Komik - 1

34 2 0
                                    

TUNGKOL ito sa isang cartoonist na minsan ay may kakayahang gumuhit ng takot sa bawat panel.

What is about to happen to her life is anything but comic.

Si Miaka Ruiz ay minsang iginagalang bilang Reyna ng katatakutan, at kumita ng maraming pera sa paglikha ng iba't ibang tunay na nakakakilabot na mga kwento sa komiks. Ngunit ang paggalang ang huling bagay na makukuha niya ngayon mula sa kanyang publisher.

TRES CRUSES CAVITE

Dinala ni Miaka sa bahay ng kanyang boss na si Sylvia Cruz ang mga natapos niyang drawing para sa komiks.

“Dati ko nang nakita ito, Miaka. Jeez! Anong ginagawa mo sa akin, ha?” wika ni Sylvia sa mataas na boses. Disgusto sa nakikitang drawing ni Miaka.

“Wala akong ginagawa sa 'yo, ma'am. I'm just trying to deliver something scary like you asked–” Hindi natapos ni Miaka ang sasabihin nang muling magsalita ang kanyang boss.

“Miaka, ito'y basura!” Inis na hinagis ni Sylvia ang bristol board paper sa sahig. “Ang mga drawing mo ay nabibilang sa basurahan, naiintindihan mo ba?”

“It’s good work,” tila may bikig sa lalamunan na katwiran  ni Miaka. Lihim na nasaktan ang damdamin niya sa inasal ng kanyang boss. “Sa tingin ko, ito ang ilan sa aking pinakamahusay na ginawa.”

 “Nakikipagtalo ka ba sa akin, ha?” seryoso ang mukhang tanong sa kanya ni Ma’am Sylvia.

Umiling si Miaka. “Hindi po, ma'am. Iniisip ko lang na talagang makakapuntos ito para sa ‘yo.”

“Oh, yes! Maybe, one!” singhal ni Ma’am Sylvia sa kanya. “I need a ten! Ang mga kabataan ngayon ay mas sopistikado kaysa noon, Miaka. Mas gusto nila ang kapani-paniwalang kwento. Mga larawan sa komiks na tila buhay na buhay. Hindi mo ba alam ‘yon?”

“Ma’am, b-bakit hindi n’yo po muna subukan ang mga bago kong ginawa?” tukoy niya sa kanyang mga drawing na nakakalat pa rin sa marmol na sahig.

“Nang-iinsulto ka ba talaga, ha?” ani Ma’am Sylvia na pinandilatan pa siya ng mga mata. “Ni hindi ko na maipakita ang mukha ko sa isang comic book convention. Pinagtatawanan nila ako! It’s gotta be the real thing, Miaka! It’s gonna be real!”

Napapapikit si Miaka sa bawat salitang binibitawan ng boss niya. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito.

“Ma'am, siguro maaari akong magdagdag ng kaunting dugo o kung ano,” aniya na 'di makatingin ng diretso sa mga mata nito.

“Miaka, kahit sinong tanga kayang magdagdag ng dugo. What in the world happened to you? May isang bagay na hindi mo nakukuha, okay?” galit nitong sabi at napasapo sa sariling noo. “You used to be good. And I don’t know what happened to you.”

“Siguro kung binigyan mo lang ako ng konti pang instruction.”

 "Instruction?” Ngumiti ng nakakainsulto si Ma’am Sylvia. "Oh, Miaka, ano pa bang instruction ang kailangan mo? Gusto kong i-score mo ako. ‘Yon lang! Hindi mo ba naiintindihan? Gusto kong tumaas ang rating ng SV Comics! I want you to scare me! Scare me to death, Miaka!”

Tila nagpanting ang pandinig ni Miaka kaya hindi niya napigilang tingnan nang masama ang kausap.

“Okay! Okay! Okay! I’m sorry!” garalgal ang boses na saad niya. “I’m sorry, I didn’t hit it for you, okay?”

Tumayo mula sa kinauupuan na sofa si Ma’am Sylvia. “All right. Just get out of here. Get out!”

Masama ang loob na tumayo na rin si Miaka, isa-isang dinampot ang mga bristol board paper sa sahig.

Hinatid siya ni Ma’am Sylvia hanggang sa main door ng bahay nito.

“You better hit it this time, or it’s over!” pabatid nito sa kanya. “I'm gonna hire one of these new kids right out of school. I'm sorry, Miaka. Listen, I'm tired of carrying you. I've been carrying you for eight years.”

 "I-I understand, ma'am.” Malungkot na nagyuko ng ulo si Miaka. Ayaw niyang ipakita sa kanyang boss na lumuluha siya. Masama ang loob niya, dahil ito ang unang beses na trinato siya ng ganito ni Ma’am Sylvia.

“Then make it quick.”

Napaigtad sa gulat si Miaka nang pagsarhan siya ng pinto ni Miss Sylvia. Tila may nakataling kadena sa mga paa na hirap siyang ihakbang ang mga iyon.

***

NANG gabing iyon ay nagpakalasing sa alak si Sylvia at nakatulog sa sopa. Mas mabuti na iyon kaysa subukang matulog nang inuusig ng sariling konsensya.

Mula sa labas ng pinto ay may kumatok.

“Huh?” umuungol na iminulat ni Sylvia ang mga mata. Muling narinig nito ang katok sa pinto. “Sandali lang!”

Muling may kumatok sa pinto.

“Hold on, take it easy.” Bumangon si Sylvia. Sinulyapan nito ang wall clock. Alas dose na ng hatinggabi.

Sino naman kaya itong istorbo? sa isipan ay sambit ni Sylvia. Tinungo nito ang pinto.

“Ma’am, paumanhin kung naistorbo namin ang iyong pamamahinga.”

Nangunot ang noo ni Sylvia nang mabungaran ang tatlong pulis sa pintuan ng bahay niya.

“Kayo ho ba si Misis Sylvia Cruz?”

“Y-yes,” tugon ng nagtataka na babae.

“May empleyado ka ba na nagngangalang Miaka Ruiz?”

“Yeah, why?” Kinabahan bigla si Sylvia. Wala itong ideya kung bakit sinadya ito ng mga pulis.

“I hate to tell you this, but she committed suicide.”

“Ah–what?” gulantang na reaksyon ng babae, biglang nawala ang espiritu ng alak sa katawan nito.

Sylvia had destroyed Miaka, she had broken her spirit. Hindi nito inakalang hahantong sa malagim na pagtatapos ang buhay ng dalaga.

Midnight Stories Vol. 1✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon