"WOW! Ang ganda naman ng pagkakatirintas mo sa buhok ko.. Thank you!" aniya kay Tangerine. Nasa kwarto pa sila at naghahanda para sa pagpunta nila sa Parque du Sauros, ang lugar kung saan gaganapin ang pagtatanghal. Malapit ito sa Greene Palace at sentro ng kalakalan sa kaharian ng Sauros."Wala yun, ate. Ang ganda din naman kasi ng buhok mo. Itim na may halong pula."
Kanina nya lang din napansin na nagkahighlights ang dating itim na itim na buhok. Epekto siguro ito ng pagsasalin ni Dyosa Katriah. Hindi nya pa nasusubukan ang kakayahan dahil inatake sya ng tamaritis, ang sakit ng mga tinatamad.
Pumasok sa kwarto si Inna. Kinuha nito ang kahon na naglalaman ng mga ginawa nitong accessories na gawa sa buto ng Aris.
"Uumpisahan ko na ang negosyo natin, ate. Magbebenta ako roon habang tayo ay naglilibot!" nakangiting sabi nito sa kanila.
Napangiti sya. Madiskarte ang batang ito! May pag asa itong yumaman sa future!
"Magandang ideya yan, Inna. Push mo lang!"
"Nga pala, kanina pa nakaalis sina Nanay kasama si Kael. Magteleport na lang tayo para mabilis tayong makarating sa sentro."
"Teleport? Paano?"
"Akong bahala, ate."
So, it turns out na teleportation ang ability ni Inna bukod sa pagiging orange fire mage. Nasasanay na syang makakita ng magic kaya parang balewala na sa kanya ang nalalaman.
Maingay na kapaligiran ang bumungad sa kanila. May mga banderitas na nakasabit, samut saring tindahan, at iba ibang klase ng mages ang nakita nila.
"Wow! Ang ganda naman dito!"
Hinawakan ni Tangerine ang kamay nya. "Dun tayo sa lugar tanghalan. Baka hinahanap ka na ni Binibining Livya."
"Sa sobrang dami ng tao, sa tingin mo magkakakitaan kaming dalawa?"
"Oo naman.. " Hila hila sya nito habang nakikipagsiksikan sa dami ng tao. Nakasunod lang sa kanila si Inna.
Nagpalinga linga sya sa pagbabakasakaling may makilalang pamilyar na mukha. Ngunit sa kasamaang palad.....
"Aray!! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Hampaslupa!" iritableng sigaw ng isang babae sa kanya. May magarbong kasuotan at sigurado syang isa itong noble.
Agad syang yumuko para humingi ng tawad ngunit sa hindi malamang dahilan ay ayaw makisama ng katawan nya.
'Gaga! Hindi yumuyuko ang isang dyosa sa mababang uri ng nilalang!'
rinig nyang komento ni Dyosa Lyka sa isip nya.Napataas ang kilay nya sa komento nito.
"Nice.."
Agad umarko ang drawing na kilay ng babaeng nakabunggo nya. Magbubunganga pa sana ito kung hindi lang sya hinila ni Tangerine.
"Naku, wag mo ng pansinin si Lady Rose. Alipores yun ng Prinsesa.." wika nito sa kanya.
"Isang ambisyosang palaka, Ate." komento naman ni Inna, na binuntutan ni Tangerine ng hagikhik.
"Tunay naman nga. Akala mo kung sino kung makasigaw ng hampaslupa. Pweh!"
May isang malaking parisukat na makeshift stage ang nakaayos sa gitna ng liwasan, at sa mga gilid nito ay may mga pillars na nakapwesto. Sa likuran naman ay may malaking tent na sadyang itinayo para sa mga magtatanghal sa selebrasyon.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...