Chapter 15

50 2 0
                                    

Clark

Nandito na ako ngayon sa airport upang bumalik sa America at puntahan ang aking pamilya na naroon. Kanina pa ako nagpaalam kay Lucinda at natutuwa ako dahil halos ayaw na niya akong paalisin kanina. Tinanong ko nga siya kung gusto niya bang sumama sa akin dito sa airport para ihatid niya ako ay humindi siya.

Baka raw kasi lalo lang siyang mangulila at baka hindi na niya ako pasakayin ng airport na nagpangiti sa akin. Naiiling na lang ako tuwing naaalala ko kung paano siya umiyak kanina na para bang batang iiwan ng kanyang mga magulang. She's just so cute and beautiful at the same time.

Nang maitawag na ang flight ko ay agad ko nang binitbit ang aking bag papunta sa eroplanong sasakyan namin. Pagsakay ko sa loob ng eroplano ay mabilis kong hinanap ang aking upuan at sinigurado ko ring nakasuot ang aking sombrero at nang walang makakilala sa akin. Pagkaupo ko ay linabas ko ang aking cellphone at nakita ko ang text sa akin ni Lucinda na nami-miss niya na ako.

Napangiti na lang ako at mabilis siyang rineplyan saka ko itinago ang aking cellphone sa bulsa ng aking jacket. Nang mapuno na ang eroplano ay agad na itong umandar at lumipad sa himpapawid. Itinulog ko na muna total ay kulang-kulang mga walong oras bago ako makarating ng New York.

Nang malapit nang mag-landing ang eroplano ay nagising na ako at agad na gumising. Kinuha ko ang aking mga gamit at lumabas na ako ng airport at mabilis na kumuha ng taxi pauwi sa bahay ng aking pamilya. Wala pang trenta minuto ay nakarating na ako sa aming bahay at agad akong nag-doorbell. Pagbukas ng gate ay bumungad sa akin ang kapatid kong babae at mabilis akong yinakap sabay ginulo ko naman ang kanyang buhok.

"Mama! Nandito na po si kuya!" sigaw niya habang papasok kami ng aming bahay.

Lumabas si Mama mula sa kusina at nang makita niya ako ay ngumiti siya at mabilis akong hinagkan sa magkabilaan kong pisngi.

"Glad you are here, iho. Akala ko ay hindi ka na darating kaya naman sobra na ang pag-aalala ko," sabi niya.

"Kuya!" Napatingin naman ako sa bunso naming lalaki na tumatakbo na pababa ng hagdan at nang makalapit sa akin ay mabilis ko itong binuhat. "I miss you so much, kuya. Ate and Mama won't let me go outside the house because they said it's dangerous."

"It's for your own safety kiddo." Binaba ko siya at mabilis na tumakbo palapit sa kanyang ate.

Napatingin naman ako kay mama at agad kong nahalata ang pag-aalala sa maganda niyang mukha. Ang tatay ko ay may lahing amerikano kaya naman dito sila nagkakilala noon ni Mama noong naging isang waiter si mama sa isang coffee shop. Dito na sila bumuo ng pamilya kung saan ay nagkaroon sila ng tatlong anak.

Ako ang panganay at ang aking kapatid na babae na si Charlotte na edad dalawampu't apat ay ang pangalawa. Si Noah naman ang aming bunso na lalaki ay nasa edad na sampu. Malayo na ang agwat ni Charlotte at Noah dahil walang balak na magkaroon noon nila mama ng anak.

Pero sa hindi inaasahan ay naging menopausal baby si Noah kaya super layo ng agwat niya sa amin. Ang aking ama naman ay namatay na dahil sa isang aksidente noon sa kanyang trabaho. Kaya naman ang tanging tumaguyod sa aming pamilya ay ang aking ina at ang mga kapatid ni Papa.

Nandito rin sila dahil halos magkaka-kapit bahay kaming lahat dito. Simula nang sundan ko ang yapak ng aking ama ay nahiwalay ako sa aking pamilya dahil kung saan-saan nila ako tinatapon. Pero nitong mga nakaraang buwan ay kinailangan kong makiusap sa aking boss na kung maaari ay magtrabaho ako pero kasabay nito ay magtago rin ako.

Pumayag naman siya kaya ito kahit papaano nagpakalayo-layo ako para hindi ako mahanap ng naghahanap sa amin. Pero nakatanggap ako ng tawag mula sa aking ina noong isang araw na may nangyari raw na aksidente kaya mabilis akong pumunta rito. At ito na nga at nakarating na ako at kahit na masaya sila na makita ako ay alam kong panandalian lamang ito.

My Boyfriend's Vendetta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon