Chapter 19

46 1 0
                                    

Lucinda

Dalawang linggo pagkatapos ng nangyari sa amin ni Clark na kulang na lang yata ay kainin ng aking pagkababae ang kanyang junior ay bigla na lang akong dinatnan. Kaya naman pala nag-iinit ako noong mga oras na iyon. Nandito lang ako sa aking sofa nakahiga habang nanunuod ng tv nang lumabas mula sa aking kwarto si Clark.

Napaikot na lang ako ng aking mga mata dahil sigurado ako ay doon nanaman siya sa may bintana dumaan. Tinatamad akong tumayo ngayon dahil masakit ang aking puson at ang aking ulo na para bang sasabog na ito. Nang makita ako ni Clark na nakahiga ay agad siyang lumapit sa akin sabay binigyan ako ng halik sa aking mga labi.

"Good morning, chérie. Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon? May sakit ka ba?" Sabay pinakiramdaman naman niya ang aking noo.

"Hindi naman. Wala naman akong nararamdamang sakit pero talagang tinatamad lang akong bumangon. I'll be fine tomorrow." Ngumiti ako sa kanya.

"Did you already eat your breakfast?" tanong niya at umiling ako.

"Mamaya na lang. Wala pa ako sa mood kumain." Sumimangot naman siya.

"No. You are going to eat. Masama ang nalilipasan ng gutom. Sandali ang magluluto na lang ako para makakain na rin tayo total ay gutom na rin naman ako."

Nagluto siya ng pancake at waffles sabay kumuha ng cream sa aking ref at linagyan pa ito ng strawberry sa ibabaw. Napangiti naman ako nang makita ko ang gawa niya at bigla na lang akong nakaramdam ng gutom. Nagsubuan kami habang nagtatawanan hanggang sa maubos namin ang aming kinakain.

Pagkatapos ay natahimik na lang kami at magkatabing nahiga habang nanunuod ng telebisyon. Sana ganito na lang kami palagi ni Clark na wala nang inaalala pero syempre imposibleng mangyari iyon dahil wala namang perpektong relasyon. Maya-maya ay narinig naming nag-ring ang aking cellphone at pagtingin ko ay nakita kong tumatawag ang aking ama. Tumayo ako sabay sinagot ang tawag ng aking ama sa may kusina na hindi naririnig ni Clark.

"Hello, Dad?"

"Anak, kumusta ka na? Nami-miss ka na namin dito. Nakita mo ba sila Angel noong minsan diyan?"

"Opo. Pasensya na kung hindi na po ako nakadadalaw sa inyo. Pero siguro sa susunod na linggo ay lilipad ako papunta ng London." Napatingin ako kay Clark na nanunuod ng telebisyon. "Uhm, at saka po may ipakikilala sana ako sa inyo."

"Sakto dahil oras na dumating ka rito ay may ipakikilala rin sana ako sa iyo. Basta sabihin mo na lang sa akin kung kailan ang dating mo para masabihan ko na rin siya."

"Sige po. Walang problema."

"I have to go. May meeting pa kasi ako at tinawagan lang kita dahil nami-miss ko na rin naman ang bunso ko."

Napangiti ako sabay pinatay na ang tawag niya at bumalik na umupo sa tabi ni Clark. Nakangiti ako sa kanya kaya naman nagtataka siyang napatingin sa akin.

"Let's go to London next week."

"London? Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong niya.

"Ipakikilala kita kay Papa bilang nobyo ko. Huwag kang mag-alala at mabait iyon at hindi rin siya judgemental kaya sigurado akong matatanggap ka niya," sagot ko.

Tinitigan lang niya ako ng matagal sabay hinawa ang buhok na tumatabing sa aking mukha sabay inakbayan ako. Inihilig ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib sabay tumingala sa kanya dahil bigla na lang siyang naging tahimik.

"What's wrong? Ayaw mo ba na ipakilala kita kay Papa?" Umiling siya na nakangiti.

"Hindi naman sa gano'n pero natutuwa lang ako na gusto mo akong ipakilala sa tatay mo. Bigla tuloy akong kinabahan dahil hindi ko pa man din pormal na linigawan ka." Napangiwi ako bigla dahil naalala ko nga pala na ayaw ni Papa ng pre-marital sex.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon