ZARDHEIMRURU VILLAGE, SAUROS
SA isang malawak na kabukiran, naiinip na pinapastol ng dose anyos na batang si Kael ang kanilang mga alagang 'tuba'. Isang uri ng baboy subalit mabalahibo tulad ng tupa. Higit na malinamnam ang karne nito kumpara sa ordinaryong tupa at baboy. Sa tagal nyang naghihintay ay naipon na rin nya ang mga nagkalat na tuyong dayami sa paligid.
Nagpalinga linga sya sa paligid. Natatanaw nya ang kanyang mga ate na sina Tangerine at Inna na nagsasampay ng malalaking tela na ginagamit ng nanay nila sa pananahi.
"Hehe. Oras na para matulog!"
Inilatag nya ang dalang sako sa damuhan saka nahiga roon. Ipinantakip nya sa mukha ang sumbrero upang takpan ang nakakasilaw na liwanag ng araw.
Nakakaidlip na sya ng magkagulo ang mga alaga nyang tuba. Agad syang bumangon para silipin kung bakit nagkakomusyon.
"A-aray! A-ang balakang ko..." daing ng isang boses babae. Nilapitan nya ang babaeng nakasubsob sa bunton ng dayami.
"Eehh? Anong ginagawa mo jan, binibini?" tanong nya rito.
Nag angat ito ng tingin sa kanya. Napaatras sya ng makitang masama ang tingin nito at mukhang galit.
"Naglalangoy. Duhh! " anito saka sya inirapan.
"Ah. May isda pala jan. Ang galing naman."
Nahihirapang bumangon ang babae sa pagkakadapa. Madaming mga sabit sabit na dayami sa magulong buhok nito.
Humarap ito sa kanya. Napatulala sya sa ganda nito.
"Urgh! Nasan na naman ba ako?" anitong nagpalinga linga. "Pag nakita ko talaga ang dyosang yun, hindi ko na sya gagalangin!"
Kakaiba ang suot nito. Maluwang na damit na kulay asul. May nakaburda pa sa gilid na sa pagkakabasa nya ay 'Saint Louis Hospital'. Wala din itong sapin sa paa.
"Saan ka galing, binibini? Takas ka ba sa isang pagamutan? Saka bakit ka nakasubsob sa bunton ng dayami? Inipon ko na yun eh..." tanong nya rito.
"Ay naku, totoy. Ang dami mong tanong. Mainam pa sabihin mo na lang kung nasaan ako?"
"Ang sungit nyo naman po! Nandito ka sa Ruru Village, sa kaharian ng Sauros.."
Nanlaki ang mata ng babae.
" Sauros?? You mean, nandito ako sa Zardheim?"Tumango sya.
Lumapit ito sa kanya saka inalog ang kanyang magkabilang balikat.
"Huuyy! Hindi nga? Tunay? Nasa Sauros ako? Sa Zardheim?? Anong taon?" hindi naniniwalang tanong nito sa kanya.
"1820..."
Napakurap ito ng mata. Parang hindi makapaniwala.
Inalis nya ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat.
"Ay, kung ayaw nyo pong maniwala, bahala kayo. Uuwi na ako. Tapos na po ako sa aking gawain." aniya saka tinalikuran ang babae. Sumipol sya para tawagin ang mga alaga. Nasa dalampung tuba ang naglapitan sa kanya. Ibabalik na nya ang mga ito sa kulungan.
Sumunod ang babae sa kanya. "Bata, ako si Kassandra Katheryn. Pero pwede mo akong tawaging ate Kath. Ikaw? Anong pangalan mo?"
Hindi nya pinansin ang babae. Naglakad sya pabalik sa bahay nila. Nananatili itong nakasunod sa kanya. Naabutan nyang nagsasampay pa din ang dalawa nyang kapatid. Si Tangerine ang unang nakapansin sa kanila.
BINABASA MO ANG
OH, MY EMPRESS!
Fantasy" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hangg...