Natupad Na Pangako

64 6 0
                                    

THIRD anniversary ng mag-asawang Anthony at Criselda. Nasa Tagaytay si Anthony dahil naroon ang trabaho ng lalaki. Samantalang si Criselda naman ay nasa Quezon City-housewife, nag-aalaga ng dalawang taon nilang anak na babae.

Mabilis na tinungo ni Criselda ang telepono nang mag-ring 'yon.

"Love, tuloy ba ang uwi mo mamaya?" agad na tanong ni Criselda sa asawa. May bahid ng ngiti sa mga labi.

"Baka bukas pa ako makauwi, love. Ang lakas kasi ng ulan dito at masama ang pakiramdam ko. Kanina pa ako bahing nang bahing."

"Gano'n ba?" Nakaramdam ng lungkot si Criselda. Narinig nito ang mahinang ubo ng asawa sa kabilang linya. "Kung gano'n, mag-check-in ka na muna sa motel kahit isang gabi lang, love."

"Iyon nga ang binabalak ko, love." Muling umubi si Anthony s kabilang linya. "I have a gift for you."

"Talaga? Thank you, love. Hihintayin kita bukas, magluluto ako. Dito na lang sa bahay natin e-celebrate ang ating anniversary."

"Sige. Anyway, kumusta si Jadah?"

"Napagod sa kalalaro ang anak mo, kaya hayun, nakatulog sa playpen niya. Eh, ikaw, kumusta naman ang kasong hawak mo?"

Si Anthony ay isa sa mga magaling na abogado.

"Napanalo ko ang kaso, love!" tuwang pagbabalita nito. "Paano, tatawagan na lang kita mamaya, ha?"

"Okay. Mag-iingat ka. Get plenty of rest. I love you!"

"I love you, too."

MATAPOS ma-park ni Anthony ang minamanehong kotse ay pumasok na ito sa isang motel.

"Magandang hapon, kumusta?" bungad ng isang matandang babae. Ang may-ari ng motel

"Not good. I have the flu. Maaari mo ba akong bigyan ng isang kwarto? Gusto ko sana ay tahimik at maayos na kwarto para makapagpahinga ako nang maayos."

"Marami pang bakanteng kuwarto." Ibinigay ni Mrs. Lilia Suarez ang susi ng magiging kuwarto ni Anthony. "Narito ang information form, isulat mo ang iyong pangalan, address at telepono. Narito naman ang babayaran mo."

"Salamat," nakangiting tugon ni Anthony. Matapos magbayad ay tinungo na nito ang magiging kuwarto.

Natuwa naman si Anthony nang mabuksan ang kuwarto. Malinis, tahimik at mabango. Ito kailangan niya upang makapagpahinga. Umupo ito sa gilid ng kama at tinawagan ang asawa.

"Nahihirapan akong huminga dahil sinisipon na ako. Malakas pa rin ang ulan dito."

"Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Criselda na nasa kabilang linya.

"Kumain na ako kanina. Mamaya, bibili ako ng gamot. Magpapahinga muna ako."

"Sige. Sana maging okay ka na mamaya. Mag-ingat ka diyan. Hihintayin kita bukas. I love you."

KINAGABIHAN...

Hindi pa rin bumuti ang pakiramdam ni Anthony. Kaya naman lumabas ito ng kuwarto.

"Hi, Mr. Avilla!" bati ni Mrs. Suarez. Abala ito sa pagsusulat nang lapitan ni Anthony. "Kumusta na ang iyong pakiramdam?"

"Hindi pa rin mabuti. Itatanong ko sana kung may malapit bang drug store rito, bibili ako ng gamot."

"Oo. Nasa kabilang kanto lang. Dumaan ka sa kanan at makikita mo ang Stallion Drug Store."

"Thank you, Mrs. Suarez." Nginitian ni Anthony ang matanda.

"Mag-iingat ka at malakas pa rin ang ulan," paalala ng matanda.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon