Note: Eventhough, sa France ang first setting ng novel, I still used Tagalog po. Ang hirap magtranslate. Daming chuchu. Galingan nyo na lang ang pag iimagine. Lovelots, hihihi.
---------
KINABUKASAN, matapos ang hearty breakfast nya sa hotel, nagready na sya sa first day gala nya sa France. Kailangan sulitin dahil once in a lifetime opportunity to.
Habang naghihintay sa tour guide nya sa hotel lobby, minabuti nyang magmasid masid sa paligid. Hangang hanga sya sa interior ng hotel. Para syang nasa isang modern palace.
" Nice. Parang ang sarap tuloy magsuot ng Victorian dress..."
"Nurse Kath! Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinihintay. Hindi mo sinasagot ang chat ko.."
Agad syang napalingon sa nagsalita. Na dapat hindi na lang nya ginawa.
' Tangna, andito na naman to!'
"Ayy, Doc Dencio! Ikaw pala." pilit ang ngiting bati nya rito.
"San ba ang first stop mo? I can tour you around." all smile na prisinta nito sa kanya. Binistahan nya ang porma nito at ibig nyang mapangiwi.
"Wow, all white. Para kang ikakasal, Doc."
"Oh? You think so? Hahaha. Kung papayag ka, willing naman na akong maging groom!"
Kung nakangiwi na sya kanina, feeling nya lalong tumabingi ang nguso nya. Ibang klase din ang hangin!
"Hahaha, hindi pa po ako ready. Madami pa akong pangarap, Doc. At di ka kasali dun..." sinadya nyang hininaan ang huling sinabi nya.
" Ha? Ansabi mo? Di ko naintindihan?"
"Ayy, andyan na po tour guide ko! Mauuna na po ako!"
Blessing in disguise na dumating si Sir Jonas, ang 56 yrs old nyang tour guide. Nakalayo sya sa hambog na lalaki. Pero, pakiramdam nya ay sinusundan pa din sya nito.
"Sir, where'll we go first?"
" Louvre Museum, milady!"
Sir Jonas had this fatherly features kaya madali nyang nakagaanan ng loob. Bawat puntahan nilang lugar ay may lecture ito. Para syang may kasamang history teacher. Ultimo dates and special events ay alam nito.
Hindi nya namalayang naka- isang linggo na sya sa bansang iyon. Maraming lugar na syang napuntahan, at ayon kay Sir Jonas, marami pa din silang pupuntahang lugar.
Kinaumagahan ay naisipan nyang sa labas kumain ng breakfast. She found a bread and pastry house na talagang nagpalaglag sa panga nya.
TANG INA BAKERY, SINCE 1820
"Grabe naman ang nakaisip nun. Buti na lang masarap ang tinapay nila!" she feasted herself with strawberry pie, mini doughnuts, croissants, and a mug of espresso.
Nang matapos, she found herself strolling in the busy town of Paris.
Pumasok sya sa mga stores, antique shops, at iba pang hand me downs na tindahan.
"Ganda naman nito. How much is this?" tanong nya sa asian looking saleslady na nakasunod sa kanya. Isang kwintas na may purple tear- shaped pendant ang itinuro nya.
Namilog ang mata nito.
"Filipina ka?" tanong nito.
"Opo. Hehe. Ikaw din?"
Tumango ito. Natutuwa syang nakakilala ng kababayan.
"Jane Romero, from Cavite." anitong inilalahad ang kamay.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...