"Alam kong gwapo ako pero shit lang! Nakakamatay yang tingin mo!" ani Count Chance kay Duke Blade. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan, kakatapos lang nilang kumain ng umagahan. Nasa kabisera ang Duke habang magkaharapan si Marquis Levi at Katheryn. Katabi naman ni Levi si Count Chance.
"I really want to rip your throat, fvcker!" naiinis na wika ni Blade. Masama rin ang tinging ipinukol nito sa katabing Marquis na nagpipigil ng tawa.
"Hay naku! Sa uulitin matutong kumatok ha.." parunggit ni Katheryn sa dalawa. " Nakakasira kayo ng moment eh."
"Uy, ideya ni Count Chance yun! Inosente ako." paninisi ni Levi kay Chance.
"Ba't ako?"
"Ikaw naman talaga! Bigla mong binuksan ang pinto!"
At nagturuan pa nga ang dalawa.
Malakas na tinapik ng Duke ang mesa, na nagpaigtad sa tatlong kasama at ilang servants na nasa gilid.
"Enough! Ano bang ginagawa nyo rito ng pagkaaga aga ha?"
"Bibisita, malamang!" Ani Levi.
"Makikiumagahan, bakit ba? Naghihirap ako eh." May kakapalan ang mukhang banat ni Chance.
Napahawak sa noo si Katheryn. Kagigising nya pa lang mula sa isang linggong pagkakahimlay tapos ang kakulitan ni Count Chance ang bubungad sa kanya.
"Oh! Tamang tama. Hindi pa din nag uumagahan si Deathlian." Sabi ni Duke Blade na nakatingin sa bungad ng pintuan ng dining area.
Awtomatikong napalingon ang tatlo sa pinto. And there, they saw the magnificent lion walking towards them.
Naparoll eyes ang dalaga ng magtama ang mata nila ng leon.
"Arte! Ganda ka?" mindlinked ni Deathlian sa kanya.
"Wow ha! Ang gandang bungad!" aniya.
Pahinamad na nahiga ang leon sa tabi nya. She caressed his soft fur.
"Bihira ko na ngang makita ang alaga mo, tapos ganyan pa sya. Si Katheryn na ba ang bago nyang amo?" tanong ni Chance sa Duke.
"Let him be. Mainam na rin yun para may protector si Katheryn. "
Saglit pa silang nag usap bago nya napagpasyahang tumayo. Nagpaalam syang magpapahangin muna sa labas. Kasama ang dalawang ladies in waiting na sina Eura at Hana, nagtungo sila sa hardin ng mansyon.
"Oh, Mr. Sunshine! I miss you so much!" madamdaming sabi nya saka idinipa ang mga kamay. "Oh kaytagal kitang hindi nakita!"
Natatawa namang naupo ang dalawang babae sa isang bench roon.
"Ang tagal nyo kasing gumising, Binibini. Isang linggo namin kayong binantayan, tapos sa gabi ang mahal na duke ang kasama nyo." panimula ni Hana.
"Tama po ang sinabi ni Hana, Lady Kath. Sa katunayan, sa silid nyo na rin nag opisina ang kamahalan."
Napataas ang kilay nya. "Ah, kaya pala may lamesa sa tabi ng kama ko. Ang daming tambak na papel. Hindi ko na nausisa ng gumising ako kasi nga dumating yung dalawang sira ulo."
"Ang kulit nga po nila, Binibini." kinikilig na turan ni Hana.
Naupo sya sa katapat na upuan ng dalawa. Trip nyang mag usisa.
"Lagi bang pumaparito ang mga yun?"
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...