Chapter 20

1.1K 91 11
                                    

"SIR, based on the investigation, it looks like a foreplay took place. Miss Jane is not the only suspect. There was another fingerprint found on the gun and cellphone. It was determined that it belonged to a certain Adelia Verde." his assistant Niel informed him.

"Investigate further. Just make sure that whoever did this to Katheryn will be caught. "

Tumango ang kausap." Yes, Sir. I'll take my leave."

Umalis ito na hindi man lang nya nalingon. Narinig na lang nya ang pagsara ng pintuan ng kwartong yun.

Patatlong araw na ni Katheryn sa ospital, at tatlong araw na din syang nandun. Nasa kritikal na kondisyon ang babae. Malapit sa puso ang tama nito.

Kanina lang ay dinalaw ito ni Sir Jonas. Shocked pa din ang matanda sa nangyari gayundin sa pagkamatay ng kaibigan nitong si Jane Romero. Sangkot ang babae sa iniimbestigahan pero ayon sa matanda ay imposibleng magawa iyon ng dalaga. Sinigurado naman nyang malilinis ang pangalan ng babae, lalo na at may lumitaw na panibagong suspect.

Hindi naman maiwasan na hindi sisihin ng binata ang sarili.

Nalate sya.

Habang naliligo, ay nagkaroon sya ng pangitain. Blurry nung una, kaya hindi nya masyadong pinansin. Pero ng makita nya ang babaeng tumatawid, ay bigla syang kinabahan. Lalo na at nakapantulog lang ito.

Minadali nya ang paliligo at agad nagtungo sa katapat na suite. Panay ang buzzer nya pero hindi ito sumasagot. Sinubukan nya itong tawagan pero busy ang line. Nagtatakbo sya papunta sa lobby para magtanong sa assigned security. Lalong binundol ng kaba ang dibdib nya ng sabihin nitong may babaeng lumabas na ganun ang description.

"Where the hell are you, Katheryn! Please, be safe.." piping bulong nya habang papalabas ng hotel. Sinabihan nya din ang mga guard na hanapin ang babae.

Tatawid na sana sya ng mapansin nya ang pulang kotse na nakahimpil sa kabila. Maya mayay bigla itong humarurot ng alis. And there ..he saw a trembling Katheryn. She was clutching her bloody chest.

Wala gasinong tao sa parteng iyon ng kalsada kaya wala agad nakasaklolo rito. Mabilis nyang tinawid ang kalsada at lumapit sa nakahandusay na dalaga.

"Hold on, Katheryn!!" tinapik tapik nya ang pisngi nito. He check her pulse, medyo mahina.

"Shit! Move faster!" Nasigawan nya ang isang security na natulala na yata.

"Yes, Sir!" Agad itong tumawag ng ambulansya.

Sa Saint Louis dinala ang dalaga. Mabilis itong inasikaso ng mga doctor at nurses.

"Matutunaw na yan sa titig mo."

Nilingon nya ang nagsalita. He saw Janus floating in mid air. Mukha itong Einstein na nag ala- genie. May kasama itong batang lalaki na mukhang seven years old. They were also staring at the sleeping Katheryn.


Bigla syang binundol ng kaba.

"Eto na ba ang panahon?"

Tumango lang ang bata.

"Pwede bang humingi ng extension? Hindi pa ako handa..."

Umiling ito. Mula sa pagkakalutang ay bumaba ito sa sahig. "Pasensya na Blaze. Eto lang ang tamang pagkakataon para gawin ang pagsasalin, habang mahina pa ang katawan nya. Gusto na din ni Katriah na sila ay mapag isa.."

"Kung alam ko lang na mangyayari to sa kanya, sana hindi na muna ako naligo..."

Natawa si Janus. "Pfft! Siraulo ka din ano? Kahit ano pang gawin mo, hindi mo na mababago ang kapalaran nya."

Nilapitan niya ang dalaga. Sa huling pagkakataon ay nais nya itong masilayan muli.

"Napakadaya talaga! Ilang araw lang kitang nakasama pero malapit na akong mahulog sayo!" he smiled bitterly. "Bat kasi ang bait mo, bonus na lang na napakaganda mo pa! Napakaswerte lang ni Duke Blade at muli kayong magkikita .." Niyakap nya ito saka nilapatan ng halik sa noo.

Binalingan ni Thymeo ang nakalutang na si Janus. "Sa pag alis nya sa mundong ito, ay walang katiyakan ang kanyang pagbalik. Alam mo na ang gagawin, Janus..."

"Lagi naman, Thymeo. Sanay na ako."
nakangusong sabi ni Janus.

"Anyway, pwede nya ba itong dalhin?" tanong ni Blaze sa dalawa habang hawak ang isang mini bag na pambabae. Sinilip ni Thymeo ang laman. Cellphone at ang Celestial Medallion.


"Walang cellphone dun, pero sige. Pagbibigyan kita. Pambawi man lang sa nagdurugo mong puso."

Irap lang ang isinagot nya sa patutsada ni Thymeo, ang highest rank portal keeper. Anyong bata pero higit daang taon na ang edad. Ang natatanging may kakayahang buksan ang lahat ng portal ng walang kahirap hirap.

Nagbukas ito ng puting portal patungong Hinnara, ang pansamantalang tahanan ng mga pinili ng diyos at diyosa sa Erdrun. Pinalutang nito ang katawan ng dalaga na wala pa ring malay patungo sa portal. Kumaway muna ang bata sa kanila bago tuluyang naglaho.


Pilit pigilan ni Blaze ang panunubig ng mata. Eto talaga ang pinakaayaw nya sa lahat : ang pamamaalam.

Sa sandaling panahon, ay may taong handa nyang paglaanan ng lahat. Pero alam naman nya sa umpisa na wala syang laban sa tadhana.

"Janus, bakit ganun?" malungkot na tanong nya rito. Sila na lang ang nasa kwartong yun.

" Huh??"

"Akala ko handa ako sa ganitong sitwasyon. Akala ko masasanay na ako na lagi akong naiiwan. Tadhana ko na yatang maging matandang binata.." himutok nya.

Nakatanggap sya ng mahinang kaltok kay Janus. "Aray ha!"

"Umpisa pa lang alam mo na------na hindi kayo para sa isa't isa. Pero ginawa mo pa din! Para kang babae, ang bilis mong ma- fall! Saka, di ba kahawig sya ng lola mo? Oh, di ba parang lola mo yung pinatulan mo? Aist! Ang gwapo mo, pero ang bobo mo! Wag laging puso ang pairalin, pakigamit din ng utak."

Itinuro nya ang bandang dibdib nya. "Alam mong mahina ito, di ba? Literal na mahina. Kung hindi lang sa kakayahan kong magtime travel sa hinaharap, maybe i'm dead now. Thanks sa super advanced technology."

"Oo, kaya nga naparusahan ka di ba? Pakialamero ka kasi."


"It's a life and death situation!"

"Na-ah. May ibang plano ang mga diyos at diyosa sayo, Dmitriv. Lagi kang nagmamadali." Tinapik nito ang balikat nya. "Oh, sige na. Gagawin ko pa yung bilin ng batang yun! Mag emote ka lang jan hanggang gusto mo!"

POOF!!

Tuluyang napag isa ang binata. Oras na magawa ni Janus ang MINDWIPE sa pamilya at kakilala ni Kath, siya na lang ang tanging makakaalam ng existence ng dalaga.

He opened a portal patungong kwarto nya.

"Hay naku! Magmumove on naman ako!"



--------💕💕💕💕💕---------

Sensya na po kung medyo late. Nagmumove on din po ako. Chos! 😂



OH, MY EMPRESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon