Lilith 1

167 7 0
                                    

TILA mansion ang bahay ng mga magulang ni Laura. Medyo may kalumaan na pero hindi pa rin maitago ang magandang disenyo ng bahay. Kapansin-pansin ang mga antigong kagamitan sa maluwag na sala. Umalis ang parents ni Laura kaya mag-sleepover sila roon para samahan ang kaibigan.

"Ang ganda ng bahay n'yo, Laura!" humahangang bulalas ni Clarita.

"Maganda nga, puro antigo naman ang aming mga kagamitan. Honestly, I feel like there are evil spirits living in antiques."

Agad napako ang paningin ni Sheryl sa isang manika. Nakasuot 'yon ng bestidang itim. Agaw-pansin ang laki nito. 

"Laura, saan mo nabili ang manikang 'yan?" Itinuro ni Sheryl ang manikang nakatayo sa ibabaw ng TV Divider.

"Hindi sa 'kin 'yan. Ang sabi ni daddy, manika pa raw 'yan ng kanyang Lola Candida." 

"Talaga?" singit ni Clarita, tinabig pa si Laura. "This is a vintage bisque doll!"

"'Wag!" pigil ni Laura kay Clarita nang akmang dadamputin nito ang manika. 

"Gusto ko lang sana mayakap ang manikang ito," nakangiting sabi ni Clarita. Hinimas nito ang pisngi ng manika. "Aray!" 

"Clarita, ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalala na tanong ni Sheryl sa kaibigan.

"P-parang kinagat ako ng manika," nalilitong sagot ni Clarita. Napatitig ito sa mukha ng manika. Napakamot ito sa batok, sabay ngiti. "Joke lang, peace!" 

Pinitik ni Sheryl ang noo ng kaibigan. Sa kanilang tatlo, si Clarita ang pilya. "Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Laura? Manika pa raw 'yan ng lola ng daddy niya. Baka biglang magkaroon ng buhay 'yan at paglaruan pa tayong tatlo." 

Lakas naman ng tawa ni Clarita. "Laruan lang ang manikang 'yan, kaya paanong magkakaroon ng buhay, aber? Ikaw kasi ang hilig mo manood ng horror movies." 

"Hindi naman ako katulad sa inyong dalawa," agad na react ni Sheryl. "Ang hilig n'yo sa mga cheesy movies, tapos iiyak-iyak naman kayo." 

"Tumigil na nga kayong dalawa," saway sa kanila ni Laura. "Huwag ninyong pakialaman ang manika. Madalas din bilin sa 'kin ni Daddy. Pagmasdan ninyong mabuti ang mga mata ng manika. Minsan pakiramdam ko may buhay ang manikang 'yan. At 'pag sinabi ko 'yon kay daddy, sinasabi niyang napa-paranoid lang daw ako."

Napatitig si Sheryl sa mga mata ng manika. Buhay na buhay. Parang totoong bata. Ang mga labi nitong nakangiti ay parang sa demonyo. Medyo creepy ang manika!

"Your dad is right. Praning ka nga!" sabi ni Clarita. "Sa horror movies lang nagkakaroon ng buhay ang mga doll." 

"Ikaw, Sheryl?" 

Napatingin si Sheryl kay Laura. "What?" 

"May kakaiba ka bang nararamdaman sa manika?"

"Well, the doll is a bit creepy. What's the doll's name?"

"Lilith."

Kinilabutan si Sheryl nang banggitin ng kaibigan ang pangalan ng manika. May nabasa kasi siyang kwento na pinamagatang 'The Legend Of Lilith'.

DAHIL inaantok na si Sheryl, dinala siya ni Laura sa sarili nitong kwarto. Manood daw muna ito at si Clarita ng telebisyon sa sala.

Napangiti si Sheryl nang maramdaman may yumakap sa kanya. Ang naisip niya ay isa sa mga kaibigan ang katabi sa kama.

Hinaplos niya ang bisig na nakayakap sa kanyang beywang. Napaungol siya nang masalat na matigas na bagay ang hinahaplos.

"Aray!" hiyaw niya sabay dilat ng mga mata. May matalim na bagay ang gumuhit sa kanyang palad. "Ano ba–"

Nagulat si Sheryl nang malamang wala naman siyang katabi sa kama. Ala-una na ng madaling-araw ayon sa suot niyang relo.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang dumudugo ang kanyang palad. Hindi naman malalim ang sugat pero masakit. Tuluyang nagising ang kanyang diwa dahil sa pagtataka. Alam niyang may nahawakan siyang matalim na bagay, ngunit 'di niya mawari kung ano 'yon.

Inut-inot na bumaba siya ng kama.

"Aray!" hiyaw niyang muli. May matalim na bagay ang humiwa sa kanyang bukung-bukong. Napaupo siya sa gilid ng kama.

Nanggilalas si Sheryl nang makitang dumugo ang bukong-bukong niya. Napaungol siya sa sakit. Nasaan na ba sina Laura at Clarita?

Biglang kumurap ang ilaw hanggang sa tuluyang dumilim sa loob ng kwarto. Naisip niyang baka nawalan ng kuryente.

Kinapa niya ang tinagong cell phone sa ilalim ng unan. Natigilan siya nang marinig ang ingit ng pinto. Nagtaka siya nang makitang maliwanag sa labas ng kwarto. Ngunit ang ipinagtataka niya ay wala siyang nakitang pumasok.

Siguro pundido na ang bulb ng ilaw! pampalubag loob ni Sheryl sa sarili. Kahit masakit ang bukong-bukong ay pinilit niyang makalakad.

Paika-ika siyang naglakad hanggang makarating sa hagdanan. Tinawag niya ang mga kaibigan pero walang tugon mula sa mga ito. Marahil ay abala pa rin sa panonood.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang mapansin ang isang anino. Aninong pakiwari niya ay sa isang bata. Ngunit, paanong magkakaroon ng bata roon, e, tatlo lang naman sila ang naroon ngayon sa bahay ng mga magulang ni Laura?

"Let's play, hide and seek! I'll hide behind your back and when you start seeking me, I'll rush to your arms!" Matinis na humagikgik ito. "Magtago ka at huwag magpapakita sa 'kin. Dahil kapag nakita kita . . . mamamatay ka!"

Kinilabutan si Sheryl sa narinig. Napakapit siya nang mahigpit sa handrail ng hagdan nang may nakita siyang batang babae. Mabilis itong tumakbo papunta sa forey kung saan naroon ang mga antigong kagamitan. Nakilala niya ang bestidang suot nito.

"P-parang iyon ang suot na bestida ni Lilith!" tukoy niya sa manika.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon