Beauty Is In the Eye Of The Beholder

33 3 0
                                    

Minsang ipinagmamalaki ni Devi Mori ang kanyang hitsura. Binalot ng kayabangan dahil sa gandang panlabas na meron siya.

Ngunit nagbago ang lahat sa kanya nang pakiramdam niya ay nawala ang kanyang itsura. Kaya naman inimbitahan niya ang isang sikat na cosmetic surgeon sa kanyang tahanan para tingnan kung mababago ba nito ang kanyang mukha.

Sa ngayon ay nahihiya siya kaya itinatago niya ang mukha gamit ang iba't ibang face cream at lotion. Ngunit malapit nang matuklasan ng doktor ang nakakatakot na katotohanan.

BILANG isang cosmetic surgeon, hindi madalas bumisita sa mga pasyente sa bahay si Dr. Sarah Santos. Pero desperado si Devi sa telepono kaya pinagbigyan ng doktor ang dalaga. Sinabi ng dalaga na hindi siya aalis ng bahay hangga't hindi nareresolba ang problema sa kanyang mukha.

Walang ideya ang manggagamot sa kung ano ang makikita.

Nilibot ng mga mata ni Dr. Santos ang kabuuan sa loob ng kwarto ni Devi. Nakita nito ang iba't ibang larawan ng isang magandang babae. Iniisip nito na 'yon ang pasyente.

Sa isang madilim na sulok ng silid ay nakita ng doktor ang isang babae, nakatalikod ito. Natatakot makita ang mukha.

Ano ang itsura ng mukha niya ngayon at kung bakit siya tumalikod sa akin? tanong sa isipan ni Dr. Santos. Dinampot nito ang isang picture frame na nasa wall shelf. "Ikaw ba 'to?"

"It used to be. But that person doesn't exist anymore," garalgal ang boses ang boses na sagot ni Devi.

"Well, what happened? Naaksidente ka ba?"

"H-hindi. Ang nangyari sa aking mukha ay hindi dahil sa aksidente. This was done to me on purpose."

Ibinalik ng doktor ang picture frame sa pinaglalagyan nito. Umupo ito sa isang silya. "Pwede ko bang malaman kung ano ang kwento sa likod ng nangyari sa iyong mukha? Handa akong makinig."

"Ang araw na iyon ay magiging isang espesyal na okasyon para sa akin. Kaya naman pumunta ako sa isang beauty salon na pagmamay-ari ni Miss Silvia Helle." Gumalaw ang magkabilang balikat ni Devi, palatandaang humihikbi ang dalaga. "I-ito ang nangyari nang araw na 'yon..."

Undying Classic Beauty Salon.

Maganda, sopistikada, sexy at may magandang trabaho-'yan si Devi Mori. Isa siyang sumisikat na modelo ngayon sa bansa.

Maagang nagising nang araw na 'yon si Devi. Gusto niyang pumunta sa isang beauty salon. Maganda siya, 'yon ang madalas niyang marinig sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Syempre, alagang beauty salon! ito ang madalas niyang sagot.

Sa isang linggo, apat na beses siya kung pumunta sa isang beauty salon para magpa-vampire facial.

Ngayon ko lang nakita ang beauty salon na 'to, ah?

Binasa niya muna ang nakapaskil sa labas ng salon kung ano ang package offer.

Mura at mukhang maganda. Masubukan nga!

"Hi, magandang araw po, ma'am!" agad na bati kay Devi ng isang staff ng salon.

Gumanti naman ng bati si Devi sa babae. Iginiya siya nito sa bakanteng upuan.

"Magandang araw, ma'am!" Isang magandang babae ang lumapit sa kanya. Tila biglang nahiya ang pores niya sa sobrang kinis ng mukha nito. "I'm Silvia Helle, the owner of this salon. Have you chosen anything from our beauty package offer?"

Oh, no wonders kaya siya pretty. She owns the salon! sa isip ay sambit ni Devi.

"Hindi pa," pag-amin niya. Bahagya siyang nagulat nang haplusin ng babae ang kanyang mukha.

"You're beautiful, ma'am. Almost perfect. Kailangan niyo lang siguro ng deep cleansing to remove the invisible dirt."

"I want perfect, not almost." Nginitian niya ito. "Ako nga pala si Devi Mori. Stressed ako noong nakaraang araw dahil sa pag-aasikaso sa aking nalalapit na kasal. Gusto kong ma-relax ang aking mukha."

"Oh, ikakasal ka na pala, ma'am. Congratulations!"

"Thank you!"

"Sige, ma'am. Ako po ang bahala sa inyo. Sisiguraduhin kong kayo ang pinakamagandang bride na ikakasal ngayong taon."

"Gano'n ba? Do it."

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang babae. Una nitong pinakialaman ang kilay niya. "Ipikit mo ang iyong mga mata."

"Huwag mo masyadong bawasan ang aking mga kilay."

"I won't."

"My eyes are among my best features," pagyayabang pa ni Devi.

"Sila ay salamin sa kaluluwa ng isang tao," ani Silvia na tinutukoy ay ang mga mata.

"Talaga?"

"Yes."

"Ang aking magandang mukha ang sumasalamin sa aking kaluluwa." Humugot ng isang malalim ng hininga si Devi. "Ito ang unang beses na nakapasok ako sa inyong salon. Inaasahan kong maganda ang serbisyo ninyo sa mga customer."

Hindi na sumagot si Silvia. Inalalayan nitong muling ilapat ni Devi ang likod sa armchair.

Isinalpak ni Devi sa tainga ang AirPods wireless upang makinig ng music. Pumikit siya. Nang sinimulan na ng babae ang pagmasahe sa kanyang noo, pababa sa magkabilang pisngi, bigla siyang nakaramdam ng antok. Magaan kasi ang kamay nito.

"Ma'am Silvia," anang isang babaeng staff ng salon. "Ako na po ang bahala kay ma'am. Magpahinga na lang po kayo."

Kahit may nakasalpak na Airpods sa tainga niya, sumuot pa rin sa kanyang pandinig ang sinabi ng babae. Idinilat niya ang mga mata.

"Impakta!" Totoong kinilabutan siya nang makita ang babae. Puro kasi butlig ang mukha nito. Butlig na hindi niya matiyak kung pimples ba. Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Dito ka nagtatrabaho sa salon na ito?"

"Y-yes po, ma'am." Yumuko ang babae. Halatang napahiya ito sa tinuran ni Devi. "Ako po ang assistant ni Ma'am Silvia. Ako na po ang bahala sa inyo."

"Excuse me?" tila diring-diri na reaksyon niya. "Sa pangit mong 'yan, hindi ko hahayaang madampian ng iyong kamay ang aking mukha. Tiyak, nakakahawa ang nakakadiring mga butlig sa iyong mukha. Ayokong maging kasing pangit mo. Alis!"

Kinausap naman ni Silvia ang staff ng salon.

Nang makita ni Devi ang pagtalikod ng tauhan ng salon ay muli siyang pumikit.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon