"ALAM mo ba gulat na gulat talaga ako nung paglabas ko sa tunnel na yun! Tangna! Biglang may nanutok ng espada sa leeg ko. Syet. Akala ko talaga mamamatay na ako nun sa kaba. Pero dyahe lang kasi sa harap pa ng mga papable ako mapupugutan ng ulo kung nagkataon!"
Nasa TANG INA BAKERY sila ni Blaze nagmerienda. Wala masyadong tao sa pastry house na yun kaya dun nila napiling kumain.
Matapos ang 'pagsundo' sa kanya sa Zardheim sa tulong ng 'granny' ni Blaze, ay naging magkasundo silang dalawa. Inakala pa nyang masungit at mayabang ang binata pero nagkamali sya. Heto nga at tawa ng tawa sa adventure nya sa ibang mundo.
"Pero hinimatay ako nun! Pano kasi may super laking leon dun, as in! Tapos nakakausap ko sya through mindlink! Ang galing nga eh! Tapos nakakapagtransform pa sya into a cub! Ang cute cute lang."
Kumuha sya ng panibagong slice ng strawberry pie. Sarap na sarap talaga sya sa pastries ng bakeshop na yun!
"May crumbs ka dito oh!"
Napatingin sya kay Blaze. He was pointing at the left side of her lips. Pinunasan nya yun.
"Meron pa?" tanong nya.
Bahagyang lumapit ang binata sa kanya. He brushed off the remaining crumbs na napunta sa baba nya.
Wala sa loob na napatitig sya dito. Naalaala nya bigla si Duke Blade. Ang masungit at cold na ugali nito..
"Ano ba yan! Nakakainis ka, Blaze! Namiss ko tuloy agad si Duke Blade!" she pouted. Nawalan tuloy sya ng ganang kumain.
Blaze chuckled. "Pareho ba kaming gwapo?"
Naparoll eyes sya. "Oo kamo! Ang gwapo nun. Purple eyes sya. Grabe. Sayang nga lang at saglit lang kaming nagkasama. Saka wala namang pangit dun sa Zardheim."
"Sayang. Kaya ko ngang magtime travel, pero limitado lang ang lugar na pwede kong puntahan. I want to go to Zardheim kung saan nagmula si granny. " he blurted out.
"Yung granny mo, kamukha ko ba talaga sya?" curious na tanong nya rito.
"Aha. Except to your hair and eyes. She had a golden hair and electric blue eyes.. Nakita mo naman siguro yung portrait nya sa kwarto mo?"
"Tangna! Ang ganda ganda nun!"
Nangunot ang noo ni Blaze. "Ang hilig mo talagang magmura? Babae ka pa naman."
"Para kang si Blade. Masyadong mapunain! Hello? Expression ito sa Pinas noh!" she reacted.
"I travelled a lot. Nakarating na din ako sa Philippines pero hindi naman lahat ng babae nagmumura."
"So, that explains kung bakit marunong kang magtagalog? Hmp. Di ikaw na ang madaming alam na language!"
Ngumiti lang si Blaze sa kanya.
"Anyway, balik tayo sa lola mo. Ibig mong sabihin, nung pag appear ko sa room ko, sya namang pagdisappear nya?"
"Yeah. I think she is at the timeline where he will meet my great great grandfather."
"Sayang di man lang kami nagkita. Kung hindi dahil sa tulong nya baka andun pa din ako sa Zardheim."
Pinisil ni Blaze ang ilong nya. Kaya natampal nya ito ng mahina." Aray ha! Feeling close ka na talaga!" reklamo nya.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...