Alone

37 4 0
                                    

Where is everybody? Ito ang tanong ni Madee sa sarili nang magising sa isang 'di pamilyar na lugar.

Bukod sa kanyang pangalan, wala na siyang ibang maalala.

Ano nga ba ang nangyari sa kanya?

Makaalis pa kaya siya sa lugar na kinaroroonan niya ngayon?

NAGISING si Madee sa isang lugar na ‘di pamilyar sa kanya. Habang naglalakad ay inililibot niya ang paningin sa paligid.

Katahimikan. Ito ang agad napansin niya. Wala pa rin siyang maalala kung paanong napadpad sa lugar na ‘yon.

Lover’s Café.

May ngiti sa labi na binilisan ni Madee ang hakbang.

“Magandang–” Naputol ang sasabihin sana niya. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang loob ng café. Walang ni isang tao roon bukod sa kanya. “Customer!” sigaw niya.

Sinipat niya ang suot na relo. Nagulat siya nang makitang basag ito.

Tinungo niya ang counter.

“Customer! Pa-order ako ng isang coffee at samahan n’yo na rin po ng dalawang piraso ng pancakes.”

Katahimikan. Gutom na gutom na siya. Naisip niyang baka abala ang mga staff kaya hindi siya narinig. Maingat ang bawat hakbang na tinungo niya ang isang pinto na may nakasulat sa ibabaw nitong ‘For Staff Only’.

Bahagya niyang binuksan ang pinto. Tumambad sa kanyang paningin ang mga kitchen utensils. Nabaling ang tingin niya sa stove. May nakasalang na takure. Umuusok na ito, palatandaang kumukulo na ang tubig.

Pumasok siya sa silid na ‘yon. Natuwa siya dahil nasa ibabaw ng mahabang mesa ang kagamitan para sa kape.

Pagkatapos niyang magtimpla ng kape ay naghagilap naman siya ng makakain. May nakita siyang tinapay sa loob ng cupboard.

“Narito ang aking bayad,” sabi niya at inilagay sa mesa ang perang papel. Bahagya pa nga siyang natawa dahil hindi naman niya naisip kung may pera ba siya, o wala.

Tahimik siyang uminom ng kape. Maya’t maya ang tingin niya sa entrance door ng café sa pag-asang may bagong kostumer na pumasok.

Subalit naubos na lang niya ang iniinom na kape at kinakain na tinapay ay walang kostumer na pumasok. Tumayo siya at tinungo ang entrance door. Bago siya lumabas ng café ay binaliktad niya ang karatulang nakasabit sa glass door. ‘Close’.

Naglalakad-lakad siya sa gitna ng daan, umaasang may makikita siya kahit isang tao man lang. May nakita siyang isang sasakyang nakahimpil sa gilid ng isang store. Nabuhayan siya ng loob dahil may isang babaeng nakaupo sa driver seat.

Roque Store Mannequin–nakasulat sa gilid ng sasakyan. Hindi iyon napansin ni Madee. Bahagyang nakababa ang bintana ng sasakyan kaya sumilip siya.

Isang mannequin lang pala ang babaeng nakaupo sa driver seat ng sasakyan. Mula sa bintana ng sasakyan ay kinuha niya ito. Binuhat niya ang life size mannequin. Halos kasing taas niya lang ito.

Umupo siya sa gilid ng kalsada at pinagmasdan nang mabuti ang mannequin. Nakasuot ito ng summer dress at may suot na fashion hat. Sa unang tingin, napagkamalan niya itong isang tunay na babae. Isang tao.

“Pasensya ka na, miss.” Para siyang baliw na kinausap ang mannequin. “Kanina pa ako naglalakad sa lugar na ito, pero wala akong nakitang tao.”

Iginala niya ang paningin sa paligid. ‘Lying-in Clinic’ ito ang nabasa niyang nakapaskil sa labas ng pinto nito. May nakita siyang telephone booth na nakatayo malapit dito. Tumayo siya at iniwan ang mannequin na nakaupo sa gilid ng kalsada.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon