are awake, chérie." Doon na ako napangiti sabay nagmulat ng aking mga mata.

"You caught me," sabi ko sa kanya.

"Bakit sa tingin mo ba ay may kausap nanaman akong iba o baka mamaya ay may itago nanaman ba ako?" Napangiti ako sa paratang niya.

"Well, you tell me. Ikaw naman itong palaging may sikretong tinatago sa akin." Pinisil niya ang tungki ng aking ilong sabay hinalikan niya ako sa aking noo.

"I promise I won't keep any secrets to you already. Lahat ay sasabihin ko na sa iyo lalo at wala naman nang rason para may maitago ako sa iyo. Alam mo naman na ang lahat kaya wala nang kailangang i-sekreto pa," paliwanag niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya. Nagkatitigan lang kaming dalawa at nangungusap ang aming mga mata na para bang alam namin ang iniisip ng bawat isa. Unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa malapit nang sakupin ng kanyang mga labi ang aking mga labi.

Nagsimula na akong pumikit at hinihintay ko na lang na dumampi ang malambot niyang labi sa akin pero agad napawi iyon nang bigla na lamang tumunog ng malakas ang kanyang cellphone. Sa inis ay halos napadaing ako at inikotan ko siya ng aking mga mata.

"Sorry, chérie. I need to take this."

Tumayo na ako at naiinis ako na hindi man lang natuloy iyong halik niya. Gusto ko pa man ding malasahan iyong matamis niyang halik pero may nang-isturbo pa. Hmp. Matisod sana mamaya kung sinuman iyong tumawag sa kanya. Istorbo.

Pumasok na ako ng banyo at naghilamos at nagsipilyo. Pagkatapos ay naligo na rin ako dahil pakiramdam ko ay ang dumi ko pero alam ko namang hindi. Nang matapos akong maligo at lumabas na ako ng banyo ay nakita kong wala nanaman si Clark at hindi ko alam kung saan nanaman siya nagpunta.

At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay mabilis akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan ay naamoy ko agad ang mabangong linuluto ni Tita Agatha. Nang makita niya ako ay tumulong na ako na iayos ang hapag kainan para makakain na rin kami.

"Iha, Lucinda, pwede mo ba silang tawagin lahat at kakain na." Tumango naman ako at gano'n nga ang aking ginawa.

Nang matawag ko na sila lahat ay hinanap ko si Clark at nakita ko siyang may kausap sa may mini garden. Nakatalikod siya sa akin at hindi niya agad napansin na palapit na ako sa kanya. Akmang kukunin ko na sana ang kanyang atensyon nang marinig ko ang kanyang sinabi.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon