Chapter 14

48 1 0
                                    

Lucinda

Matapos naming pumunta sa tree house na pinagawa ni Clark ay sinama ko ito sa bago kong vlog at marami ako ulit naging mga comments at followers. Nang dahil din sa pagv-vlog ko ay marami nanaman akong naidadagdag sa aking ipon para naman hindi lang si Papa ang palaging nagbibigay sa akin ng pera. Simula nang naging kami ni Clark ay walang araw na hindi niya ako binibigyan ng bulaklak at chocolate.

Palagi rin siyang dumadaan sa aking bintana kaya naman hinahayaan ko na lamang itong nakabukas. Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto niyang umaakyat kaysa ang pumunta rito sa mismong pinto ko katulad ng isang normal na tao. Pero hindi rin naman siguro sweet ang gano'n kung nagkataon.

"Good morning, chérie." Nakaramdam ako ng halik sa aking mga labi habang nakapikit ako.

Napangiti naman ako dahil hindi ko na kailangang hulaan kung sino ito. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng chérie at hinahalikan ako kahit tulog ako. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napangiti ako nang ibigay niya sa akin ang isang bulaklak at isang bar ng sneakers.

"Hindi kaya ako magkaroon ng diabetes dahil sa kabibigay mo sa akin ng tsokolate?" tanong ko.

"Nope. Isa lang naman kada araw at isa pa maalaga ka naman sa katawan mo kaya imposibleng mangyari na magka-diabetes ka." Nagtawanan kaming dalawa sabay muli niya akong hinalikan sa aking mga labi. "Ano ang gagawin mo ngayon?" tanong niya.

"Hmm...Mag-eedit ako ng mga videos ko ngayon dahil marami pa akong hindi naaayos. Ikaw ba?" Umayos siya ng upo sa aking kama.

"Magpapaalam sana ako na baka mawala ako ng dalawang linggo." Napaupo ako agad dahil sa kanyang sinabi.

"Dalawang linggo? Bakit?" tanong ko.

"Oo. May kailangan lang kasi akong asikasuhin sa America lalo na at family matters ito na hindi ko kailangang ipagpaliban." Medyo nalungkot ako sa sinabi niya.

Paano kasi ay kaaayos lang namin pero aalis nanaman siya at mawawala pa siya ng sobrang tagal na halos abutin pa ito ng dalawang linggo. Hays. Paano na iyan? Napatingin naman ako sa kanya at kahit pilitin ko ang sumaya ay nalulungkot ako na hindi ko siya makikita ng gano'n katagal.

"Sama na lang ako sa iyo," biglang naibulalas ko at pareho pa kaming nagulat sa aking sinabi.

"What? Are you serious?" Tumango ako. "Pwede sana pero ayaw kitang idamay sa problema namin. Don't worry dahil babalik naman ako rito pagkatapos ng dalawang linggo chérie."

"Bakit ayaw mo akong isama? May kikitain ka bang iba roon at ayaw mong makita ko siya?" Pagmamaktol ko at imbes na seryosohin niya ako ay tinawanan lang niya ako. "Bakit ka ba tumatawa? May nakatatawa ba sa mga sinasabi ko ha?"

"Haha...Sorry, chérie. You are just so cute when you are jealous." Hinaplos niya ang aking pisngi sabay kinintalan ako ng halik sa aking noo. "Wala akong ibang babae dahil simula nang naging akin ka ay ikaw na lang palagi ang laman ng utak ko. Hindi na nga ako makatulog kaiisip sa iyo dahil hindi na ako makapaghintay ng umaga para lang makita ka."

"Promise?" Tumango siya sabay pinisil ang tungki ng aking ilong na aking ikinasimangot.

"I promise. Kaya habang wala ako ng dalawang linggo ay huwag na huwag kang makikipag-usap sa ibang lalaki, okay? Kahit wala ako rito ay makikita at makikita ko ang bawat galaw mo." Tinaasan ko naman siya ng aking kilay.

"Stalker." Ngumiti lang siya.

"Only to you, chérie. Lalo na sa Kenneth na iyon at Ian at kahit sa kaninong lalaki. Ayaw kong dumami pa lalo ang kaagaw ko sa iyo." Kinilig ako sa kanyang sinabi kaya naman tumango ako.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon