Mata - 1

74 4 0
                                    

PAGKALIPAS ng dalawang taon, isa ako sa mga nakatanggap ng cornea donor. At ngayon ay apat na buwan na ang nakalipas matapos ang aking eye surgery.

Dr. Baldemor V. Dela Rama is a certified Ophthalmologist. As an eye doctor, his work focuses on correcting vision problems of his patients, treating eye diseases, performing eye surgery and prescribing and fitting eyeglasses and contact lenses.

Ayon kay Dr. Dela Rama, taga - Laguna raw ang aking naging cornea donor. Si Leslie Suarez. Kaya naman naroon ako ngayon sa  Laguna, upang personal na magpasalamat sa lola ni Leslie. Dahil ako ang pinili niyang mabigyan ng mga cornea ng apo nito.

Nang makababa ako ng bus ay agad kong natanaw ang isang restaurant. Kanina pa ako nagugutom, apat na oras din ang naging biyahe ko mula Cavite to Laguna. Sinipat ko ang suot kong relo. Pasado alas-singko na ng hapon.

Papasok pa lang ako sa restaurant nang makatanggap ako ng tawag mula sa aking ina. She asked if I had arrived in Laguna. Naka-book na rin ako ng two days sa isang hotel na aking tutuluyan.

"Can I get your order, ma'am?"

Nagulat ako, tutok na tutok kasi ang mga mata ko sa hawak na menu. Nag-angat ako ng mukha at nakangiting hinarap ang waitress. Habang sinasabi niya ang kanyang order ay tumatango naman ang waitress habang nagsusulat sa hawak nitong order pad.

"Can you wait 15 to 20 minutes, ma'am?"

"Yes," mabilis kong tugon. Gusto ko rin kasing magpahinga muna at napagod ako sa biyahe.

Nang umalis na sa harapan ko ang waitress ay nakangiting iginala ko ang paningin sa loob ng restaurant. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakakita na ulit ako.

Habang naghihintay ng aking pagkain ay tinawagan ko muna si Mama. Sampung minuto rin kaming nag-usap.

"Ma, tatawagan na lang kita mamaya. Kakain na po muna ako. Bye, I love you!" Palapit na kasi sa table ko ang waitress.

"Mag-iingat ka d'yan anak, ha?"

"Yes, Ma." In-end call ko na ang tawag. Lalo akong nagutom nang malanghap ko ang nasarap na amoy ng pagkain.

"Enjoy your meal, ma'am."

"Thank you."

Patapos na akong kumain nang napansin ko ang isang lalaki na pumasok sa restaurant. Hula ko, nasa middle age na ito. Medyo mahaba ang magulong buhok, matalim ang mga mata kung tumingin, at tila nakainom ng alak.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kilala ko ang lalaki gayong ngayon pa lang ako nakarating dito sa Laguna? nalilito kong tanong sa sarili.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Ngunit hindi ko maiwasan tingnan ang lalaki. Paulit-ulit na bumabalik ang tingin ko rito. Napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata. Para akong napaso. Nakaramdam din ako ng takot sa klase ng tingin nito sa akin.

"May problema ba, ma'am?"

Napapitlag ako sa gulat. Hindi ko kasi napansin ang paglapit sa 'kin ng waitress.

"Ha? W-wala. Thank you." Nginitian ko ito. Marahil ay napansin rin ng waitress ang masamang tingin sa 'kin ng lalaki.

Nang makaalis ang waitress ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Naipikit ko ang mga mata dahil natutukso na naman akong sulyapan ang lalaki. Alam ko sa sarili na hindi ko siya kilala. Ngunit sa aking paningin, tila matagal ko na siyang nakita. Pero paano mangyayari 'yon, taga-Cavite ako? Mahigit dalawang taon din akong nakakulong lang sa aking kwarto.

Uminom ako ng tubig. Nakagat ko ang ibabang labi ko bago pailalim na sinulyapan ang kinaroroonan ng lalaki. Napatda ako dahil wala na ito sa table na inuokopa nito.

Nasaan siya?

"Ako ba ang hinahanap mo, miss?"

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang malagong na boses ng isang lalaki. Napalingon ako sa aking tabi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ito. Ang lalaking kanina ko pa palihim na tinitingnan ay nakaupo na sa aking tabi. Kinuha nito ang baso kong may laman pang tubig at ininom.

"Kanina ko pa napansin na tinititigan mo ako," sabi nitong galit ang tono ng boses. Namumula ang kanyang mga mata at nanlilisik na tumingin sa aking mga mata. "Sa lahat ng ayaw ko ay ang tinititigan ako. Dahil pakiramdam ko ay papatayin ako."

Napalunok ako. Nang sambitin niya ang salitang "papatayin" biglang may kabang bumundol sa aking dibdib.

"P-paumanhin po," kandautal kong simula. "Gusto ko lang kasi makasiguro kung nakita na ba kita sa aming lugar dahil tila kilala kita. Kilala ho ba kita?"

Ngumisi ito. Napasiksik ako sa inuupuan kong silya.

"Niloloko mo ba ako, ha, babae?"

Umiling ako. "Pasensya na ho talaga."

Nakahinga lang ako nang maluwang nang may lumapit sa 'min na dalawang waiter. Pinalis ng mga ito ang lalaking nakaupo sa aking tabi.

"Miss," tawag ko sa isang waitress. "Babayaran ko na ang aking kinain."

Nang makalabas ako ng restaurant ay luminga-linga ako sa paligid. Natatakot ako na baka nag-aabang sa 'kin sa labas ng restaurant ang lalaki.

Nag-abang ako ng jeep na masasakyan. Hindi naman nagtagal ay may humintong jeep sa harapan ko. Nagpahatid ako sa Snow Hotel. Sampung minuto lang ang lumipas ay nasa tapat na ako ng hotel.

Ngunit bago pa ako makarating sa entrance ng hotel ay may humila sa backpack ko. Sinubukan kong sumigaw pero nalunod lang ang boses ko sa aking lalamunan, dahil may tumakip na panyo sa aking ilong at bibig. Hanggang sa unti-unti na akong manghina at balutin ng karimlan.

MASAKIT ang ulo ko nang ako'y magising. Naramdaman kong may pumipigil sa 'kin na kumilos. Binalot ng takot ang buo kong katawan nang maalala ang nangyari sa 'kin sa tapat ng snow hotel. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, doon ko napagtantong nakagapos ang mga iyon.

"Mabuti naman at nagising ka na." Nakilala ko ang boses. Ang lalaki sa restaurant!

"Ano'ng gagawin mo sa 'kin?" naluluhang tanong ko. Lumapit siya sa 'kin at pinaupo ako sa ibabaw ng kama. Takot na takot ako at nanginginig ang aking mga kalamnan.

Naalala ko ang aking mga magulang. Tiyak na mag-aalala ang mga ito sa 'kin kapag hindi ako na-contact. Hinagilap ng aking mga mata ang backpack, naroon ang ang aking cellphone. Kailangan kong makuha ang cellphone ko para makahingi ng tulong. Nakita ko iyon na nakapatong sa isang silya.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon