Chapter 28

34 0 0
                                    

Lucinda

Napatingin na lang ako sa papalayong likod ni Clark nang sabihin niya sa akin iyon at halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang mawala siya sa aking paningin ay halos mapaupo ako at doon na ako humagulgol na parang bata. Nakalapat ang aking palad sa aking dibdib nang makita ko ang galit sa mga mata ni Clark kanina na para bang wala akong kwenta para sa kanya.

Iyong poot at galit niya ay ramdam na ramdam ko kanina na para bang lahat ng pagmamahal na binigay niya sa akin ay nawalang lahat dahil lang sa pag-block ko sa numero ng kanyang asawa. Iyong paraan ng pagsumpa niya sa akin na kailan man ay hindi niya ako mapapatawad ay sobrang sakit na hindi lang tumagos sa aking dibdib kung hindi ay parang winawarak nito ang aking puso.

Nagsimula nang umulan pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak na para bang batang nawawala sa piling ng kanyang mga magulang. Buong lakas kong itinayo ang aking katawan kahit na nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa nangyari kanina. Napatingin ako sa tree house na pinatayo niya para sa aming dalawa pero pakiramdam ko ay isa na lamang itong bahay na walang halaga.

Kinuha ko ang aking mga gamit at kahit umuulan ng malakas ngayon ay wala akong pakialam pero gusto kong makaalis na rito sa lalong madaling panahon. Ayaw ko nang manatili pa rito ni isang segundo dahil naaalala ko lang ang mga sinabi ni Clark sa akin. Wala akong sasakyan pero tinakbo ang kakahuyan palabas hanggang sa marating ko ang kalsada.

Nagsimula akong maglakad at yinakap ko ang aking sarili habang bumubuhos ang malakas na ulan na para bang may bagyo. Habang naglalakad ako ay nakita ko na padilim ng padilim ang kalsadang dinaraanan ko at hindi ko na alam kung tama pa ba ang pinuntahan ko. Kahit na nasasaktan ako ngayon ay bigla naman akong nakaramdam ng takot na baka bigla na lang akong naligaw at hindi ko alam kung nasaan ako.

Habang naglalakad ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin pero hindi ko naman alam kung sino ito. O marahil ay guni-guni ko na lamang ito dahil hindi ko alam kung saan na ako napadpad sa kaiisip ko sa ginawa ni Clark kanina. Sa hindi malamang kadahilanan ay mabilis kong linabas ang aking cellphone at tinawagan ang number ni Clark para sana humingi ng tulong kahit na alam kong galit siya sa akin.

Nakailang ring na yata ako sa cellphone niya pero hindi niya ito sinasagot hanggang sa makaramdam ako ng parang may tumutusok sa akin sa likuran. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay pero ang cellphone ko ay nabitawan ko at hindi ko alam kung nasaan na dahil nabitawan ko ito.

"Give me your money," sabi ng isang lalaki sa aking likuran.

"W-Wala ho akong dalang pera, promise," sagot ko.

"What the hell are you talking about, you idiot! I said give me your money!" sigaw niya at agad kong binigay sa kanya ang aking bag na walang laman na kahit na ano. "Is this it?"

Pinaharap niya ako at nakita kong isang lalaki na nakasuot ng itim ang aking nakita habang hinahalungkat niya ang aking bag.

"S-Sir, please let me go. I-I don't have any money," sabi ko habang nakataas ang aking mga kamay.

"You have money. You are wearing good clothes. Give me your atm card or I will shoot you." Pananakot niya at umiling ako.

"I-I didn't bring m-my card. Please, I swear," umiiyak na sagot ko.

"Liar!"

Pagkatapos nun ay sa hindi malaman na dahilan ay sinipa ko siya sa kanyang paa dahilan para mabitawan niya ang hawak niyang baril at nagsimula akong tumakbo. Pero hindi pa lang ako nakalalayo ay nakarinig ako ng putok ng baril at pagtingin ko ay natamaan ang aking paa at nakita kong may tama rin ako sa aking balakang. Parang slow motion na napaluhod ako at iyong sabi nila na makikita mo ang nakaraan mo kapag mamamatay ka na ay iyon ang aking nakikita.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon